Saan makikita ang Estado ng Ling, na inilarawan bilang bayan ni Gesar sa tanyag at maging ng malaking bahagi ng Kamba. Sinasabi naman ng iba na ito'y nasa purok ng Sichuan na inaagusan ng Yellow River at binubuo ng Norgyi, Hongyuan at Aba. May iba namang naniniwala na ito ay nasa Qubu sa Lalawigan ng Gansu na kung saan ang mga mamamayan ng grupong etnikong Tibetano'y namumuhay sa isang siksik ang komunidad. Gayunman, may nagsasabing ang bayang tinubuan ni Gesar ay nasa purok ng Golog-Yushu ng Lalawigan ng Qinghai, samantalang mayroon namang naggigiit na ang Estado ng Ling ay dapat sumasaklaw sa mga purok sa tawid-hanggahan o cross-border ng mga Lalawigan ng Qinghai, Sichuan at Gansu.
Anuman ang sabihin nila ay makakakuha sila ng suporta mula sa mga aklat na ito: Mga Tanog at Sagot ni Sumba Yexei Benjor, isang mananalaysay ng Probinsiyang Qinghai noong dekada 60 ng ika-18 siglo, Likas na Purok ng Dorkam ni Ren Naiqiang noong 1940 at Isang Pag-aaral Tungkol kay Haring Gesar at sa mga Balladeer na Tibetano at ang Ling Edition of Tibetan King Gesar ni R.A. Stein ng Pransya. Sang-ayon ang naturang mga aklat na ang Estado ng Ling ay matatagpuan sa loob ng Aba sa Sichuan na lumawak mula silangan hanggang kanluran ng Dengke sa dakong hilaga ng Garze. Ang impluwensiya nito'y madarama kahit sa Qinghai.
Upang mapag-aralan ang lupang tinubuan ni Gesar, isang grupo ng apat na eksperto mula sa Qinghai ang pumunta sa Golog at Yushu sa Qinghai noong tag-init ng 1999 at sa Aba at Garze sa Sichuan kung saan mas popular si Haring Gesar. Ang resulta'y nagkaroon sila ng konklusyon na ang Jisuya sa Xiongbaji, nayona Axu, Bayang Dege ng Garze ang lupang sinilangan ni Gesar.
Natagpuan ng grupo ng apat na eksperto ang Living Buddha Bagyia sa Chacha Monastery sa Bayang Dege noong Hulyo 19. Mga 20 kilometro iyon mula Nayong Axu. Habang naghihintay ng bus sa sinabi sa kanila ng Living Buddha na mahal na mahal niya si Haring Gesar. Nang sabihin ng grupo ang kanilang pakay ay lalong sumigla ang pakikipag-usap ng Buddha sa kanila.
Ang Nayon ng Axu ay nasa ibayo ng Ilog Zhaqu sa dakong itaas ng Ilog Yarlung at may 207 kilometro ang layo mula sa bayan. Ito ay nagagayakan ng nagwawagayway na sutra streamers, isa itong daigdig ng mga natural na bagay na maraming isdang lumalangoy sa mga ilog at lawa.
Ayon kay Living Buddha Bagyia, si Gesar ay si Dongzhu Zarbao, panganay sa labing limang anak na lalaki ng hari sa langit na si Baifan. Siya ay ipinalalagay na reinkarnasyon ni Master Padmasambhava, isang mongheng Indiyano na nagpapalaganap ng Buddhismo sa Tibet. Sa harap ng nagkalat na mga diyablo, ipinasiya ni Gesar na iligtas ang mga nagdurusa sa kailaliman ng walang hanggang kapahamakan.
|