• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-17 19:09:29    
Likas na lupang tinabuan ng Hilagang Silangang Tigre

CRI
Ang tigre ay isa sa mga hayop sa daigdig na nalalagay sa bingit ng pagkaubos. Kung ihahambing sa mga iba pang lahi nito, ang mga tigre ng Hilagang Silangan ng Tsina o tinatawag Dongbeihu sa wikang Tsino, ay binansagang "king of tigers" dahil sa kanilang malaki at malakas na katawan, pagiging mabangis at pinong balahibo. Nagsasadya tayo sa likas na lupang tinabuan ng Dongbeihu sa Lalawigang Heilongjiang ng Tsina, na siyang pinakamalaking base sa daigdig para sa pagpapanatili sa kakayahan ng mga tigre na mamuhay sa likas na kapaligiran.

Ang nasabing tiger zone ay nasa hilaga sa lunsod ng Harbin, kabisera ng lalawigang Heilongjiang, may kabuuang lawak na mga 3 ektarya, ang sona ay naglalaman ng mahigit 400 tigre. Nakita namin ang mga tigre na naglalakad sa kagubatan at sa tabi ng maliit na lawa at iyong iba naman ay nagbibilad sa araw at naghihintay ng pagkain.

Alinsunod sa gulang ng mga tigre, pinaghiwa-hiwalay sila saw along nagsasariling lugar sa loob ng sona ng tigre. Si Ginoong Du Minxian, ang guide namin, ay 10 taon nang nagtatrabahaho dito. Araw-araw, nagmamaneho siya ng kaniyang dyip para magpatrolya sa loob ng parke, pakanin ang mga tigre at alagaan ang mga batang tigre. Kilala niya ang lahat ng mga tigre at alam niya ang kani-kaniyang pangalan. Ikinuwento ni Du sa amin ang kaniyang "sariling tanging karanasan" sa pagbubukod ng mga tigre kung sinu-sino sila.

"Nakikilala ko ang mga tigre sa pamamagitan ng mga palatandaan sa kanilang mga mukha at ekspresyon ng mga ito. Bukod dito magkakaiba din ang galaw ng kanilang katawan pag naglalakad o iyung tinatawag na gait."

Pagpasok na pagpasok namin sa sentro ng parke, 20 tigre agad ang pumaligid sa amin dahil malayo pa ay narinig na nila ang ugong ng dyip. Sinabi ni Ginoong Du na tumutuntong sa ibabaw ng sasakyan ang mga tigre sa paghahanap ng pagkain.

"Tingnan ninyo, narito na sila sa itaas ng dyip at mahirap nang paalisin."

Ang mga manok, kalabaw at kambing na nananatili dito sa base ang nagsisilbing pangunahing pagkain ng mga tigre. Upang mapanatili ang likas na ugali ng mga tigre sa likas na kapaligiran lumikha ang tao ng natural na kapaligiran ng mga mailap na hayop, na walang regular na oras ang pagpapakain, kaya, madalas na napagutom ang mga tigre. Bunga nito, napapanatili ngayon ang tunay na ugali ng mga tigre sa ilang. Sinabi ni Ginoong Du na sa kasalukuyan, ang pagpapakain sa mga tigre ay nasisilbing tampok sa natural reserve zone at maraming manlalakbay ang nagsasadya rito para makita lang ang mga ito. Aniya, matalino ang mga tigre at nararamdaman nila ang damdamin ng tao, pero, kung pagmamalupitan sila ng sinuman lalabas ang kanilang kabangisan.

Sa kasalukuyan, mga sandaang manlalakbay ang nagsasadya rito araw-araw. Si Madam Jiang Shu, isang turista galing sa Beijing, ay pumarito para bisitahin ang mga tigre. Sinabi niyang,

"Ang mga tigre sa hilagang silangan ng Tsina ay isang uri ng hayop na nalalagay sa bingit ng pagkaubos, kaya, dumadalang ito. Malaki ang base ng mga tigre at kawili-wili at natural ang paraan ng pagpapakain sa mga tigre dito, at ito ay hindi lamang makakabuti sa pagpapanatili ng mailap na ugali ng mga tigre, kundi mapalapit ang agwat sa pagitan ng mga turista at hayop."

Ayon sa estadistika, sa kasalukuyan sa buong mundo, mga 500 lamang ang kabuuang bilang ng mga Dongbeihu. Ang layunin ng sona naming ay: una, para makakita sa abot-kamay ang tao ng mga tigre, at isa pang mahalagang tungkulin ay pag-aaralan ang ugali ng mga tigre at palakihin ang kanilang kakayahan para mamuhay sa likas na habitat at nang sa gayon, maibalik sila sa open field sa lalong madaling panahon. Ipinahayag ni Ginoong Wang Ligang, tagapangasiwa ng sonang ito na,

"Ang pagtatatag ng natural reserve zone ng Dongbeihu ay hindi lamang naglalayong pasulungin ang industriya ng paglalakbay, kundi panatilihin ang ugali ng mga tigre sa ilang. Kaya, kung paparito kayo, mamamalas ninyo kung papaanong mamuhay ang mga tigre sa likas na kapaligiran."