Nakipagtagpo noong Martes sa New York si ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina sa kanyang counterpart na Pilipino na si Alberto Romulo. Sa pagtatagpo, nagpalitan sila ng palagay hinggil sa bilateral na relasyong Sino-Pilipino at kalagayan sa rehiyon ng Timog Silangang Asya.
Nakipagtagpo sa Beijing noong Lunes si Premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Widodo Adi Sutjipto, dumadalaw na chief security minister ng Indonesya. Bumati si Wen sa pormal na pagsisimula ng mekanismo ng diyalogo ng Tsina at Indonesya sa antas ng pangalawang punong ministro. Sinabi niyang ibayo pang magpapasulong ito ng pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang bansa. Idinaos nauna rito ang kauna-unahang pulong ng mekanismo ng diyalogo sa antas ng pangalawang punong ministro. Nangulo sa pulong sina Tang Jiaxuan, kasangguni ng konseho ng estado ng Tsina at Widodo Adi Sutjipto. Sa pulong na ito, nagkasundo ang 2 panig na sa pamamagitan ng pagtatakda ng plano ng aksyon, palalimin ang kooperasyon ng 2 panig sa kabuhayan, kalakalan, seguridad, paglaban sa terorismo, pag-iiwas at pagbawas sa kalamidad at iba pang larangan at sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon. Ipinahayag ni Tang na opisiyal na pagpapasimula ng mekanismong ito ay angkop hindi lamang sa pangangailangan ng 2 bansa sa pagpapasulong sa estratehikong partnership at gayon din pag-unlad ng kalagayang pandaigdig at panrehiyon. Ipinahayag naman ni Widodo na nakahanda ang Indonesya na magsikap, kasama ng Tsina, para mapalawak at mapalalim ang estratehikong partnership ng 2 bansa.
Sinabi noong Miyerkules ni tagapagsalita Qin Gang ng ministring panlabas ng Tsina na ang pagbabagong naganap sa loob ng Thailand ay suliraning panloob nito. Nananagan anya ang Tsina sa prinsipyo ng hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa. Sinabi rin niya na ang Tsina at Thailand ay matalik na magkapitbansa at umaasa ang panig Tsino na magiging masagana ang Thailand at walang humpay na uunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag naman noong Huwebes ni Zhang Jiuheng, embahador ng Tsina sa Thailand, na hindi makakaapekto sa estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Thailand ang rebelyong militar na naganap kamakailan sa Thailand. Sinabi ni Zhang na ang mainam na relasyong pulitikal ng Tsina at Thailand ay magkaloob ng kinakailangang kondisyon para sa ibayo pang pagpapaunlad ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, higit sa lahat, mas mabilis na uunlad ang kanilang kooperasyon sa larangan ng kabuhayan, kalakalan at kultura. Kaugnay ng rebelyong militar na naganap kamakailan sa Thailand, tinukoy ni Zhang na ito ay nabibilang sa suliraning panloob ng Thailand at walang negatibong epekto ito sa relasyon ng dalawang bansa. Nananalig anya siyang mahahawakan nang mainam ng mga mamamayang Thai ang problema ng kanilang bansa.
Idinaos noong Martes ang simposyum sa komersiyo ng Tsina at Thailand sa Kunming ng Lalawigan ng Yunnan sa dakong Timog Kanluran ng Tsina. Sa 4 na tema ng naturang sinposyum, ang pangunahing tema ay pagsasalaysay ng kalagayan ng pamumuhunan ng Thailand sa mga empresang Tsino na may intensyon na lumahok sa pamilihan ng ASEAN. Lumahok sa simposiyum ang mga personahe mula sa sirkulong akademiko at sirkulo ng industriya at komersyo at nagpalitan sila ng karanasan ng pag-unlad ng kabuhayan ng dalawang bansa.
Batay sa desisyon ng pulong ng mga ministrong panlabas ng ika-13 ASEAN Regional Forum, ARF, idinaos mula noong Lunes hanggang Miyerkules sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, ang ika-6 na pulong ng ARF hinggil sa relief works sa mga kalamidad. Sa pulong na ito, isinumite ng panig Tsino ang burador ng tagapatnubay na prinsipyo hinggil sa kooperasyon sa relief works at sa gayon, naglatag ng pundasyon para sa susunod na kooperasyon ng ARF sa naturang aspekto. Sa naturang pulong, sinariwa rin ng mga kalahok na kinatawan ang kasalukuyang kalagayan ng kooperasyon ng ARF sa relief works at tinalakay ang mga pangunahing larangan at paraan para sa pagsasagawa ng kooperasyong ito.
Sa kauna-unahang porum ng Tsina at Asean sa industriya ng kultura sa Nanning ng rehiyong autonomo ng Guangxi sa Tsina, nagpalabas noong Martes ang mga kalahaok ng deklarasyon kung saan binigyan-diin nilang magkakasamang magsisikap ang iba't ibang banas para mapasulong ang kooperasyon at pagpapalitan sa industriya ng kultura. Ayon sa deklarasyong ito, dapat magsikap ang naturang porum para walang humpay na mapabuti ang mahalagang mekanismo nito, buong lakas na itaguyod nito ang pagbabahaginan ng yaman, totohanang palakasin ang paggagalugad at pagtutulungan sa human resources sa industriya ng kultura sa pagitan ng Tsina at Asean.
|