• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-11 17:55:41    
Setyembre ika-4 hanggang ika-10

CRI
Kinatagpo noong Lunes sa Maynila si Liu Yunshan, dumalaw na puno ng publicity department ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ng mga lider ng Pilipinas na kinabibilangan nina pangulong Gloria Macapagal Arroyo, pangulong Manuel Villar ng mataas na kapulungan at ispiker Jose de Venecia ng mababang kapulungan. Sa mga pagtatagpo, Sinabi ni Liu na nitong nakaraang 31 taon supal nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, walang tigil na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, mabunga ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at nagkakaroon ng mabuting koordinasyon at kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig. Anya, itinatag na ng dalawang bansa ang relasyon ng estratehikong kooperasyon para sa kapayapaan at pag-unlad at pumasok na sa pinakamagandang panahon ang relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag din niyang mataas na hinahangaan ng Tsina ang pamahalaang Pilipino sa pagigiit ng patakarang isang Tsina sa mahabang panahon, nananalig siyang patuloy na uunawain at kakatigan ng Pilipinas ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Taiwan. Nakahanda anya ang Tsina na palakasin ang pagpapalitan ng mga naghaharing partido at ibayo pang palalimin ang kanilang kooperasyon at pagpapalitan.

Ipinahayag ni Arroyo na mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Pilipinas at Tsina, walang tigil na lumalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pulitika, kabuhayan, seguridad at iba pang larangan, lalo na, natamo nila ang mahalagang progreso nila sa kooperasyon sa South China Sea. Pinasalamatan niya ang mahalagang pagkatig at pagtulong na binigyan ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Pilipinas at ipinahayag din niyang nananangan, tulad ng dati, ang kanyang pamahalaan sa patakarang isang Tsina.

Sinabi ni Villar na nananatiling nainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Pilipinas at Tsina, at higit sa lahat, mabilis ang pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng 2 bansa. Umaasa ang kaniyang panig na ibayo pang mapapalawak ang kanilang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at iba pa.

Umaasa naman si Venecia na patuloy na mapapalalim ang pagpapalitan ng Lakas-CMD at Partido Komunista ng Tsina para nakapagbigay ng ambag sa lalo pang pagpapalakas ng kooperasyon sa pulitika, kabuhayan, seguridad at iba pang larangan.

       

Sa isang news briefing na idinaos dito sa Beijing noong Miyerkules, isiniwalat ni pangalawang ministro Gao Hucheng ng komersyo ng Tsina na sapul nang magpataw ang kasunduan ng kalakalan ng paninda ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Asean, CAFTA ng mababang taripa noong Hulyo ng nakaraang taon, lumampas na sa 140 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Asean na lumaki nang 22% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Sinabi naman sa news briefing na ito ni Chen Wu, pangalawang tagapangulo ng Rehiyong Autonomo ng Guangxi ng Tsina, na maalwan ang proseso ng paghahanda para sa ika-3 China-Asean Expo. Isinalaysay ni Chen na ipapauna ng expo ang kani-kaniyang bentahe ng Tsina at Asean at ipapakita ang pagkokompliment ng dalawang panig sa kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Napag-alaman pa rin sa naturang news briefing, idaraos sa Oktubre ng taong ito sa Nanning, punong lunsod ng Guangxi ang summit bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Dadalo ng pulong na ito si premiyer Wen Jiabao ng Tsina at mga lider ng bansang ASEAN. Lalagumin ng dalawang panig ang proseso ng pag-unlad at matagumpay na karanasan ng relasyong pangkaibigang Sino-ASEAN, at itatakda ang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Lalagdaan din sa pulong na ito ang komong pahayag, at ito ang magiging bagong milestone ng bilateral na relasyon ng Tsina at ASEAN.

Bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, idinaos noong Biyernes sa Maynila ang Chinese Film Festival sa ilalim ng magkasanib na pagtataguyod ng embahada ng Tsina sa Pilipinas, National Commission for Culture and Arts ng Pilipinas at the State Administration of Radio, Film and Television ng Tsina.

Ipininid noong Lunes sa Ho Chi Minh city ang 11 araw na ika-17 round na pulong ng magkasanib na lupong hinggil sa demarkasyon ng hanggahang panlupa ng Tsina at Biyetnam at natamo nito ang inaasahang bunga. Napag-alamang sa naturang pulong, lubos na pinahalagahan ng dalawang panig ang bunga ng mga gawain na may kinalaman sa demarkasyon sa taong ito, hiniling sa iba't ibang may kinalamang departemento na mahigpit na isakatuparan ang kasunduan na narating ng dalawang panig para maigarantiya ang pagsasakatuparan ng tungkulin ng demarkasyon sa taong ito at ilatag ang matatag na pundasyon para sa komprehensibog pagsasakatuparan ng gawain ng demarkasyon sa taong 2008 na iniharap ng mga lider ng dalawang bansa. Napagkasunduan din ng dalawang panig na idaos ang ika-18 round na pulong ng lupong ito sa katapusan ng Oktubre ng taong ito sa Tsina.