• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-18 19:35:25    
Lihim ng Bayan ng Liye

CRI
Ang Lalawigang Hunan ay nasa gitna ng Tsina. Ang mga lugar sa kanluran ng lalawigang ito ay nagsisilbi ngayong destinasyon ng paglalakbay kung saan maraming turista ang naaakit na pumunta. Marami ditong kagila-gilalas na tanawin sa kabundukan at katubigan at may matagal na kasaysayang mga bayan. Ang bayan ng "Liye" ay isa sa mga ito.

Ang Liye ay nasa hilagang kanluran ng Lalawigang Hunan, kung saan nagmumula ang nasyonalidad na Tujia. Ang "liye" sa wikang Tujia ay nangangahulagan ng paggagalugad sa lupain. Noong 2002, bilang mga unearthened relic, mahigit 36 libong piraso ng bamboo slips ang natuklasan sa Liye. Ang nabanggit na bamboo slips ay ginamit para pangalagaan ang mga opisyal na dokumento noong panahon ng Qin Dynasty. Ang natuklasang bamboo slips ay hindi lamang nagkaloob ng maraming materyal sa mga sumunod na henerasyon para sa pag-aaral ng kasaysayan ng Qin Dynasty, kundi ipinakilala rin ang Liye sa daigdig. Sinabi ni Madam Tian Jing, ang isang tourist guide na,

"Ang natuklasang bamboo slips na mula sa dinastiyang Qin ay nagpapakitang may mga namuhay nang tao dito sa Liye noong mga 100 libo hanggang 500 libong taon na ang nakararaan. Kung hahawakan at hihipu-hipuin, ang mga bamboo slips na ito ay parang bago at malinaw pa ang mga character, pero karamihan sa mga character na ito ay hindi naming mabasa."

Sa bayan ng Liye, umaabot sa 2.5 libong metro ang haba ng mga kalye na lubos na napapangalagaan hanggang ngayon, gaya ng kalye ng Northern Zhongfu, Southern Zhongfu, Jiangxi, Daoxiang at iba pa at mahigit 500 ang bilang ng mga bahay ng mga mamamayan sa lokalidad. Napanatili rin sa mga gusali ang pormang arkitektural noong panahon ng Ming at Qing dynasty at ang katangian ng tradisyonal na promang arkitektural ng lahing Tujia na yari sa punong kahoy. Sinabi ni ginoong Peng Daxian, opisyal ng Liye na namamahala sa mga suliranin ng paglalakbay na may sariling katangian at kuwento ang bawat kalye sa Liye at lumilikha ang mga ito ng iba't ibang uri ng damdamin sa mga manlalakbay. Sinabi niyang,

"Ang kalye ng Jiangxi ay tinawag minsan na 'Wanshou street' kung saan nag-negosyo ang mga mangangalakal na galing sa Lalawigang Jiangxi. Dahil sa matagumpay na negosyong ito, unti-unting nagtipon-tipon sa lugar na ito ang maraming iba pang tao at nanirahan sila dito. Dahil maraming taga-Jiangxi rito, ang kalyeng ito ay tinawag na 'kalye ng Jiangxi'."

Ang kalye ng Zhongfu ay naging central line ng bayan ng Liye at karamihan sa mga gusali rito ay nagpapakita ng pormang arkitektural ng lahing Tujia. Ang kilalang-kilalang gusali sa kalyeng ito ay ang dyehouse ng pamilya ni Yang, na tinawag na "kauna-unahang bahay sa katimugan ng Ilog Yangtse". Ang dyehouse na ito ay isang 2-palapag na gusali, na yari sa punong kahoy, at ang magagandang lililok sa pinto at bintana ay nagpapakitang ito ay isang napakalaki nang gusali noong panahong iyon sa Liye.

Sa kasaysayan, ang Liye ay tinatawag na maliit na "lunsod ng Nanjing". Dahil sa pagdaloy ng Ilog ng Qiushui sa Liye at lumitaw dito ang isang masaganang bayan. Maraming maliliit na kalye dito at silang lahat ay direktang patungo sa puwesto; sa tabi ng kalye, nagtipun-tipon ang malalaki at maliliit na tindahan at ang mga gusali rito ay yari sa kahoy. Maraming magagandang dibuho na nakaukit sa mga pinto at bintana ng mga gusali na pawang sumasagisag sa magandang kapalaran. Sinabi ni Madam Peng Huifang, isang turista sa Liye na,

"Noong naglalakad ako sa daan, sa Liye, nakaramdam ako ng kakaibang damdamin. Para bang ako ay nasa ibang panahon at nakalutang sa alapaap."

Sinabi naman ni Madam Wei Xiaoming, isang manlalakbay na galing sa lalawigang Hubei na ang pamamangka sa Ilog ng Qiushui ay ang nagsibling kawili-wili at masayang aktibidad, lalo na kung sarilinang sasakay ka sa bangka. Sinabi niyang,

"May naramdaman akong espesyal na damdamin habang naka-upo ako sa bangka. Nang magtakipsilim, unti-unting sumilay ang buwan, sa kasalayuan, tanaw ko ang mga sinaunang bahay sa bundok. Maraming naglalakad sa baybayin ng ilog at napakalinis ng tubig sa ilog. Isang kasiya-siyang damdamin ang naramdaman ko."

Kung magpupunta kayo sa Liye, hindi ninyo dapat paligtasin ang mga meryenda rito. Halimbawa, ang glutinous rice bean curd, oil cooked cake at pickled radish na tinatawag na "3 pinakapambihira" sa Liye. Sinabi ni Zhang Hengzhi, isang babaeng taga-Chongqing na,

"Malalim na impresyon ang iniwan ng Liye sa akin, at nangunguna ang mga meryenda nito. Gusto kong kumain ng masasarap at 3 kilalang pagkain dito na kinabibilangan ng glutinous rice bean curd, oil cooked cake at pickled radish. Gustong gusto ko ang mga ito."