• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-24 16:05:37    
Hulyo ika-17 hanggang ika-23

CRI

Ipinahayag noong isang linggo ni Liu Jianchao, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina na bilang isang pinakapangunahing opisiyal na tsanel sa multilateral na diyalogo ng seguridad sa rehiyong Asya-Pasipiko, gumaganap ng positibong papel ang ASEAN Regional Forum (ARF) sa aspekto ng pagpapalalim ng pagtitiwalaan, pagpapahigpit ng komong palagay, pagpapsulong sa diyalogo at pagtutulungan at iba pa. Sinabi ni Liu na mula ika-26 hanggang ika-28 ng buwang ito, pupunta sa Kula Lumpur ng Malaysya si ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina para dumalo sa ika-7 pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at T.Korea, di-opisiyal na pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN at mga diyalogong bansa at ika-13 pulong ng mga ministrong panlabas ng ARF. Sa panahong iyon, katatagpuin ni Li ang mga ministrong panlabas ng ilang bansa. Umaasa ang panig Tsino na makakapalitan ng palagay ang iba't ibang panig hinggil sa mga isyung kapuwa nilang pinahahalagahan, at mapapalakas ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng iba't ibang bansa at mapapasulong ang pagtutulungang panseguridad ng rehiyong ito sa pamamagitan ng diyalogo para magkakasamang mapangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito. Ipinahayag din ni Liu na patuloy na magsisikap ang panig Tsino, kasama ng iba pang bansa, para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng nasabing porum at magkakasamang mapangalagaan ang seguridad ng rehiyong Asya-Pasipiko.

Sinabi noong Huwebes sa Beijing ni Chong Quan, tagapagsalita ng ministri ng komersyo ng Tsina na sapul nang bumaba ang tripa sa pagsasagawa ng kasunduan ng kalakalan ng paninda ng Tsina at ASEAN, lumaki ng 21.6% ang bolyum ng kabuhayan at kalakalan sa pagitan ng Tsina at 10 bansang ASEAN, bagay na ibayo pang pinahigpit ang relasyong bilateral sa kabuhayan at kalakalan. Sinabi ni Chong nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag na ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN ay isang estratehikong kapasiyahan ng mga lider ng Tsina at ASEAN. idinulot nito ang aktuwal na kapakinapangan sa dalawang panig at natupad ang double-win at magkasamang pag-unlad.

Ipinahayag noong Biyernes sa Beijing ni Bo Xilai, ministro ng komersyo ng Tsina na unti-unting pabibilisin ang proseso ng pagpapababa ng taripa sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Sa taong 2010, magpapataw ang Tsian ng serong taripa sa 93% produktong aangkatin mula sa ASEAN. Samantala, magsasagawa ng ganitong arrangement ang mga bansang ASEAN. Sinabi ni Bo na ang dararing na ilang taon ay masusing yugto ng konstruksyon ng nasabing sona. Ayon sa Kasunduan sa Kalakalan ng Paninda na magkakasamang nilagdaan ng mga lider ng Tsina at 10 bansang ASEAN, komprehensibong pinasimulan ng iba't ibang may kinalamang panig ang proseso ng pagpapababa ng taripa noong ika-20 ng Hulyo ng nagdaang taon. Noong isang taon, bumaba sa 8.1% ang karaniwang taripa ng Tsina sa ASEAN mula sa 9.9%. Sa taong 2010, kakanselahin nila ang taripa ng karamihan ng mga produkto ng isa't isa, at itatatag sa kabuuan ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Ayon pa sa estadistika, sapul nang komprehensibong pababain ang taripa noong isang taon, kapuwa lumaki nang mahigit 20% ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina at ASEAN.

Idinaos noong Martes sa National Defense University ng Tsina ang 4-araw na simposyum ng Tsina at ASEAN hinggil sa kalagayang panseguridad ng rehiyong Asya-Pasipiko. Ito ang kauna-unahang talagayan ng Tsina at 10 bansang ASEAN hinggil sa kaligtasang panrehiyon sa pamamagitan ng simposyum. Mahigit 30 mataas na opisyal mula sa ministring pandepensa at tropa ng Tsina at 10 bansang ASEAN ang kalahok sa simposyum na ito. Sinabi ni Jia Xiaoning, pangalawang direktor ng tanggapan ng mga suliraning panlabas ng ministri ng tanggulan ng Tsina na ang nasabing simposyum ay naglalayong palakasin ang pag-uunawaan sa mga estratehiyang pangkaligtasan at patakarang pandepensa ng iba't ibang bansa, pahigpitin ang pagtitiwalaan sa suliraning militar at larangang panseguridad, pag-aralan ang mga pagkakataon at hamon na ikinakaharap ng Tsina at mga bansang ASEAN sa larangang panseguridad ng rehiyong Asya-Pasipiko.