• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-14 17:52:26    
Agosto ika-7 hanggang ika-13

CRI

       

Sa Yuxi, isang lunsod sa Lalawigang Yunnan ng Tsina. Binuksan dito noong Martes ang porum ng mga kabataan ng Tsina at Asean, tinalakay ng mga 44 na kalahok na kabataang kinatawan mula sa Tsina at 10 bansang Asean ang tema hinggil sa kabataan, turismo at kultura. Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni He Junke, kalihim ng Central Committee of the Communist Youth League ng Tsina, na napakahalaga ng katuturan ng pagpapalitan at pagtutulungan ng mga kabataan sa pagpapalalim ng pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at Asean at pagsasakatuparan ng kapayapaan at kasaganaan sa rehiyong ito. Ipinahayag din niyang nitong nakalipas na mahabang panahon, nananatiling mainam ang ugnayan sa pagitan ng organisasyon ng kabataan ng Tsina at mga organo at organisasyon ng kabataan ng mga pamahalaan ng iba't ibang bansang Asean, nagsagawa sila ng mabungang kooperasyon sa iba't ibang larangan at gumawa ng ambag para sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkaibigan ng mga bansa.

       

Sa naturan ding porum, isiniwalat ni Guo Yan, opisyal ng ministring panlabas ng Tsina, na hanggang noong Marso ng taong ito, namuhunan ang Asean sa Tsina ng halos 40 bilyong dolyares at ang pamumuhunan ng Tsina sa Asean ay may tunguhin ng mabilis na paglaki. Isinalaysay din nilang noong unang hati ng taong ito, ang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Asean ay umabot sa 72.7 bilyong dolyares na lumaki ng mahigit 20% kumpara sa gayong din panahon ng tinalikdang taon.

Napag-alaman noong Miyerkules ng mamamahayag mula sa Entry-Exit Inspection and Quarantine Bureau ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi na para sa ika-3 China-ASEAN Expo, pasisimplehin ng kawanihang ito ang proseso ng inspeksyon at kuwarentenas sa mga eksibit mula sa mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng mga hayop at halaman at mga produkto ng mga ito at ang dating itinakdang 45 working days na panahon ng pag-aaproba ay babawasan sa 7 working days.

Nitong ilang taong nakalipas, mahigit 30% ang naging paglaki bawat taon ng halaga ng kalakalan sa pagitan ng Shenzhen at Asean. Ayon sa estadistika ng may kinalamang departemento, noong isang taon, ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng port sa Shenzhen at 10 bansa ng Asean ay umabot sa 20 bilyong dolyares. Ang Asean ay naging ikalawang pinakamalaking pinanggagalingan ng pag-aangkat ng Shenzhen.

Para mapalakas ang pag-aaral sa isyu ng taripa sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at maitatag ang plataporma ng pagpapalitan at tsanel ng komunikasyon ng impormasyon hinggil sa buwis, idaraos sa Nanning ng Tsina sa darating na Nobyembre ng taong ito ang Pandaigdig na Porum ng Taripa ng Tsina at ASEAN.

Nang katagpuin niya noong Miyerkules sa Hanoi, punong lunsod ng Biyetnam si Zhang Shaokui, bagong military attaché ng Tsina sa Biyetnam, ipinahayag ni Phung Quang Thanh, ministro ng tanggulang bansa ng Biyetnam na umaasa siyang palalawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa industriyang pandepensa para magbigay-ambag sa kani-kanilang konstruksyong pandepensa. Ipinahayag din ni Phung Quang Thanh na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na pinalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang panig, at natamo ang substansyal na progreso ng tropa ng dalawang bansa, lalaong lalo na ang matagumpay na pagdalaw ni Cao Gangchuan, pangalawang tagapangulo ng sentral na komiteng militar ng Tsina ay , malakas na nagpasulong ng walang humpay na pag-unlad ng pangkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.

Natapos na noong Lunes sa Shijiazhuang, isang lunsod sa dakong hilaga ng Tsina, ang pagsasanay sa lindol sa rehiyong Asya-Pasipiko sa taong 2006. Sa naturang 3 araw na pagsasanay, sa ilalim ng koordinasyon ng mga opisyal ng UN, nagsanay ang mga international rescue team mula sa 17 bansang gaya ng Tsina, Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, Australya, Timog Korea at India sa pagbibigay-saklolo sa mga rehiyon sa kondisyong may naganap na malubhang lindol. Ipinahayag ni Zhao Heping, pangalawang puno ng kawanihan ng lindol ng Tsina na pinasulong ng pagsasanay na ito ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga rescue team sa loob at labas ng bansa. Ipinahayag pa niyang aktibong makikisanggot, tulad ng dati, ang Tsina sa mga aksyong pandaigdig ng pagbibigay-saklolo.