• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-04-27 16:35:44    
"Brick King"--Wang Shoubin

CRI
Alois Scheicher, isang punong tagapangasiwa ng Kompanyang Lohberger ng Austria at nakahanda siyang makipagkooperasyon kay Mr. Wang Shoubin, Tagapangulo ng Grupo ng Qinghua ng Tsina sa pagyari ng isang espesiyal na ladrilyo--firebrick.

Ang firebrick ay isang bantog na produkto Qinghua Group. Nitong ilang taong nakalipas, gumamit si Wang Shaobin ng mga de kalidad na lokal na materyal para sa pagyari ng firebrick. Mahusay ang firebricks na yari ng Qinghua Group. Kung gagamitin ang mga ito mapoprodyus ang mahuhusay na produkto ng bakal at asero. Kaya ang ganitong uri ng firebrick ay kinagigiliwan ng mga mangangalakal sa loob at labas ng bansa. At ang produktong ito ng firebrick ay nakakatulong sa mga mamamayan sa lokalidad sa pagtahak sa landas tungo sa kasaganaan.

Si Mr Wang Shoubin ay isang magsasaka noon at ang kanyang lupang tinubuan ng Qinghuayu, pangunahin na'y pinagtataniman ng bulak. Mahirap ang pamumuhay ng mga naninirahan sa Qinghuayu sa pamamagitan lamang ng pagtatamnan ng bulak at wala silang sapat na pagkain at damit. Upang mapamunuan ang mga magsasaka sa paghanap ng landas tungo sa kasaganaan, unang una'y namuno si Wang Shoubin sa mga magsasaka sa pagtitibag ng lime stone at pagkatapos ay dumako sila sa paghukay ng magnoferrite at sa gayo'y unti-unti nilang naitayo ang isang kompanya. Sinabi niyang:

"Mula noong l974 hanggang l984, nagmimina kami para lutasin ang isyu ng pagpapakain at pagdadamit sa aming mga taga-nayon. Sa takbong ito, naiipon namin ang pondo. Mula noong l984 hanggang l993, sa pamamagitan ng paggamit ng lokal na yaman, sa magandang patakaran ng pamahalaan at sa murang manggagawa, nagpoprodyus kami ng iba't ibang uri ng hilaw na materyal para sa firefrick".

Ang reporma at pagbubukas ng pinto ng bansa sa labas ay nagbigay ng magandang pagkakataon kina Wang Shoubin sa pagpapaunlad pa ng kanilang negosyo. Pinahintulutan ng estado ang paghuhukay ng magnoferrite pagkaraang makapagbayad ng takdang buwis. Sinimulan nina Wang Shoubin ang paghuhukay ng magnoferrite para magprodyus ng magnesia. Ang lunsod ng Yingko na kinaroroonan ng Qinghuayu ay isa sa mga mahuhusay na pinagmumulan ng magnoferrite sa daigdig. Ang magnesia ay isang mahalagang sangkap para sa pagyari ng firebrick. Sa pamamagitan ng mga kahigtan sa lokalidad, mabilis ang naging pag-unlad ng negosyo nina Wang Shoubin. Salamat sa malaking pangangailangan sa pamilihan ng firebrick, lulamlaki nang lumalaki ang tubo ng kampanya ni Wang Shoubin.

Si Mr. Wang Feng, puno ng isang pagawaan sa ilalim ng Qinghua Group ay nagkaroon ng malalim na impresyon sa bumubuti nang bumubuting benipisyo ng kampanya:

"Natatandaan ko pa, umuunlad ang Qinghua Group bawat taon. Noong una, ilang sentimos lamang ang bayad sa isang oras at ngayon iba na. Ilang Yuan ang bayad sa isang oras. Mas gusto ngayon ng mga magsasaka na manatili sa Qinghuayu at ayaw nilang lumuwas sa mga lusod para maghanap ng trabaho, dahil maganda ang kinabukasan".

Nguni't hindi kontento si Mr. Wang Shoubin sa nakamit nila sa kanilang negosyo. Dahil maliit ang tubo sa pagtitinda lamang ng mga sangkap na materyal. Ang mga dayuhan ay pumaroon sa kanila para bumili ng magnesia at pagkatapos ipagbibili naman nila ang kanilang may mataas na added velue na yaring paninda sa Tsina. Tungkol dito, sinabi ni Wang Shoubin na.

"Ang tubo ng sandaang toneladang magnesia ay katumbas ng tubo ng limang toneladang magnesia brick. Dahil hindi kayo makakayari ng produktong ito, kapag ipinagbili ng mga dayuhan ang produktong ito sa inyo, patataasin nila ang presyo. Kung makakayari kami ng kaparehong produkto, mapipilitan silang ipagbili ang kanilang produkto sa mababang presyo."

Nag-invest si Wang Shoubin ng 80 milyong Yuan at naitayo ang dalawang production line ng magnesia bricks. Dahil sa mataas ang kalidad ng niyayari nilang firebricks. mabibili ang produkto ng grupo niya sa pamilihan sa loob at labas ng bansa.