• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-07 10:40:36    
Impresyon sa Xi'an

CRI
Kapag nababanggit ang matandang lunsod sa Tsina, ang unang pumapasok sa isip ng sinuman ay ang Xi'an sa dakong kanluran ng Tsina at hindi Beijing, dahil mas matagal ang kasaysayan ng Xi'an kumpara sa Beijing.

Ang Xi'an ay tinatawag na Chang'an noong sinaunang panahon, at ito ay isa sa 4 na pinakamatandang punong lunsod sa diagdig, kasama ng Athens, Rome at Cairo. Sa kasaysayan, pinakamaaga itong naging punong lunsod at pinakamahaba ang kasaysayan nito bilang isang lunsod. Ang Xi'an ay hindi lamang starting point ng ancient Silk Road, kundi kabisera rin ng 12 dinastiya sa kasaysayan na tulad ng Dinastiyang Zhou, Qin, Han at Tang.

Ayon sa pananalita ng isang kilalang pilosopong Romano, ang kasaysayan ng isang lunsod ay kasaysayan rin ng isang nasyonalidad. Naranasan ng Xi'an ang naganap na napakalaking pagbabago sa Nasyong Tsino nitong nakalipas na libu-libong taon.

Ganito ang obserbasyon ni Berri, isang turista mula sa Pransya, sa matandang lunsod na ito. Sinabi pa niya na:

"Matagal ang sibilisasyon ng Xi'an. Nararamdaman ninyo ang katandaang ito mula sa mga arkitektura, bahay at iba pa, at talagang maganda ang lunsod na ito."

Ayon sa estadistika, sa loob ng Xi'an, 314 na lugar ang sumasailalim sa proteksyon ng estado bilang cultural relics na pawang nagsisilbing patunay na ang Xi'an ay isa sa mga pinagmulan ng kabihasnan ng Nasyong Tsino.

Kung kayo ay nasa Xi'an, malalaman ninyo mismo ang angking katalinuhan at katapangan ng Nasyong Tsino mula sa tinatawag na 8th wonder of the world--ang Emperor Qinshihuang's Terra-cotta Warriors and Horses. At mararamdaman ninyo ang kadakilaan at kahusayan ng kabihasnan ng Nasyong Tsino kung bibisitahin ninyo ang Museo ng Lapida o Museum of Stone Tablets na kilala sa apat na sulok ng daigdig sa tawag na Aklatang Pangkasaysayang Bato o historical library of stone tablets, at ang Museo ng Kasaysayan ng Shaanxi o Shaanxi History Museum, at mararamdaman ang mahusay na pagsasanib ng klasikal at modernong siyensiya't teknolohiya na Plasa ng Fountain ng Mailap na Gansa o Fountain of Wild Goose Plaza at bagong tayong Da Tang Lotus Garden.

Si Erik ay galing sa Britanya. Mahigit isang taon na siyang nag-aaral sa Xi'an. Hinggil sa impresyon niya sa lunsod, sinabi niya na:

"Malaki ang Xi'an, at may polusyon din dito. Marami kayong dapat gawin dito at marami ring karanasan ang karapat-dapat na banggitin. Mapagkaibigan ang mga taga-Xi'an at kaiga-igaya ang pakiramdam ko sa paligid."

Ang Xi'an ay punong lunsod ng Lalawigang Shaanxi. Dahil sa epekto ng klima, katangiang heograpikal, kabuhayan, kultura at iba pang elemento, nag-adopt ang mga mamamayan ng Lalawigang Shaanxi ng espesyal na kaugalian sa aspekto ng pananamit, pagkain, pamumuhay at iba pa. Ang matatandang kaugaliang ito ay nakakatawag ng napakalaking pansin ng mga turista. Sa mga lunsod na tulad ng Xi'an sa partikular, matatagpuan ninyo ang napakaraming makukulay at kawili-wiling kagawian at kagigiliwan ang masasarap at espesyal na meryenda.

Kapag nababanggit naman ang meryenda, ang meryenda ng Xi'an ay bukod-tangi sa buong bansa. Maraming klase ang meryenda dito. Mahirap pumili. Gayon na lamang ang atraksyon ng di-mabibilang na snacks kaya't natural lamang at hindi kataka-taka kung bakit ang mga turista sa loob at labas ng bansa ay nagrereklamo "maganang-magana, pero maliit ang sikmura". Hinggil sa meryenda ng Xi'an, sinabi ni Eric na:

"Maraming meryenda ang Xi'an ang nagugustuhan ko, gaya halimbawa ng Baozi, Yang rou pao mo, pero ang Caijiamo ang pinakagusto ko."

Nakabista na si Berri sa maraming lunsod sa Tsina, pero Xi'an at Beijing ay nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa kanya. Sinabi niya na:

"Mabilis ang ritmo ng pamumuhay ng mga taga-Beijing. Pero sa Xi'an, mas mahinahon ang pamumuhay doon."

Taglay ng isinilang kahinahunan at heroic spirit, matapat at masigla ang pagtrato ng mga taga-Xi'an sa kanilang mga kaibigan, maging sa mga taong di-kilala. Mararamdaman ng bawat turista sa Xi'an ang kasiglahan at pagiging mapagkaibigan ng mga taga-Xi'an.

Ang estratehiya ng paggagalugad sa gawing kanluran ng bansa na pinasimulan ng pamahalaang Tsino ay nagbibigay ng walang-katulad na pagkakataon at hamon sa rehiyong hilagang kanluran ng Tsina. Bilang pinakamalaking lunsod sa rehiyong ito, lumilikha ang Xi'an na lipos ng kasiglahan ng bagong kasaysayan sa matandang lupang ito batay sa bagong pakikitungo.

Sa kasalukuyan, naitatag na ng lunsod na ito ang sister-city relations sa 15 lunsod sa 13 bansa ng daigdig, at magkakasunod na bumisita sa lunsod ang mahigit 100 lider at mataas na opisyal mula sa iba't ibang bansa, at nakatanggap ito ng mahigit 6 na milyong person-time na turistang dayuhan nitong ilang taong nakalipas.

Ipinauuna na ng Pamahalaan ng Xi'an ang pagpapaunlad ng industrya ng turismo sa gawain ng pagpapaunlad ng lunsod. Nananalig kaming mag-iiwan ang matandang lunsod na ito ng malalim at mainam na impresyon sa bawat turista na magtutungo rito.