Binuksan noong isang linggo sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang kauna-unahang China-ASEAN Youth Art Competition sa ilalim ng pagtataguyod ng mga organisasyon ng kabataan ng dalawang panig. Sa kasalukuyang kompetisyong may temang "Lunsod at tao, harmonya at kaunlaran", ipakikita ng mga kalahok na kabataan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang tanawin ng kanilang mga lunsod sa pamamagitan ng eskultura, arteng pansulat at guhit at mga sining-kamay na may pambansang katangian. Ang kasalukuyang kompetisyon ay idinaraos bilang tugon sa mungkahi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na maglatag ng pundasyon ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap batay sa pagpapalitan ng kultura at kabataan at ito rin ay isa sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng dialogue partnership at sa Year of Friendship ng Tsina at ASEAN.
Ipinatalastas noong Miyerkules sa Beijing ng Chinese Peoples' Association for Friendship with Foreign Countries at China-ASEAN Association na idaraos sa darating na Oktubre ng taong ito ang isang malaking serye ng aktibidad na tinatawag na "biyaheng pangkaibigan ng Tsina at ASEAN". Napag-alamang ang naturang serye ng aktibidad na kinabibilangan ng eksibisyon, arts show, peryang pangkabuhayan at pangkalakalan, abuloy na pangkawanggawa at iba pa ay idaraos sa Vietnam, Laos, Myanmar, Thailand, Kambodya, Malaysia at Singapore. Idaraos ito bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng dialogue partnership. Sinabi ni Chen Haosu, puno ng naturang asosyasyon, na ang aktibidad na ito ay isa sa isang serye ng mahalagang aktibidad bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo sa pagtatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina't ASEAN at sa taon ng pagtutulungang pangkaibigan ng dalawang panig.
Mula noong Miyerkules hanggang Biyernes, magkasamang itinangkilik sa Beijing at Brunei ang ika-4 na pulong ng ASEAN Regional Forum hinggil sa paglaban sa terorismo at pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen. Dumalo sa pulong ang mga opisiyal ng departamentong panlabas at panseguridad ng 25 kasaping panig ng nasabing porum. Lubos na nagpalitan ng palagay ang mga kalahok hinggil sa mga paksa ng kalagayang pandaidig at panrehiyon sa paglaban sa terorismo, painag-uugatan ng terorismo, mga estratehiya at hakbangin laban sa terorismo at iba pa. Buong pagkakakaisang ipinalalagay ng iba't ibang panig na kasabay ng buong sikap na pagpapalakas ng kani-kanilang kakayahan, dapat aktibong kumatig at lumahok sa mga may kinalamang pagtutulungang pandaigdig at panrehiyon.
Binuksan noong Huwebes sa Liuzhou, lunsod sa timog Tsina, ang kauna-unahang gourmet festival ng Pilipinas sa ilalim ng magkakasamang pagtataguyod ng Peoples' Association for Friendship with Foreign Countries ng Liuzhou, Liuzhou Hotel at konsulada ng Pilipinas sa Guangzhou. Sa dalawang linggo na aktibidad na ito, makakapagtamasa ang mga taga-Liuzhou ng mga masarap na pagkain mula sa Muntinlupa ng Pilipinas, friendly city ng Liuzhou. Pagkaraan ng Liuzhou, idaraos din ang aktibidad na ito sa Lunsod ng Chongqing at Guangzhou ng Tsina.
Mula ika-16 hanggang ika-25 ng susunod na buwan, idaraos sa Kuala Lumpur ang kauna-unahang ekspo ng ASEAN hinggil sa kultura ng tsaa. Lalahok sa ekspo ang mga negosyante ng tsaa mula sa Tsina, Malaysia, Singapore, Indonesya, Thailand at iba pa. Sa panahon ng ekspo, bukod sa mga business activities, idaraos ang mga porum hinggil sa tunguhin ng pag-unlad ng industriya ng tsaa, preskon ng mga pangunahing rehiyong nagpoprodyus ng tsaa at mga iba pang aktibidad.
|