• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-24 16:06:52    
Hubei, lalawigan ng libong lawa

CRI
Ang Lalawigang Hubei na tinatawag na "lalawigan ng libong lawa" ay nasa Gitnang Tsina at kilala sa matagal na nitong kasaysayan at natatanging kultura.

Noong Three Kingdoms Period (220-280), ang Hubei ay kahangga ng lahat ng Tatlong Kaharian, ang Wei, Shu at Wu. Dahil nasa gitnang Tsina, ang Hubei ay naging pangunahing larangan ng digmaan kung saan naglalabanan ang Tatlong Kaharian para sa hegemonya o paghahari sa buong Tsina. Mararanasan pa rin sa kasalukuyan ang kadakilaan ng sinaunang larangan ng digmaan sa pamamagitan ng paggagalugad sa nalalabing artifact na militar at kultural.

Maraming kaakit-akit na tanawin sa Lalawigang Hubei na gaya ng Ancient Longzhong, Wudang Mountain at Shennongjia Mountains.

Nasa lalawigang Hubei rin ang Yangtze River at ang dalawang sa pinakabantog na Three Gorges, ang Xiling at Wu gorges. Ang Yangtze River na may 6,300 kilometrong haba ay siyang pinakamahabang ilog sa Tsina. Sa Hubei, ang pangunahing daanan at mga sanga ng ilog na ito ay may sukat na mahigit 2,600 kilometro ang haba.

Ang blunt-snout bream, isang klase ng isda sa tubig-tabang at ang rice wine ay mga malasang espesyalidad sa lokalidad. Napakasarp din ng sesame candy ng Hubei at magandang pam pasalubong. Ang lacquer ware ng Jingzhou, ang antique replicas ng Hubei, ang bamboo wonen articles ng Xianning at ang brocade ng Tujia ay makapagsisilbing magagandang souvenir.

Ang Wuhan ay may sub-tropical na klima at may apat na di-magkakaparehong panahon. Ang pinakamagandang panahon para maglakbay ay mula Abril hanggang Nobyembre. Kung nagbabalak kayo ng maglakbay sa Wuhan, mas makakabuti kung makakapagdala kayo ng paying.

May 125 star-rated Hotel sa Hubei. Mahigit sa 72 air routes ang tuwirang nakararating sa mga pangunahing lunsod ng buong bansa, HongKong, Macao at Fukoaka ng Hapon. Ang Wuhan at Xiangfan ay dalawang sentro ng transportasyon kung saan makapaglalakbay ang mga tao sa anumang direksiyon.