![]( /mmsource/images/2006/09/12/spicycabbage1.jpg)
Mga sangkap
500 gramo ng talulot ng sariwang Chinese cabbage o repolyong Tsino 2 tuyong siling labuyo 10 gramo ng luya, hiniwa-hiwa 10 gramo ng asin 60 gramo ng asukal 25 gramo ng suka 20 gramo ng mantika 1000 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Hugasan ang mga talulot ng repolyong Tsino at hiwa-hiwain nang paayon sa pirasong 5 sentimetro ang haba at 0.5 sentimetro ang lapad. Ilagay sa palangganita. Lagyan ng 10 gramo ng asin at takpan ang palangganita para imarinate sa loob ng apat na oras. Alisin ang repolyo sa palangganita at iuho ang lahat ng likido, tapos isauli ang repolyo. Hiwa-hiwain nang maliliit ang mga tuyong siling labuyo.
Initin ang mantika sa temperaturang 180 hanggang 220 degrees centigrade at igisa ang tuyong siling labuyo. Lagyan ng asukal, tapos ihulog ang piraso ng luya at buhusan ng tubig. Haluing mabuti at kapag nagsimula nang kumulo, buhusan ng suka at patayin ang apoy. Ibuhos ang sarsang ito sa palangganita na may repolyo. Takpan at imarinate pa sa loob ng apat na oras bago isilbi.
Katangian: maliwanag ang kulay, malutong at kaiga-igaya.
Lasa: matamis, maasim at maanghang.
|