Ang medisinang Tibetano ay isang mahalagang bahagi ng mga tradisyonal na medisina ng Tsina at mayroon itong mahabang kasaysayang mahigit 1300 taon. Ito ay bunga ng karanasan ng mga mamamayang Tibetano ng Tsina sa panggagamot at bukod-tangi ang sistemang teoretikal nito. Noong mga 10 taong nakaraan, isang babae ng Han Nationality na nagngangalang Lei Jufang ang naakit ng mahiwagang medisinang ito at itinatag niya ang isang bahay-kalakal ng medisinang Tibetano.
Ang naturang bahay-kalakal ay tinatawag na Qizheng Tibetan Medicine Group at si Madam Lei ay chairman of the board nito. Sa kasalukuyan, ito ang nagsisilbing pinakamalaking bahay-kalakal ng medisinang Tibetano ng Tsina na may taunang sales volume na lumalampas sa 200 milyong yuan RMB at mayroon itong base ng produksyon ng medisina, sentro ng pananaliksik at punong himpilan ng pagbebenta sa Tibet, Gansu, Beijing at mga iba pang lugar ng bansa.
Ayon kay Madam Lei, noong panahong itatag niya ang bahay-kalakal, hindi pa kilala ng mga mamamayan ang medisinang Tibetano at hindi pa pinahalagahan ng pamahalaan ang industriyang ito. Anya, ang kasaysayan ng pag-unlad ng kanyang bahay-kalakal ay kasaysayang nagiging mas kilala ang medisinang Tibetano at tumatanggap ito ng mas malaking pagkatig ng pamahalaan. Sinabi niya,
"Noong pumunta kami sa Tibet noong 1995, hindi itinuturing ng pamahalaang lokal ang medisinang Tibetano bilang pangunahing industriya na dapat bigyan ng priyoridad. Ngunit noong taong 2000, sa lahat ng mga lugar ng bansa na may naninirahang mga mamamayang Tibetano, pawang maliwanag na itinuring ito ng mga pamahalaang lokal bilang pangunahing industriya."
Pagkaraang tanggapin ng industriya ng medisinang Tibetano ang pagkatig ng pamahalaan, mabilis na umuunlad din ang bahay-kalakal ni Lei. Nitong ilang taong nakalipas, ang sales volumn ng bahay-kalakal ay lumalaki ng mahigit 20% bawat taon at tinatayang sa taong ito, ang kabuuang bilang na ito ay aabot sa 300 milyong yuan RMB.
Habang mabilis na umuunlad ang bahay-kalakal, hindi naman nakakalimutan ni Lei na mayroon siyang dapat tanawing utang na loob sa lipunan. Kaugnay nito, sinabi ni Lei na,
"Bawat taon, naglalaan kami ng isang takdang proporsiyon ng pakinabang ng bahay-kalakal sa mga proyekto ng Tibet sa edukasyon, kultura, pagtulong sa mga mahihirap at iba pa. Nitong mga sampung taong nakalipas, ang kabuuang bilang ng tax revenue namin sa bansa ay lumampas sa 100 milyong yuan RMB at kabuuang halaga ng abuloy sa lipunan ay umabot naman sa mahigit 20 milyon."
Sa Qizheng Group, maraming empleadong mga mamamayang Tibetano. Ang target ng bahay-kalakal na pagpapaunlad sa industriya ng medisinang Tibetano ang nakahikayat sa kanila. Si Suona Yangjin ay isa sa mga empleadong ito. Sinabi niya sa mamamahayag na pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa pamantasan, ang pagtrabaho sa Qizheng Group ay siyang una at tanging pagpili niya. Sinabi niya na,
"Bilang isang mamamayang Tibetano, lubos na ipinagmamalaki ko na aky ay nagtatrabaho sa Qizheng Group. Sa aming bahay-kalakal, nadarama ko hindi lamang ang pagpapahalaga sa medisinang Tibetano, kundi ang mas mahalaga ay ang paggalang sa kulturang Tibetano. May isang komong hangarin kaming lahat dito: paunlarin ang medisinang Tibetano at ihatid ito sa mas maraming mamamayan. Ito rin ang inaasahan ng lahat ng mga mamamayang Tibetano."
Sa kasalukuyan, ang medisinang Tibetano ay umuunlad sa ilalim ng pagsisikap ng mga mamamayang Tsino na nahihilig dito. Sa palagay nila, kung ihahambing sa kasalukuyan, magiging mas maganda ang kinabukasan nito. Sinabi ni Madam Lei na,
"Sa kasalukuyan, ang aming medisinang Tibetano ay ibinebenta sa mahigit 20 bansa ng daigdig na kinabibilangan ng E.U., Kanada, Australya, Mexico, UAE at iba pa. Mayroon kaming isang hangarin na sa hinaharap, ang medisinang Tibetano ng Tsina ay papasok sa bawat bantog na botika ng buong daigdig. Ito ay magsisilbi ring karangalan ng lahat ng mga mamamayang Tsino."
|