• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-17 19:10:02    
Hulyo ika-10 hanggang ika-16

CRI

Sa resepsiyon bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatatag ng tuwangang pandiyalogo ng Tsina at ASEAN na idinaos noong Miyerkules sa Beijng, ipinahayag ni Li Zhaoxing, ministrong panlabas ng Tsina na ang tuwangang estratehiko at pandiyalogo ng Tsina't ASEAN ay naghahatid ng makatotohanan at tunay na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.

Sinabi ni Li na nitong 15 taong nakalipas, nagsagawa ng malalim na pagpapalitan at pagtutulungan ang Tsina at ASEAN sa pulitika, kabuhayan at kalakalan, seguridad, kulturang panlipunan, at iba pang malawak na larangan at gayundin ng pagpapalitan ng mga tauhan at pagpapalitang di-pampamahalaan at naging kapansin-pansin ang bunga nito. Nagbigay din aniya ng malaking ambag ang estratehikong partnership ng China at ASEAN sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng buong Asiya at ng daigdig sa kabuuan.

Dumalo sa resepsiyon ang mahigit 500 panauhin na kinabibilangan ng mga VIP's mula sa 10 bansang ASEAN, mga personahe mula sa iba't ibang saray ng magkabilang panig.

Nakipagtagpo noong Biyernes sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay dumadalaw na pangalawang punong ministro Hor Namhong ng Kambodya. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan. Nang araw ring iyon, nakipagtagpo rin kay Hor si ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Li na nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pagpapalitan nila ng Kambodya sa mataas na antas, at palalimin ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan, at walang humpay na pasulungin ang pag-unlad ng pagtutulungang pangkabigan at may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Sinabi ni Li na sa kasalukuyan, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, walang humpay na lumalawak ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Ipinalalagay niyang ang pagtatatag ng komprehensibong partnership ng dalawang panig ay sumasagisag na pumasok na sa bagong yugto ng pag-unlad ang relasyon ng dalawang bansa. Ipinhayag naman ni Hor Namhong na maganda ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Kambodya, at naghahatid ito ng tunay na benebisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang kaniyang bansa na pasulungin, kasama ng panig Tsino, ang pagtutulungan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan. Inulit din niyang nananangan ang kaniyang bansa sa patakarang isang Tsina.

Ang ika-20 ng buwang ito ay unang anibersaryo ng pagsasagawa ng pagpapababa ng taripa ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA. Ipinahayag noong Biyernes sa Beijing ni tagapagsalita Chong Quan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na mula noong Hulyo ng nagdaang taon hanggang Mayo ng taong ito, umabot sa 130 bilyong Dolyares ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN na lumaki ng halos 22% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ipinahayag niyang ito ay nagpapakitang malaking napasulong na ng pagpapababa ng taripa ang kalakalan ng dalawang panig. Isiniwalat ni Chong na sa kasalukuyan, nagdaraos ng talastasan ang Tsina at ASEAN hinggil sa kasunduan ng kalakalang panserbisyo at ng pamumuhunan. Ayon pa rin kay Chong, sa darating na ilang taon, yugto-yugtong babawasan ng dalawang panig ang taripa sa mahigit 7000 uri ng paninda at unti-unting bubukasan ang larangan ng serbisyo at pamumuhunan. Sa panahong itatatag ang CAFTA sa 2010, babalewalain ng dalawang panig ang taripa sa karamihan sa mga paninda.

Para sa pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina at ASEAN, binuksan noong Miyerkules sa Jakarta ang Chinese Film Week na magkasamang itinaguyod ng embahadang Tsino sa Indoensya, ministring panlabas ng Indonesya at sekretaryat ng ASEAN. Ayon sa salaysay, tatagal nang 5 araw ang aktibidad na ito, at ilalabas bawat gabi ang dalawang pelikula na ipinoprodyus ng Tsina nitong ilang taong nakalipas. Ipinahayag ng panig ng tagapagtaguyod na nananalig na magkakaloob ang aktibidad na ito ng isang pagkakataon sa mga manonood na Indones na malaman ang kasaysayan, kultura at lipunan ng Tsina at mag-enjoy sa modern film art ng Tsina.