• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-08 16:01:21    
Abril ika-30 hanggang Mayo ika-6

CRI

       

Sa ika-9 na pulong ng mga ministro ng pananalapi ng ASEAN, Tsina, Timog Korea at Hapon o 10 plus 3 na idinaos noong Huwebes sa Hyderabad ng India, ipinahayag ni ministro Jin Renqing ng pananalapi ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na magkakasamang magsikap sila ng iba pang bansa ng 10+3 upang mapasulong ang kasaganaan at kaunlaran ng buong Asya. Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi niyang dapat ibayo pang palakasin ng iba't ibang bansa ng Silangang Asya ang pagtitiwalaan at pasulungin ang kanilang kooperasyong pinansyal. Ipinahayag pa niyang dapat ibayo pang palakasin ng iba't ibang bansa ang diyalogo sa patakarang pangkabuhayan at pagpapalitan sa karanasan ng pagpapaunlad, ibayo pang palakasin ang koordinasyon sa mga pandaigdig na suliraning pangkabuhayan at magkakasamang harapin ang hamong pandaigdig at panrehiyon.

Kaugnay ng isyu ng exchange rate ng RMB, ipinahayag ni Jin na hahawakan ng Tsina ang isyung ito batay sa responsableng pakikitungo at sa anggulong makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, Asya at buong daigdig. Binigyang-diin niyang nakahanda ang Tsina na lutasin ang isyu ng pagkakawalang-balanse ng kabuhayang pandaigdig sa pamamgitan ng koordinasyong nila ng iba pang bansa.

Sa panahon ng ika-39 na taunang pulong ng Asian Development Bank na idinaraos sa Hyderabad ng Indya, nagpulong noong Huwebes ang mga kalahok na ministro ng pananalapi ng Tsina, Timog Korea at Hapon at tinalakay nila ang kooperasyong pinansyal ng kanilang mga bansa at ang kalagayan ng kabuhayan ng kani-kanilang bansa. Kaugnay naman ng kooperasyong pinansyal ng ASEAN, Tsina, Timog Korea at Hapon o "10 plus 3", ipinahayag ng mga ministro ng pananalapi ng naturang 3 bansa na sa kasalukuyan, mainam ang pag-unlad ng kooperasyong ito at magsisikap ang 3 bansa para makita ang mga posibleng paraan ng ibayo pang pagpapasulong ng panrehiyong kooperasyong pinansyal.

Nag-usap sa telepono noong Biyernes sina ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina at Kantathi Suphamongkhon ng Thailand, at nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa lalo pang pagpapalalim ng estratehikong partnership ng dalawang bansa at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.

Ayon sa pagsisiwalat ng panig pulisya ng Lalawigang Yunnan ng Tsina, lumagda noong isang linggo ang pamahalaan ng Tsina at Myanmar sa isang kasunduaan na kung saan nasasaad na mamumuhunan ang panig Tsino ng 5 milyong Yuan RMB para tulungan ang rehiyong hilaga ng Myanmar sa pagtatanim ng mga pananim bilang kahalili ng poppies. Ayon sa salaysay, ang gagawing proyektong ito ay kinabibilangan ng 5 bahagi--pagtatanim ng pagkaing-butil, tsaa, tubo at iba pa. Ipinasiya ng dalawang panig na kumpletuhin sa Hulyo ng susunod na taon ang mga may kinalamang proyekto. Nitong ilang taong nakalipas, buong sikap na tinutulungan ng panig pulisiya ng Tsina ang Myanmar sa gawain ng pagpapalit sa mga tanim na poppies ng ibang pananim at nagkamit ito ng magandang bunga. Ang paglalagda sa naturang kasunduan ay makakatulong sa pagpapatatag ng mga natamong resulta sa pakikibaka sa droga.