|
Sapul nang pumasok ang taong ito, dumalas ang pagtatanghal ng iba't ibang uri ng drama na galing sa iba't ibang bansa sa mga maliit na dulaan ng mga malaking lunsod ng Tsina, kaya nakakapanood ang drama fans ng Tsina ng iba't ibang drama genre.
Noong Nobyembre ng 1982, ginanap sa Beijing Prople's Art Theatre ang dramang "Absolute signal" na ipinalalagay na kauna-unahang dramang Tsino na itinanghal sa maliit na teatro. Matagumpay ang dramang ito, at sa loob ng kalahating taon, mahigit isang daang ulit itong ipinalabas. Pagkatapos nito, unti-unti nang lumaganap sa buong bansa ang maliliit na teatro mula sa malalaking lunsod, at unti-unting dumami ang mga palabas.
Ang "disposition of men and women" ay isang drama na itinanghal kamakailan sa maliit na teatrong Beijing People's Art Theatre. Isinalaysay sa dramang ito ang isang kuwento hinggil sa dyspunctional family na naganap sa lunsod. Naging matagumpay ang male dramatis personae sa kaniyang intensiyon, at diniborsiyo niya ang kaniyang maybahay, at pinakasalan ang isang bata at magandang babae, ngunit magkakasunod na lumitaw ang mga bagong kontradiksiyon: sobra ang pagkaselosa ng kasalukuyang maybahay at nagdududa na ang kaniyang asawa ay may extra-marital affair at binigyan ng malaking sama ng loob ang asawa. Dahil sa hirap ng loob, bumalik ang male dramatis personae sa dating pamilya, at sa harap ng dating maybahay at anak na babae at kasalukuyang maybahay, nasadlak ang male dramatis personae sa mahirap na kalagayan kung saan hindi niya alam kung paanong ililigtas ang sarili. Sa ilalim ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, dumarami nang dumarami sa mga lunsod ng Tsina ang katulad na problema ng pamilya na inilarawan sa naturang drama.
Ang pagbibigay-pansin sa resliatikong buhay na panlipunan ay nananatiling isa sa mga katangiang pansining ng drama tradition ng Tsina. Ito'y ipinakikita sa mga pagtatanghal sa maliliit na teatro nitong ilang taong nakalipas. Ang dramang "staying lady" at "Atlantic telephone" ay kapwa naglalarawan ng problema ng "tide of going abroad" na lumitaw noong ika-9 dekada ng nagdaang siglo. Ang "Green Balcony" ng Guangdong theatre, "Spring, Summer, Autumn and Winter" ng Wuhan theatre, "Memory in Summer" ng Tianjin People's Art Theatre at iba pang dula ay nagustuhan ng mga manonood dahil sa pagpapakita ng realistikong pamumuhay.
Nang mabanggit ang hinggil sa pagpapakita ng mga pagtatanghal sa maliliit na teatro ng realistikong pamumuhay, sinabi ni Ginoong Gao Yi, propesor ng National Academy of Chinese Threatre Arts na: "Tinatalakay ng kasalukuyang pagtatanghal sa maliliit na teatrong Tsino ang mga umiiral na kamalayan ng mga tao sa nakatakdang panahon sa kasaysayan sa halip ng pagpapakita ng mga karaniwang maiinit na problemang panlipunan noong unang dako ng ika-9 dekada ng nagdaang siglo. Halimbawa, ang mga problemang kinabibilangan ng problema ng kawalang-trabaho, problemang emosyonal, problema ng agwat ng mahirap at mayaman at iba pa, ay pawang ipinakikita sa mga pagtatanghal sa maliliit na teatro."
Bukod sa mga kilalang dramang Tsino na gaya ng "Lightning Storm" ang Field", naipalabas din ang isang serye ng dramang dayuhan sa maliliit na teatrong Tsino sa buong bansa na kinabibilangan ng "The Three-Penny Opera" ni Bertolt Brecht, "The Inspector General" ni Nikolai Vasilievich Gogol, "A Doll's House" ni Henrik Ibsen at iba pa. Noong taong 2005, itinayo ng National Threatre Company of China ang isang maliit na teatro na tinawag na "Oriental Pioneer" na nakapagpasulong nang sukdulan sa mga pagtatanghal sa maliliit na teatro. Sinabi ni Fu Weibo, tagapangasiwa ng teatrong ito na nagsisikap sila ng mga kasamahan niya para maging plataporma ng pagpapalitan ng dramang Tsino at dayuhan ang maliit na teatrong "Oriental Pioneer".
Sa kaslaukuyan, may narating nang kasunduan ang nasabing maliit na teatro at ang may kinalamang panig ng Estados Unidos, at sa darating na taon, ipapalabas dito ang American dramang "I Have A Dream", paglalarawan ng buhay ni Martin Luther King. Sinabi sa mamamahayag ni Caitrin Mckiernan, producer ng proyektong ito na: "Sa darating na taon, ipapalabas namin sa entablado ang buhay ni Martin Luther King, at isang aktor na Tsino ang gaganap na Martin Luther King, isang aktor na Amerikano naman ang kakanta ng awit ng drama, at ito ay isang proyekto ng pagtutulungang pandaigdig."
Sinabi rin niyang bilang isang porma ng sining na may malakas na inobasyon, nagpapatingkad ang mga pagtatanghal sa maliliit na dulaan ng mas malaking papel sa pamilihang pangkultura ng Tsina.
|