Palagiang pinahahalagahan ng mga mamamayang Tsino ang relasyon ng magkakapitbahay, at may isang matandang kasabihang mas mabuti pa ang malapit na kapitbahay kaysa sa kamag-anak na malayo. Ngunit, kasabay ng walang humpay na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pagbilis ng ritmo ng pamumuhay sa lunsod, unti-unting nagiging estranhero sa isa't isa ang magkakapitbahay. Noong 7 taong nakaraan, sa isang kapitbahayan ng Tianjian, isang baybayin lunsod sa hilagang Tsina, idinaos sa kauna-unahang pagkakataon ang "Araw ng Magkakapitbahay" na naglalayong pabutihin ang relasyon ng magkakapitbahay, at sa kasalukuyan, popular na popular ang pestibal na ito sa di-kaunting lunsod ng Tsina.
Nitong napakahabang panahong nagdaan, mahirap na mahirap ang kondisyon ng panirahan ng mga residente ng lunsod ng Tsina, maraming residente ang magkakasamang naninirahan sa isang courtyard. Sa panahong iyon, napakalapit ng relasyon ng magkakapitbahay. Ngunit, kasabay ng pagbuti ng kondisyon ng panirahan ng mga residente at pagbilis ng ritmo ng pamumuhay, dumalang ang pagdadalawan ng magkakapitbahay. Ayon sa isang pagsusuri sa Shanghai, 24% pamilya lamang ang madalas na nakikipagbisitahan sa kanilang kapitbahay. Ayon sa ganitong pagsusuri sa Shen Zhen, isang lunsod sa timog Tsina, ipinahayag ng mahigit 90% ng mga residente na nakahanda silang makipagmabutihan sa kanilang kapitbahay, at magkaroon ng mainam na relasyon ng pagtutulungan sa mga ito. Ipinalalagay ng dalubhasa na may mahalagang katuturan ang pagkakaroon ng isang magiliw na relasyon sa pagitan ng magkakapitbahay para sa kalusugan ng mga miyembro ng iba't ibang pamilya at katatagan ng lipunan. Sinabi ni Hao Maishou, propesor ng Tianjin Academy of Social Sciences na:
"Ang malamig na relasyon ng magkakapitbahay ay humahadlang sa pagpapahayag ng saloobin ng isa't isa, at dahil nga sa kawalan ng ganitong pagpapalitan, alaging lumilitaw ang mga di-karapat-dapat na alitan sa pagitan ng magkakapitbahay."
Noong taong 1999, sa isang kapitbahayan sa Hexi District ng Tianjian, para mapanumbalik ang tradisyonal at magiliw na relasyon ng magkakapitbahay, idinaos sa kauna-unahang pagkakataon ng ilang mamamayang mapagpahalga sa kagalingang pampubliko ang Araw ng Magkakapitbahay. Sinabi ni ginang JiaoYang, pangalawang direktor ng tanggapan ng nasabing kapitbahayan na:
"Ipinalalagay naming direktang nakakaapekto sa kalidad ng mga residente at pagpapataas ng moralidad ng buong kapitbahayan ang isyu ng pagkakasundo o hindi ang relasyon ng mga kapitbahay. Dahil dito, noong 1999, idinaos namin ang Araw ng Magkakapitbahay na ang tema ay pagkakaisa't pagtutulungan at magkakasamang paglikha ng sibilisasyon."
Ang aktibidad na ito ay tatagal nang isang linggo tuwing taglagas. Sa panahon ng espesiyal na araw na ito, idinaraos namin ang iba't ibang uri ng makukulay na aktibidad na gaya ng paligsahan sa chinese chess, sayaw, pagbibigay-tulong sa mga mahihirap at iba pa para mahubog ang mapagkaibigang damdamin sa hanay ng magkakapitbahay.
Bilang pestibal na pangkapitbahayan, pinaglalapit nito ang agwat ng magkakapitbahay, at nagiging mas malapit at matulungan sa isa't isa. Halimabawa, noong 2004, biglang dinapuan ng kung anong karamdamin ang mahigit 80 taong gulang na si lolong Ma, salamat sa mga kapitbahay, nailigtas siya sa kapahawakan. Sinabi ng kaniyang asawa na:
"Lahat ng anak namin noon ay malayo sa amin, wala akong magawa dahil ako'y nag-iisa. Nang malaman ng mga kapitbahay ang kaniyang kalagayan, agad akong tinulungan. Dali-daling isinugod siya sa ospital. Salamat sa maagap na paghahatid sa ospital, nailigtas ang buhay ng asawa ko! Tuwing naaalala ko ang tagpong iyon, naaantig ako nang labis!"
Sa kasalukuyan, bukod sa Tianjian, napalaganap na rin ang pestibal na ito sa mraming iba pang lunsod ng Tsina. Sa Han Zhou, isang kilalang lunsod sa silangang Tsina, idinaraos din ang Araw ng Magkakapitbahay taun-taon tuwing huling dako ng Oktubre.
Datapuwa't ilang araw lamang ang pestibal na ito, nagagawa nitong gisingin ang mapagkaibigang damdamin ng bawat residente at paglapitin ang magkakapitbahay.
|