Ang Dalian ay isang baybaying lunsod sa kahilagaan ng Tsina. Ito ay katatagpuan ng maraming fountains at public squares at itinuturing ng UN bilang lunsod kung saan may pinakamagandang kondisyon para sa tirahan ng tao.
Ang Dalian ay nasa katimugan ng isang peninsula sa hilaga ng Tsina, at 3 gilid nito ay kahangga ng karagatan. Ang asul na langit, matingkad na berdeng karagatan, puting baybaying dagat at itim na malaking tipak na bato ay ang nagsisilbing simbolo nito. Malilinis ang mga kalye rito at tulad ng isang ribon, nag-uugnay ang malalaki at maliliit na pirasong damuhan tungo sa iba't ibang direksyon; maraming kalye na natatakpan ng mga punog kahoy sa magkabilang tabi kung saan direktang makikita ng mga turista ang karagatan.
Ang Dalian ay isa sa mga lunsod sa Tsina na kaunti lamang ang mga bisikleta, dahil sa paalun-along daan, pero hindi ito magbibigay ng problema sa mga turista na gusting magbibisikleta sa lunsod. Kung Setyembre, unti-unting lumalamig ang klima rito kaya maaaring umarkila kayo ng bisikleta at magbibisikleta sa baybaying dagat para makita ang magagandang tanawin.
Ang public square culture ay isa sa mga katangian ng Dalian. Kung ilampung plasa at halos isang daang parke ang makikita sa iba't ibang sulok ng lunsod, may berdeng damo, magandang bulaklak, pigeon,sculpture, mga gusaling may pormang arkitektural na Hapones at Ruso, at ang lahat ng mga ito ay hindi nakakaligtas sa kamera ng mga turista. Sinabi ni Zhang Feng, isang batang lalaking ipinanganak at lumalaki sa Dalian na ang Xinghai Gulf Square ay isa sa mga plasa na dapat bisitahin ng mga turista. Sinabi niyang,
"Maaaring sabihin na ang Xinghai Gulf Square ay ang pinakamalaking public square sa buong Tsina na umaabot sa 1.76 milyong metro kuwadrado ang kabuuang lawak at umaabot hanggang sa karagatan ang saklaw. Bukod dito, may isa ring iskultura na yari sa tanso na kinatatalaan ng kasaysayan ng Dalian nitong sandaang taong nakararaan."
Ang "modernong museo ng Dalian" ay nasa Xinghai Gulf Square, at ito ay nagpapakita ng popular na katangiang arkitektural. Sinabi ni Ginoong Liu Zhenwei, curator ng museong ito na,
"Natatala sa museo ang pagbabago sa Dalian nitong sandaang taong nakararaan, lalo na ang kalagayan hinggil sa pag-unlad ng industriya, agrikultura at turismo ng lunsod nitong 20 taong nakalipas sapul nang magsagawa ng reporma at pagbubukas ng pinto sa labas. Umaabot sa mahigit 30 libong metro kuwadrado ang kabuuang lawak ng gusaling ito."
Sinabi ring niyang ang pagbubukas ng nasabing museo ay mainit na tinanggap ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa, at karaniwang umaabot sa isang libo ang arawang bilang ng mga turista na kinabibilangan ng mga manlalakbay galing sa Estados Unidos, Hapon at mga bansang Aprikano.
Pagkatapos ng museong pangkasaysayan ng Dalian, babanggitin naman natin ang polar region marine museum na nasa Tiger Beach ng Dalian.
Iyan ang iyak ng sea lion sa museong pandagat. Nagbukas ang museong ito noong 2002 at ito ang kauna-unahang museo sa Tsina na nagpapakita ng mga katangian ng polar region at nagtitipun-tipon dito ang mga polar region animal na kinabibilangan ng mga Antarctic penguin at Arctic white whale. Kung papasok kayo sa museo, mararamdaman ninyong parang kayo ay nasa ilalim ng karagatan. Sinabi ni Madam Li Aimin, isang manggagawa ng museong ito na,
"Ang white whale ay pinakakilalang hayop-dagat sa museo. Namumuhay ang mga ito sa Arctic Ocean at pawing magaganda at matatalino ang mga lumba-lumbang ito."
Umaabot sa 36 na libong metro kuwadrado ang kabuuang lawak ng museo at pinaghihiwalay nito sa 3 bahagi ang eksipisyon na kinabibilangan ng eksipisyon ng mga hayop na mula sa polar region na gaya ng Antarctic penguin at Arctic white whale; pagtatanghal ng mga marine animal at panonood sa mga pating.
Bukod dito, ang international fashion festival, Dalian Export Commodities Fair, Dalian International marathon race at iba pa ay nakakaakit rin ng maraming manlalakbay na Tsino at dayuhan at lumilikha ito ng atmospera ng iba't ibang lugar at bansa.
Kung pupunta kayo sa Tsina, bakit hindi ninyo subuking bisitahin ang lunsod ng Dalian. Tinitiyak ko na hindi masasayang ang inyong biyahe.
|