• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-11 17:58:53    
Mga restawran ng lutuing Ruso sa Harbin

CRI
Mahigit 100 taon na ang nakararaan, dahil sa kalagayang panloob at panlabas sa Rusiya, humigit-kumulang sampung libong mamamayang Ruso ang nagtungo at nanirahan sa Harbin, isang lunsod sa hilaga ng Tsina sa baybayin ng Ilog Songhuajiang, mula sa mga purok na malapit sa Volga River ng Rusiya. Sa Harbin ngayon, makakaranas kayo ng walang katulad na karanasan hindi lamang sa mga gusaling may katangiang Ruso, kundi sa maraming restawran ng lutuing Ruso. Ngayon, ipapakilala namin sa inyo ang 2 restawrang may katangiang Ruso sa lunsod ng Harbin ng Tsina.

Ang nasabing 2 restawran ay nasa "Zhongyang Street", isang daan na nasa sentro ng lunsod ng Harbin. Ang nabanggit na daan ay nagsisilbing pangunahing downtown ng Harbin na itinatag ng mga Ruso noong ika-2 dekada ng ika-20 siglo. Kung gusto ninyong matikman ang mga lutong Ruso sa kalyeng ito, ang "Hua Mei" Western Food Restaurant na itinayo noong 1925 ang inirerekomenda ng 90% ng mga mamamayang lokal na pasukin ninyo. Ito ay hindi lamang nagsisilbing isang restawran ng mga lutong Ruso, kundi ikinararangal din ito ng mga restawrang Ruso sa Harbin, dahil, halos lahat ng mga taga-Harbin ay kumain minsan dito.

Pagpasok sa restawrang ito, sasalubungin kayo ng mga weyter at weytres na pinamumunuan ng isang matandang lalaki na medyo maputi na ang buhok at nakasuot ng matingkad na kurbata. Ang pangalan ng mamang ito ay Wang wenli, 75 taong gulang at mahigit 40 taon nang nagtatrabaho dito. Siya ang tinatawag na "lolo" ng mga kabataan. Ang isang bagay na kawili-wili sa restawran ay ikinukuwento ni lolo sa mga kostumer ang pangyayaring dinanas ng restawran noong araw. Sinabi niyang,

"Noong 1925, itinayo ang Huamei Western Food Restaurant, kung saan ang kauna-unahang luto ay pagkaing Ruso. Noong panahong iyon, ang may-ari ng restawran ay isang Hudyo".

Sinabi niya na noong mga sumunod na panahon, nagpapalit-palit ng boss ang restawran, merong Russian, Aleman, Polish, Chinese at iba pa. Bilang isang tradisyonal na restawran ng pagkaing Ruso, pinananatili ng Huamei ang mga tradisyong Ruso. Halimbawa, nakatayo ang isang matandang tagapagsilbi sa harap ng pinto ng restawran bilang magiliw na pagsalubong sa mga kostumer. Sinabi ni Ginoong Wang Wenli,

"Sa harap ng pinto ng malalaking shopping mall at hotel sa Rusiya, lagging may matandang matandang namamahala sa resepsyon. Ipinalalagay ng mga kostumer na ang gayon ay nagbibigay sa kanila ng damdaming sila ay nasa ligtas na lugar at sila ay parang nasa sarili nilang bahay."

Tulad ng maraming iba pang restawran na nagsisilbi ng pagkaing Ruso, sa Huamei, ang mga kostumer ay nakadarama ng damdaming maharlika, kahit wala na ang mga dating maharlika sa lunsod. Maaring ilarawan ninyo sa isip ang mga mesang natatakpan ng putting mantal, mga kostumer na kumakain ng masasarap na pagkain at nagkukuwentuhan, at sa labas ng bintana ng restawran, marahang pumapatak sa lupa ang niyebe. Ang mga ito ay bumubuo ng isang oil painting.

Kung lalabas kayo ng Huamei Restaurant at magtutungo sa hilaga sa kahabaan ng "Zhongyang Street", makakakita kayo ng isang maliit na gusali, 2 palapag at kulay dilaw. Hindi na ito makikilala ngayon ng mga tao, kahit ito minsan ay naging kilalang shopping centre sa Harbin na tinawag na "Daoliqiulin" na itinayo noong 1914. Sa kasalukuyan, mayroon itong aklatan sa itaas at sa ibaba naman ay may restawran ng mga lutuing Ruso. Ang pangalan nito ay "Russia 1914".

Kung ihahambing sa kamaharlikahan ng Huamei, ang "Russia 1914" ay tulad ng isang sitting room ng isang karaniwang pamilya sa Rusya. Mga pito at walo ang mga mesa sa loob ng silid at may isang oil painting ng isang babaeng Ruso sa pader. Sa tabi ng painting ay may mga larawan ng mga pamilyang Ruso na naninirahan sa Tsina. Si Ginoong Hu Hong ang may-ari ng restawrang ito. Siya ay isang Chinese-Russian. Sinabi niyang iyong babae sa nasabing larawan ay kaniyang kalola-lolahan. Halos lahat ng mga larawan at dekorasyon ay mga personal na gamit ng isang babaeng Ruso na nanirahan sa Tsina nang mahigit 90 taon. Sinabi ni Ginoong Huhong na ang pagpapakbo niya ng restawrang ito ay naglalayong gunitain ang mga mamamayang Ruso na nanirahan sa Harbin. Sinabi niyang,

"Nagustuhan ko ang mga bahay na may tradisyonal na porma ng arkitektura, kaya, binili ko ang bahay na ito. Gusto kong itayo ang isang restawran na mapagkalooban sa mga kostumer ng larawan ng pamumuhay ng mga Ruso noong araw sa Tsina."

Kung ihahambing sa Huamei, mas orihinal ang lasa ng mga lutong pagkain sa "Russia 1914". Sinasabing, ang mga lutuin sa Russia 1914 ay sumusunod sa paraan ng pagluluto ng dating katulong ng pamilya ni Ginoong Hu, na nagpapakita ng tunay na panlasa ng mga pamilyang Ruso. Pero sa totoo lang maari kayong magpalipas ng oras isang hapon sa Russia 1914 sa pamamagitan ng pag-inom ng kape, pagbibilad sa araw at pagbabasa ng mga artikulo hinggil sa restawran na sinulat ng may-ari mismo. Sa visitor's book ng "Russia 1914", isinulat ng isang kostumer na ang kaniyang bahay, pinto na may isang bell, mataas na bubong, malaking bintana at mga serbidora na nakasuot ng apron ay bumubuo ng isang kuwentong pambata.