• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-14 19:40:01    
Pagkatuklas ng terra cotta warriors at horses ng Qin Dynasty

CRI
Noong Marso, 1974, natuklasan ng mga magsasaka sa Xiyang Village, Yanzhai Township, Lintong County ng Shaanxi Province ang isang piraso ng isang piguring yari sa pinatuyong clay noong minsang maghukay sila ng balon. Ito ay nagresulta sa pagkatuklas ng kilala sa buong daigdig na terro cotta warriors at horses ng Qin Dynasty noong 221 BC hanggang noong 207 BC. Noong tag-init ng 1976, mas lalo pang maraming natuklasan. Upang maprotektahan ang mga nahukay na relikya, itinayo noong 1975 ang isang museo na sumasakop sa 16 libong metro kuwadrado at binuksan sa publiko noong ika-isa ng Oktubre, 1979.

Itong mga terra cotta warriors at horses ay tinatawag sa wikang Tsino na Bing Ma Yong. Ang Bing Ma ay nangangahulugan lamang ng mandirigma at kabayo. Pero ano ang ibig-sabihin ng Yong? Ang Yong ay isang pigurang yari sa kahoy o lupa na inilibing bilang tagapaglingkod sa namatay noong sinaunang panahon. Sa slave society, inilibing nang buhay ang mga tao at kabayo kasama ng mga patay. Ngunit, kasabay ng disintegrasyon ng malupit na porma ng lipunang ito, nalipol na rin noong 384 BC sa estado ng Qin ang kaugalian ng paglilibing nang buhay ng mga tao. At ang Yong naman ay sinimulang gamitin bilang kahalili ng mga tao.

Ang materyal na ginamit sa paggawa ng terro-cotta figurines ay ang dilaw na lupa at isang uri ng putting "quartz sand". Magkakahiwalay na inimolde at nililok ng mga craftsmen ang mga piraso ng pigurin at pagkatapos, pinagkabit-kabit nila ang mga piraso at sinunog ang mga ito. isinagawa ang pagkukulay at "finishing" pagkatapos sunugin at palamigin ang mga pigurin. Upang makatinding nang mahusay ang mga pigurin, samantalang walang laman at magaan naman ang mataas na bahagi. Ang 2 paa ng mga pigurin ay nakatayo sa isang plastadong kuwadradong base para maragdagan ang contact surface at hindi madaling matumba.

Ang isang kapansin-pansing katangian ng mga iskulptura ay ang realismong ginamit ng mga craftsmen para kumatawan ang mga pigurin sa tao at hayop nang alinsunod sa istrukturang anatomikal ng mga ito. sumusunod ang lahat ng mga iskulptura sa istilo ng kasuotan, ayos ng buhok at paggamit ng kagamitang militar ng panahong iyon.

Bumuo ang mga terra cotta warriors ng isang makapangyarihang hukbo. Nagpapakita sila ng iba't ibang personalidad. Matangkad at mataas ang mga heneral, puno ng katalinuhan at sopistikasyon; seryoso ang mukha, matapat at matahimik ang mga opisyal, at ang mga sundalo naman ay maingat at matapang. Bukod dito, malalaman din ninyo ang ranggo ng bawat mandirigma sa pamamagitan ng kani-kanilang kasuotan. Nakasumbrero ang lahat ng mga opisyal, samantalang ang mga sundalo naman ay hindi. Nakasuot ang mga mataas na opisyal ng de-kolor na armor na may dilaw na gilid; at ang mga mababang opisyal ay nakasuot ng simpleng armor. Ang armor plate ng mga sundalo ay mas malaki, pero mas kaunti kaysa doon sa mga opisyal. Ang mga kabayo ay talagang masterpieces ng Qin sculpture.

Bakit magkakaiba ang ayos ng mga buntot ng mga terra cotta horses? Gaya ng alam na natin, dalawa ang gamit ng buntot ng kabayo: tumayo-tayo upang itaboy ang mga insekto at mapanatili ang balanse ng katawan kung ito ay guamgalop. Tinatalian naman ang buntot ng ibang kabayo para maiwasan ang pagkakasala-salabit ng buntot at renda. Samantala, ang buntot naman ng iba ay nakatirintas, nang sa gayo'y mapanatili sa isang tuwid na linya ang ulo at buntot habang tumatakbo ang kabayo. Ipinakikita nitong noon pang panahong iyon ay alam na ng mga tao ang iba't ibang gamit ng buntot ng kabayo at ginamit nila ang mga kaalamang ito sa kanilang mga kabayo.