• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-01 21:03:58    
Stir-fried onions with meat

CRI

Mga sangkap

300 gramo ng sibuyas
50 gramo ng lean meat
2 gramo ng asin
1 gramo ng vetsin
8 gramo ng toyo
10 gramo ng asukal
30 gramo ng tubig
100 gramo ng mantika
20 gramo ng mixture of cornstarch and water
3 gramo ng shaoxing wine

Paraan ng pagluluto

Alisan ng balat ang sibuyas at hiwa-hiwain. Hiwa-hiwain din ang karne tapos lagyan ng asin at buhusan ng shaoxing wine at mixture of cornstarch and water, tapos haluing mabuti.

Mag-init ng mantika sa temperaturang 180 hanggang 200 degree centigrade. Igisa ang karne sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Alisin at patuluin.

Mag-iwan ng 50 gramo ng mantika sa kawali. Ilagay ang hiniwa-hiwang sibuyas at igisa. Buhusan ng tubig at toyo at lagyan ang asin, vetsin at asukal, tapos pakuluin. Buhusan ng mixture of cornstarch and water para lumapot. Ilagay ang mga piraso ng karne at haluin. Isalin sa plato at isilbi.

Katangian: lutang na lutang ang bango ng sibuyas.

Lasa: nagtatalo ang alat at tamis.