• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-12 14:11:30    
Mga papel sa Peking Opera

CRI
Kung may pagkakataon kayong manood sa Peking Opera ng Tsina, tiyak na mapapakintal sa inyong alaala ang mga makukulay na facial make-ups ng mga tauhan sa entablado. Sumusunod ang mga facial make-ups ng Peking Opera sa mga kaugaliang nakatakdang disenyo para bigyang-diin ang katangian at personalidad ng mga tauhan, nang sa gayo'y malalaman ng mga manonood sa pamamagitan ng iba't ibang facial make-ups kung sino ang bayani, sino ang taksil, sino ang mabait at sino ang masama.

Ang pulang mukha o 'red faces' ay nagpapakita ng katapangan, pagkamakatarungan at katapatan. Ang tipikal na tauhang may nakapintang pulang mukha ay si Guan Yu, isang heneral 1700 taon na ang nakararaan sa panahon ng Three Kingdoms na siyang kilala sa kanyang katapatan sa emperador na si Liu Bei.

At ang kulay mamula-mulang biyoletang mukha naman ay nagpapakilala ng pagkamatuwiran at karangalan. Halimbawa si Lian Po sa kilalang dulang Jiang Xiang He o Nagkasundo ang Heneral at Punong Ministro. Sa dulang ito, mapagmalaki at mapusok si Heneral Lian. Minsan, ikinagalit niya ang malaking pagtingin ng hari sa punong ministro at nakipag-away siya sa punong ministro kung kanino nakipagkasundo siya sa wakas.

Sinasagisag ng maitim na mukha sa Peking Opera ang tigas-loob at pagkamakalarungan o kawalang kinikilingan at di pagkamakasarili. Meron pang berdeng mukha na pagpapakita ng tigas-ulo, kagaslawan at pag-aksyon nang padaskol-daskol.

Madalas makita ang puting mukha sa entablado na sumasagisag sa makapangyarihang taksil. Nagangkin ang tauhang ito ng lahat ng mga masamang kalidad ng isang tao na tulad ng pagkatuso, panlilinlang at pagtataksil. Ang mga tipikal na tauhan dito ay sina Cao Cao, isang makapangyarihan at malupit na punong ministro noong panahaon ng Three Kingdoms, at Qin Hui, isang taksil na punong ministro ng Song Dynasty na siyang pumatay sa pambansang bayaning si Yue Fei.

Ang lahat ng mga nasabing facilal make-ups ay napapalakip sa kategorya ng mga tauhang tinatawag na Jing--ang lahat ng mga lalaking may kitang kitang personalidad.

Para sa mga komikero sa Peking Opera, may isang espesyal na make-up na tinatawag na Xiaohualian o maliit na pinintahang mukha, ang ilong at paligid nito ay pinatisan ng putting kulay upang maipakita ang masama at mapaglihim na personalidad. Kung minsan, ginagamit din ang manggagawa, para mapatingkad ang katallinuhan, ugaling mapagpatawa o mapagbiro nito at para rin mapasigla ang palabas.

Ang isa pang klase ng mga tauhan na tinatawag na Wuchou o acrobatic clowns ay pinipintahan din ng isang maliit na batik ng kulay-puti sa dulo ng ilong upang maipakita ang katalinuhan nito.