• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-08 10:09:23    
Fragrant jelly mutton

CRI

Mga sangkap

1000 gramo ng karne ng tupa na walang buto
200 gramo ng puting labanos
20 gramo ng toyo
8 gramo ng asin
10 gramo ng asukal
20 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa
5 gramo ng luya, hiniwa-hiwa
50 gramo ng shaoxing wine
10 gramo ng bawang
10 gramo ng sweet bean paste

Paraan ng pagluluto

Hiwa-hiwain nang pakuwadrado ang karne ng tupa sa sukat na 2 sentimetro ang haba, lapad at kapal. Hiwa-hiwain ang labanos at dikdikin. Ilagay ang mga piraso ng hiniwang karne sa kaserola at buhusan ng tubig hanggang sa tuluyang lumubog ang mga ito. Pakuluin, tapos alisin ang karne at hugasan. Alisan ng bula ang likido sa kaserola. Lagyan ng asin at asukal, isunod ang toyo at shaoxing wine at pakuluin. Tapos, ihulog ang karne ng tupa, labanos, scallion at luya at takpan ang kaserola. Pagkaraang kumulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 3 oras.

Alisin ang labanos, scallion at luya pati na ang sebo sa ibabaw ng likido. Dagdagan ang apoy para sumingaw ang ibang tubig. Ilagay ang karne sa isang kaserola na lapad ang ilalim at 3.5 sentimetro ang lalim. Buhusan ng likido. Pagkaraang lumamig ang likido at maging ang jelly, hiwa-hiwain ang karne at jelly sa mga pirasong 8 sentimetro ang haba, 2 sentimetro ang lapad at 0.7 sentimetro ang kapal. Isalin sa plato.

Ilagay sa isang maliit na plato ang bawang na tinadtad at ilagay sa isa pa ang sweet bean paste. Isilbi ang mga ito kasama ng jelly mutton para mapagyaman ang lasa.

Katangian: makintab at maganda ang pagkakapula.

Lasa: maalat-alat at masarap.