• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-05-26 14:07:20    
Mga kasuotan sa Peking Opera

CRI
Ang Peking Opera ay ang pambansang hiyas ng Tsina na tumagal nang mahigit 200 taon. Pinagsama-sama nito ang kanta, musika, sayaw, marshal arts, akrobatiks at kasuutan na naging isang komprehensibong arte. Makapagbibigay-ginhawa ito sa paningin at pandinig ng mga manonood, lalo na ang magnipisenteng kasuotan nito. Isang sulyap ay nalansing na sa ganda nito ang mga manonood na dayuhang hindi gaano pamilyar sa kulturang Tsino. Ngayon, dadako tayo sa kasuotan ng Peking Opera.

Hindi lamang ipinakikita ng kasuotan ng Peking Opera ang arte ng kasuotan at palamuti, kundi ang sining ng paghahabi at pagbuburda, at sa debuho nama'y ginagamit ang eksaherasyong pansining at iba pang paraan.

Ang pangunahing pungkasyon ng kasuotan ng Peking Opera ay sumagisag ng personalidad at hanapbuhay o katayuan ng mga tauhan. Halimbawa, ang desenyo sa harapan ng mga batang isinusuot ng mga opisyal ay kinakabilangan ng dragon, phoenix at ibon. Ang desenyo ng dragon ay nakikita lamang sa kasuotan ng mga emperador, at ang phoenix naman ay sa empresa. Samantala, magkaiba-iba ang kulay ng bata ng mga opisyal sa iba't ibang antas, ang matingkad na dilaw, halimbawa, ay pantangi sa mga emperador. Sinuman ang mangangahas na magsuot ng damit kulay dilaw, pupugutan siya ng ulo; ang pula ay kulay para sag ma karaniwang iskolar, ang itim ay kulay ng mga matatapang na tauhan; at ang kulay-de-carmen naman ay laging isinusuot ng mga taong manlilinlang.

Nahahati sa apat na kategorya ang kasuotan ng Peking Opera. Una, ang baluti na isinusuot ng mga heneral; ikalawa, ang batang nagpapakita, pangunahin na, ng katayuan ng mga tauhan; ikatlo, ang unipormeng pangmilitar na isinusuot ng mga sundalo; at ikaapat, iyong mga isinusuot ng karaniwang mamamayan sa iba't ibang hanap-buhay.

Kahit na magkakaiba at makukulay ang mga kasuotan ng Peking Opera, hindi ito nalikha nang walang kabata-batayan. Sa halip, mayroon itong malalim na ugat na pangkasaysayan. May ilang libong taong sibilisasyon ang Tsina, kaya, naranasan din ng kasuotan ng mga Tsino ang maraming pagbabago. Samantala, isang bansang multi-etnikal ang Tsina na may 56 na nasyonalidad. Kasabay ng paglipas ng panahon, nagkakahalo ang mga kulturang pangkasuotan ng iba't ibang grupong etnikal, bagay na nagbubunga ng bukod-tanging pambansang kasuotan ng Tsina. Ang mga kasuotan ng Peking Opera ay nilikha base sa mga kasuotan ng Ming Dynasty noong ika-14 na siglo, nilagom rin nito ang mga katangian ng kasuotan ng Tang at Song Dynasty noong mga ika-10 siglo. Kaya, masasabing ipinakikita ng kasuotan ng Peking Opera ang pagbabago sa kasuotan ng mga Tsino at pagbabago rin sa tradisyong pangkultura ng bata, ngunit, ang kasuotan ng Peking Opera, bilang pinakaubod ng mga tradisyonal na kasuotang Tsino, ay kahali-halina pa rin hanggang ngayon sa mga tao.