Bilang mainit na pagtanggap sa mga bisitang galing sa iba't ibang bansa sa Beijing Olympic Games sa taong 2008, pinasimulan na ngayon ng mga departamentong panturista ng Beijing ang paghahanda para sa Olimpiyadad. Ang nasabing ahensiyang panturista ay isa sa mga ito. Sinabi ng tagapangasiwa nitong si Ginoong Li Bin na,
"Para sa Beijing Olympic, pinapalawak namin ang saklaw ng pagsasa-operasyon upang makatugon sa pangangailangan ng mga turista. Sa kasalukuyan, nakapagkakaloob lang kami ng 200 kama, pero sa 2008 mga 400 hanggang 500. samantala, pinapabuti rin namin ang mga ekuwipment para makapagkaloob ng mas maraming kaginhawahan sa mga turista."
Katulad ng nabanggit na youth travel agency, magkakasunod na pinasimulan ng mga star hotel ang kanilang pagbabago at pagpapabuti ng mga kasangkapan. Dahil ang karamihan sa mga manonood ng Olimpiyada ay individual, maliban sa pagdaragdag ng mga star hotel hanggang sa 800 nang alinsunod sa mga pangakong ginawa ng Bejing sa takbo ng pagbibid sa Olimpiyada, daragdagan din nito ang mga youth travel agency at seasonal hotel na pinatatakbo ng mga pamilya para mapababa ang gastos ng mga manlalakbay.
Kasabay ng pagpapabuti ng kondisyon ng akomodasyon at transportasyon, magkakaloob din ang Beijing ng maraming travel routes para sa mga turista, at bunga nito, maliban sa panonood ng mga paligsahan sa Olimpiyada, matatamasa rin nila ang angking halina ng Tsina, na isang bansang may sinaunang sibilisasyon. Kaugnay nito, inilarawan ni Ginoong Wang Qing, opisyal ng Kawanihan ng Turismo ng Beijing ang mga sumusunod,
"Bukod sa panonood ng seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Olimpiyada at mga palaro, maaaring pumarito ang mga turista sa mga tourist spot ng Beijing na gaya ng Great Wall, Imperial Palace,Temple of Heaven at iba pa. Samantala, para malaman ang tradisyonal na kultura ng Beijing, puwede rin silang bumisita sa mga quadrangle at eskinita, kumain ng mga ulam na may katangiang Beijing at makinig sa Beijing Opera."
Sa paglalakbay sa Tsina, ang language exchange ay posibleng maging pinakamalaking problema na ikinababalisa ng mga turistang dayuhan. Pero, ganap na malulutas ang isyung ito sa taong 2008. Sa kasalukuyan, unti-unti nang binabago ang guiding signs sa Beijing, nararagdagan din ang English signs. Sa panahon ng Olimpiyada, mararagdagan din ang travelling information centres sa Beijing at maitatatag ang electric guiding facilities sa mga lugar na pam-publiko, at sa gayo'y makapagbigay ng travelling information at guiding service sa mga turista.
Sa taong 2006, magkakasunod na matatapos ang mga proyekto ng pagtatatag ng pasilidad para sa Olimpiyada, at sa gayon, maaaring bisitahin ng mga turista ang mga ito. Sa taong 2007, bilang sagisag sa mga gusaling pang-Olimpiyada sa Beijing, tatapusin ang proyekto ng Beijing Olympic Park. Sa panahong iyong, itataguyod sa Beijing ang akiyon ng pagtatanim ng mga puno para sa Olimpiyada, at ang lahat ng mga turista ay makapagtanim sa paligid ng parkeng ito ng mga punong kahoy na may walang katulad na katuturan.
Umaasa kaming magkikita-kita tayong lahat sa Beijing taong 2008. Nananalig kaming sa panahong iyon, ang Beijing ay magiging isang "dagat ng kasiyahan".
|