• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-13 20:09:51    
Mga tradisyonal na kasuotan ng Tsina: Cheongsam at Zhongshan Suit

CRI
Una nauso ang cheongsam sa mga royal family ng Dinastiya ng Qing. Gayuman, pagdating ng 1920s, naging popular ito sa buong Tsina. Bunga ng impluwensiya ng kanluraning istilo ng kasuotan, nakaranas ng pagbabago ang cheongsam. Naging mas makipot ang "cuff" at kadalasan ay manipis. Ang haba nito ay binawasan din. Hinayaan ng bagong adaptation na ito na malantad nang lubos ang kagandahan ng katawan ng babae.

Noong 1930s, patuloy na nauso ang cheongsam sa mga babae sa buong Tsina. maraming isitilo noong panahong iyon. Ang iba ay maigsi, ang iba ay mahaba, na may mataas, mababa o kung minsan walang kakuwelyo-kuwelyo.

Simulan noong 1940s, ang cheongsam ay naging mas masikip at praktikal. Pagdating ng tag-init, nagsusuot ang mga babae ng mga cheongsam na walang manggas. At kung tagsibol o taglagas, ang cheongsam na may makipt na manggas naman. Noong panahong iyon, bihira ang cheongsam na may dekorasyon.

Sa kasalukuyan, sa maraming iba't ibang isitilo, ipinakikita ng cheongsam ang pagiging kaakit-akit nito sa maraming pamilihan. Kinalulugdan ng parami nang paraming babae sa Tsina ang kagandahan nito. Halimbawa, kapag lumalahok ang mga asawa ng mga diplomata ng Tsina sa mahahalagang social gatherings, ang cheongsam ay ang unang pili nilang kasuotan. Sa katotohanan, inimungkahi na rin ng maraming taong maimpluwensiya na gawing pambansang kasuotan ang cheongsam para sa mga babaeng ito, bagay na nagpapakitang ang cheongsam ay nananatili pa ring isang buhay-na-buhay na bahagi ng kulturang Tsino.

Iyan ang hinggil sa kasuotang Tsino para sa mga babae. Ngayon, dadako tayo sa tunic suit, pambansang kasuotan ng mga lalaki.

Maraming taon na nauuso ang tunic suit ng Tsina, at kilala ito sa mga taga-kanluran bilang "Mao tunic" o "Mao suit". Gayunman, hindi tamang iugnay ang kasuotang ito kay Mao Zedong. Tulad ng ipinakita ng tawag dito ng mga Tsino na "Zhongshan Zhuang" o "Zhongshan Suit", ito ay ang isang uri ng unipormeng gusto ni Dr. Sun Zhongshan na kilala sa mga dayuhan bilang Dr. Sun Yat-sen.

Kaugalian noong sinaunang panahon na baguhin ang istilo ng kasuotan ng mga tao kapag humahalili ang isang bagong dinastiya sa luma. Pinabagsak ng 1911 Revolution na pinamunuan ni Dr. Sun Yat-sen ang Qing Dynasty at itinayo ang Republic of China. Inimungkahi ng mga miyembro ng kanyang Nationalist Party na baguhin ang pambansang kasuotan. Sa panahon ng diskusyon, ipinahayag ni Dr. Sun ang kanyang pagkahilig sa kaswal na damit na nauso noon sa Lalawigan ng Guangdong, pero inimungkahi niya ang ilang modipikasyon. Alinsunod sa mga proposal ni Dr. Sun, ginawa ng isang "designer" ang isang tunic na may apat na bulsa at nakababang kuwelyo, at sarado ang harap sa pamamagitan ng limang botones. Mukha itong simple, elegante at nagpapahinahon. Mula noon, si Dr. Sun Yat-sen ang nagsilbing isang magandang modelo sa mga tao sa pamamagitan ng pagsusuot ng tunic suit sa iba't ibang okasyon. Hindi nagtagal, nauso ang istilong ito sa buong Tsina at sinimulan itong tawaging "Zhongshan Suit".