• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-06-12 14:34:03    
Hunyo ika-4 hanggang ika-11

CRI

       

Sa ilalim ng magkakasamang pagtataguyod ng Departmento sa Suliraning Panlabas ng Pilipinas, embahada ng Tsina sa Pilipinas at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, idinaos noong Sabado sa Maynila ang bangkete bilang pagdiriwang sa ika-108 Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas at ika-5 Filipino-Chinese Friendship Day. Lumahok dito ang halos 2000 personahe na kinabibilangan nina pangulong Gloria Macapagal Arroyo at kalihim sa suliraning panlabas Alberto Romulo ng Pilipinas at ng mga staff ng embahada ng Tsina sa Pilipinas, mga iba pang opisyal ng pamahalaang Pilipino, mga kinatawan mula sa sirkulong komersyal at industriyal, mga ethnic at overseas Chinese at iba pa. Bumigkas ng mga talumpati sa bangkete sina pangulong Arroyo at charge d'affaires Deng Xijun ng embahada ng Tsina sa Pilipinas.

       

Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing si Pangalawang Pangulong Zeng Qinghong ng Tsina sa kanyang counterpart na si Noli De Castro ng Pilipinas. Ipinahayag nilang umaasang mapapalakas ang pagpapalitang pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas sa iba't ibang larangan para magkasamang mapasulong ang relasyon ng Tsina at ASEAN at ang pagtutulungan ng Silangang Asya. Sinabi ni Zeng na pagkaraang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa at kapansin-pansin ang kanilang pagtutulungan sa mga larangang kinabibilangan ng kabuhayan at kalakalan, edukasyon, kultura at iba pa. Ipinahayag naman ni Castro na patuloy na mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina at nakahanda aniya ang Pilipinas na ibayo pang palakasin ang pagtutulungan nila ng Tsina sa mga larangang kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, mina at iba pa. Nakipagtagpo rin kay De Castro noong Martes si Premyer Wen Jiabao ng Tsina. Si De Castro ay dumating ng Beijing noong araw ng Linggo para pasimulan ang kanyang 6 na araw na opisyal na pagdalaw sa Tsina. Bukod sa Beijing, dadalaw rin siya sa Nanjing at Shanghai.

       

Idinaos noong Lunes sa Maynila ang Porum ng Tsina at Pilipinas hinggil sa Pagtutulungang Pangkabuhayan at Pangkalakalan. Sa seremonya ng pagbubukas, magkasamang lumagda sina Bo Xilai, Ministro ng Komersyo ng Tsina at Peter Favila, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, sa memorandum hinggil sa pagtatatag ng dalawang bansa ng partnership ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan. Sa kanyang talumpati sa porum, tinukoy ni Bo na ang pagtatatag ng naturang partnership ng Tsina at Pilipinas ay naglalayong ibayo pang pasulungin at palalimin ang umiiral na kooperatibong relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ipinahayag din niyang sa loob ng darating na 5 hanggang 10 taon, gagawing mga pangunahing larangan ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga Pamahalaan ng Tsina at Pilipinas ang apat na larangang kinabibilangan ng pangingisda, konstruksyon ng imprastruktura, manufacturing industry at kalakalan ng paninda.

Ang kauna-unahang batch ng relief supplies na ipinagkaloob ng pamahalaan ng Tsina sa nilindol na purok ng Indonesia ay dumating ng paliparan ng Thorea ng Indonesia noong ika-3 ng buwang ito. Ang naturang relief supplies ay kinabibilangan ng gamot, kasangkapang medikal, minitype dynamo, tolda, gumot at iba pa, na 100 toneladang lahat lahat at nagkakahalaga ng 10 milyong RMB. Pagkaraang dumating ang International rescue team ng Tsina sa Bantul ng Indosya na nasalanta ng pinakamalubhang lindol, hanggang noong Sabado, 2031 sugatan at may-sakit ang nagamot nito. Bukod dito, gumawa pa ang International rescue team ng Tsina ng isang masusing ulat hinggil sa lokal na kalagayan ng kalamidad, isusumite ito sa pamahalaang Indones sa malapit na panahon para magharap ng mungkahi sa mga gawain ng rekonstruksyon sa lokalidad.

Binuksan noong Sabado sa Beijing ang isang eksibisyon hinggil sa mga bunga ng China-ASEAN Expo. Sa eksibisyong ito, isinalaysay ang mga isinagawang kooperasyon at natamong bunga ng Tsina, mga bansang ASEAN at mga iba pang bansa ng daigdig sa aspekto ng kalakalan, pamumuhunan, turismo at iba pa sapul nang idaos noong 2004 ang kauna-unahang China-ASEAN Expo sa Nanning ng Tsina. Sa pamamagitan ng dalawang matagumpay na ekspong ito, pinalawak ng mga bansang ASEAN ang pagluluwas ng mga paninda sa Tsina, hinikayat nila ang pamumuhunan at mga maunlad na teknolohiya mula sa Tsina at itinanghal din nila ang kani-kanilang mga tourist attraction sa mga turistang Tsino.