• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-12 14:31:50    
"Country tour" sa Tsina

CRI
Kung mababanggit ang kanayunan, ang posibleng unang-unang papasok sa iyong isip ay ang kultura, pamumuhay at magandang tanawin nito, pero, ang paglalakbay sa mga nayon ng Tsina ay hindi lamang isang paglalakbay para makita ang itsura nito.

Alam na alam ng buong daigdig na ang Tsina ay isang bansang may 5000 taong sinaunang sibilisasyon. Ang mahabang kasaysayan nito, sa katunayan, ay kasaysayan ng kaunlarang agrikultural. Napakatibay ng pundasyon ng tradisyonal na kultura ng nasyong Tsino sa kanayunan. Kahit na nakapasok sa Tsina ang western industry civilization, hindi rin mabigat ang impact ng kulturang kanluranin sa tradisyonal na kultura ng Tsina sa mga nayon kumpara sa mga lunsod. Kaya, ang karamihan sa mga tradisyonal na kultura na tulad ng mga tradisyonal na kaugalian, opera at awitin sa lokalidad, at ang mga nayon, bahay at templong may sinaunang katangian at iba pa ay naisasalin nang mabuti sa kanayunan. Ang pagpunta sa naturang mga lugar ay nagsisilbi ring isang mabisang pagpili ng mga manlalakbay na dayuhan na nais na magkaroon ng lubos na kaalaman tungkol sa Tsina.

Ang Jin Opera ay isa sa mga tradisyonal na opera sa lokalidad na naging popular sa lalawigang Shanxi ng Tsina. Ang "jin" sa wikang Tsino ay daglat ng lalawigang Shanxi, kaya, ang nasabing opera ay tinatawag na "Jin Opera". May 300 taong kasaysayan na mas mahaba pa sa Beijing Opera, kilalang-kilala ito dahil sa makabagbag-damdaming tugtugin nito. Sa kasalukuyan, napakapopular din ang Jin Opera sa kanayunan ng lalawigang Shanxi na naging di-mawawalang elemento ng mga libangang pampubliko sa mga kapistahan. Bukod sa Jin Opera, kilalang-kilala rin sa Shanxi ang malalaking tahanang parang palasyo ng mayayaman noong sinaunang panahon. Halimbawa, ang mansiyon ni Qiao ay isa sa mga ito.

Sa pagsisimula ng taong ito, binisita ng mga mamamahayag ang Mansiyong Qiao. Nang panahon ring iyon, pumarito ang mahigit 500 manlalakbay na Tsino, at naghanap sila ng mga di-karaniwang kuwento na naganap minsan dito at sabayang nabighani sila ng mga pagtatanghal ng tradisyonal na kaugalian at opera.

Si Ginoong Ma Sheng, isang tour guide sa lokalidad, ay lipos ng kompiyensa sa "country tour" sa Shanxi. Sinabi niya sa mga mamamahayag na,

"Masagana ang cultural heritage sa kanayunan ng Shanxi na hindi lamang kinabibilangan ng makukulay na kaugalian,opera at sayaw, kundi meron ding natatangi sinaunang arkitektura at magagandang tanawin, at ito ay bentahe at likas na yaman ng kaniyang lupang tinubuan sa pagpapasulong ng 'country tour'. Nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng pagbuti ng kondisyon ng transportasyon, lalo na ang mabilisang pag-unlad ng konstruksyon ng express-way at lansangan sa kanayunan na nagkakaloob ng ginhawa sa pagpapasulong ng turismo."

Ayon sa ulat, bukod sa mga regular na linya ng paglalayag, sa panahon ng mga pangunahing kapistahn, nagkaloob ang mga travel agency ng mga espesyal na linya para sa "country tour" para malaman ang mga kaugalian sa kanayunan sa Shanxi.

Sa iba't ibang rehiyon ng Tsina, marami ang katulad na lugar kung saan may ganitong masaganang likas na yaman ng "country tour". Halimbawa, ang Yichang, isang lunsod ng lalawigang Hubei malapit sa ilog ng Yangtse, na naging isang lunsod na pan-turista dahil sa pagtatatag ng proyektong Three Gorges. Mabilisang umuunlad ang "country tour" sa paligid ng Three Gorges, at mahigit 1 milyong person time na manlalakbay ang pumarito noong 2005.

Ang mga kaugalian at tanawin sa mga rehiyon ng pambansang minorya ay isa pa ring tampok sa "country tour". Sa mahabang panahon, ang mga rehiyon sa gawing timog-kanluran ng Tsina na gaya ng Tibet, lalawigang Guizhou at Yunnan ay naging pokus ng turismo dahil sa kanilang naiibang kaugalian sa lokalidad at magagandang tanawin. Samantala, sa mga rehiyon sa hilaga ng bansa, ang isa ring uri ng paglalakbay ang isinasagawa ng mga manlalakbay-paglalakbay para matutuhan ang kaugalian sa grassland at desert.