• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-08 10:26:05    
Bulwagang Sutra ni Hari Gesar

CRI
Ayon sa alamat, si Gesar ay isinilang sa Jisuya, isang araw ng Sabado, sa isang tolda na yari sa balahibo ng yak. Ikinukuwento pa rin ng mga tao roon ang tungkol sa kanyang pagsilang. Gayunman, may nagsasabing isinilang siya sa tabi ng Ilog Mameoke Qu sa dakong timog ng Bundok Bayankala sa purok hanggahan ng Yushu at Garze. Ganito naman ang paglalarawan ng mga tao tungkol sa kanyang lupang sinilangan: nasa kaliwa daw ito ng isang punong sipres, isang lugar na parang buntot ng kabayo; nasa kaliwa daw ito ng isang bukal na hugis mangkok; at nasa ilalim daw ito ng isang bato na mistulang palaso.

Sa maniwala kayo't sa hindi, may isang bumubulwak na bukal sa purok na kung saan inuusal ni Gesar ang mga sutra. Nagtataka kami nang labis sa singlinaw ng kristal na tubig ng naturang bukal. Tinangka naming tikman ang tubig, pero ayaw ng Living Buddha, ayon sa kanyang paliwanag, madudumihan ang bukal at matutuyo.

May isang nakapagtatakang pagkakataon tungkol sa kung ano ang sinasabi ng mga tao at kung ano ang inilalarawan ng epiko hinggil sa lupang sinilangan ni Gesar. Ito'y nasa dakong tagpuan ng dalawang ilog kung saan itinayo ng ina ni Gesar ang kanyang tolda. May naniniwala naman na ito'y nasa gitna ng mga buho ng Bulwagang Sutra ni Haring Gesar. Sa likod ng Bulwagang Sutra ay may isang malaking bato na hugis palaso na naaagapayanan ng damuhan na parang nakaladlad na piyeltro o felt.

Ayon kay Living Buddha Bagyia, si Gesar daw ay isinilang sa isang mahirap na pamilya ng mga pastol noong ang langit ay puno ng magagandang ulap at may bahaghari. Anang alamat, si Gorsa na noon ay nagtatrabaho sa bukid, ay nakadama ng matinding kirot. Nagpupumiglas siyang makaakyat sa isang malaking bato. Nang isilang si Gesar natuklasan daw ni Gorsa na may nalikha pala siyang dalawang malalim na bakas ng paa noong umakyat siya sa bato. Bilang paggunita sa naturang pangyayari, isang Templo ni Hari Gesar ang itinayo sa tabi ng malaking bato, at ang naturang templo'y muling pinangalanang Bulwagang Sutra ni Hari Gesar.

Ayon sa alamat, ang templo'y itinayo sa panahon ng paghahari ni Emperador Daoguang ng Dinastiyang Qing. Ngunit, iginigiit naman ng ilan na itinayo raw iyon ni Ling Gesgyia, anak ni Wonbo Nganu Huasang, isa sa apat na pangunahing mga pinuno sa purok ng Ling noong panahon ng Dinastiyang Song. Ayon pa rin sa alamat, si Ling Gesgyia daw ay isa sa apat na pinakamatapang na heneral ni Haring Gesar.

Sa katunayan, ang naturang templo'y isang templo ng pamilya ni Pinunong Ling Cang. At ito'y matatagpuan sa "Tala ng pamilya ng Tribong Mobudong" at Pinunong Ling Cang.

Bago ang mapayapang liberasyon ng Tibet noong 1951, matatagpuan sa templong ito ang sagisag na ivory ni Gesar, ang tala ng pamilya ni Nganyichageng na isang tagapamahala ni Gesar, naroon din ang mga palasong ginamit ni Heneral Nyiancha Ngadain, pananggalang at sandata na ginamit ni Gesar, ang estatuwa ng kabayo ni gesar at mga tau-tauhang luwad nina Dainma Xinba at Zhumao. Naroon din sa temlpo ang mga guhit sa pader na naglalarawan ng 30 heneral ng Estado ng Ling na nasa ilalim ng pamamahala ni Gesar, ang 80 bayaning napabantog sa panahon ng digmaang ekspedisyunaryo, ang 13 Budhistang tagapag-alaga at 18 babae ni Gesar. Inilalalrawan ng iba pang guhit sa pader kung paanong hinarap ni Gesar ang kanyang mga kaaway.

Ang templo'y nasira sa panahon ng magulong "Rebolusyong Pangkultura" (1966-1976). Noong 1987, ang gobyerno ng Dege County ay naglaan ng 30,000 yuan RMB para kumpunihin ang templo. Pagkatapos ay nakapangilak ng pera si Living Buddha Bagyia para kumpunihin naman ang Bulwagang Sutra ni Hari Gesar na ginawang banal noong Augusto 8, 1999 ngunit ang Living Buddha mismo ay hindi naging abbot nito.

Nakadambana sa Bulwagang Sutra ang eskultura ni Haring Gesar. Nasa likod niya ang mga estatwa ng 80 bayani, nakatayo naman sa harapan ang kanyang mga heneral, kerida at dilag. Sa aming pagbisita sa Bulwagang Sytra ipinakilala sa amin ni Living Buddha Bagyia ang naturang mga heneral.