• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-21 15:23:14    
Olympics International Forum, nagharap ng mungkahi sa kultura ng Olimpiyada at pag-unlad ng lunsod ng Beijing

CRI
Ang industriya ng malikhaing kultura ay isa sa pinakamaiinit na industriya ngayon sa daigdig, at kung paanong pagsasamahin ang Olimpiyada at industriyang ito ay isang mabigat na paksa. Sa katatapos na "Porum hinggil sa malikhaing kultura ng Olimpiyada at pag-unlad ng lunsod", nagharap ang mga eksperto at iskolar ng kani-kanilang mga mungkahi hinggil sa 2008 Beijing Olympics at pag-unlad ng industriyang pangkultura ng Beijing.

Ang naturang porum ay isang mahalagang nilalaman ng kasalukuyang idinaraos na ika-4 na Kapistahang Pangkultura ng 2008 Beijing Olympics. Kalahok sa porum ang mahigit 10 eksperto at iskolar na galing sa Britanya, Estados Unidos, Kanada, Australia at Tsina, at sa maraming lebel at aspekto, nagharap sila ng mga mungkahi para sa pag-unlad ng industriya ng malikhaing kultura ng Beijing Olympics.

Ipinalalagay ni Ginoong John Howkins, kilalang ekonomistang Britaniko na magkatulad ang sekreto ng tagumpay ng palakasan at sining. Iminungkahi niyang sa okasyon ng pagdaraos ng 2008 Olympics, pagsamahin ng Beijing ang pinakamahuhusay na manlalaro at alagad ng sining sa daigdig. Ipinalalagay niyang ang Olimpiyada ay isang magandang pagkakataon para sa Tsina. Sinabi niya: "Sa palagay ko, ang Olimpiyada ay isang magandang pagkakataon para maituon ang pansin ng daigdig sa Tsina. Sa taong 2008, maraming taong pupunta sa Tsina, kaya para sa Beijing, ito ay isang magandang pagkakataon para maipakita sa daigdig ang pinamakagandang imahe nito."

Sa kasalukuyan, ipinalalagay ng higit na nakararaming media groupsat mga mamamayang Tsino na dapat samantalahin ng Beijing at maging ng buong Tsina ang magandang pagkakataong dulot ng Olimpiyada para mapasulong ang pag-unlad ng kabuhayan at lunsod. Partikular na ng Beijing--host city, dapat lalo pang samantalahin nito ang pagkakataong ito para mapasulong ang pag-unlad ng kakayahan ng lunsod at estruktura ng industriya.

Samantalang pinaguukulan ng pansin ng higit na nakararaming eksperto at iskolar ang pagkakataong dulot ng Olimpiyada, ang pagunlad naman ng lunsod pagkaraan ng Olimpiyada at ang pangmalayuang epekto na dulot ng Olimpiyada sa malikhaing kultura ang pinagtutuunan ng malaking pansin ni Jin Yuanpu, propesor ng Renmin University ng Tsina. Sinabi niya: "Noong una, hindi namin isinasaalang-alang ang relasyon sa pagitan ng Olimpiyada at kabuhayan. Ngayon, ang kabuhayang pangolimpiyada ay isang napakahalagang bahagi ng ideya at kultura ng Olimpiks. Paanong lulutasin ang post-Olympic problem? Ang natuklasang paraan ay ang komprehensibong pagpapaunlad ng industriyang malikhain, at sa pagkakataon ng pagdaraos ng Olimpiyada, pataasin nang lubos ang lebel nito."

Sinabi ng naturang iskolar na ang Beijing ay isang malaking lunsod na may 16 milyong populasyon, at ito ay nasa panahon ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, kaya may magandang prospek ang pagsasama ng Olimpiyada at industriya ng malikhaing kultura.

Bukod dito, ipinalalagay din ni Ginoong Jiang Xiaoyv, Tagapangulong Tagapagpaganap ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympics na ang taunang Kapistahang Pangkultura ng Olimpiyada na pinasimulan noong 2003, ay hindi lamang nakakapagpalaganap sa mga mamamayan ng kaalaman hinggil sa Olympics, kundi pinagti-tipun-tipon din nito ang lakas ng mga eksperto at iskolar, at ito ay nagkakaloob ng malaking pagkatig para sa matagumpay na pagdaraos ng 2008 Beijing Olympics. Sa seremonya ng pagbubukas ng naturang kapistahan, sinabi niya: "Walang humpay na lumalawak ang saklaw ng aktibidad ng kapistahang pangkultura, at walang humpay na dumrami ang porma ng aktibidad. Ang matagumpay na pagdaraos ng iba't ibang aktibidad ng kulturang pangolimpiyada, ay isang mahalagang paraan para makalikha ng magandang atmospera ng Olimpiyada at makatawag ng pansin ng iba't ibang sektor, isa ring mahalagang paraan para maipakita ang sibilisasyon ng nasyong Tsino at maisakatuparan ang makataong Olimpiyada."