• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-02 20:25:17    
Buddha statue enshrining ceremony sa Chongsheng Temple

CRI
Ang Chongsheng Temple na may mahigit isang libong taong kasaysayan ay matatagpuan sa Bayang Awtonomo ng Bai Nationality sa Dali ng Lalawigang Yunnan ng Tsina. Nagsagawa kamakailan ang pamahalaang lokal ng rekonstruksyon ng templong ito at ito ay sinundan ng seremonya ng Buddha statue enshrining. Bukod sa lumutang na ang manners of imperial temple, napanatili pa ang katangian ng nasyong lokal sa pagkakagawa ng templo.

Sa alas-seis ng umaga nang pumunta ang mga reporter sa Chongsheng Temple sakay ng isang bus para dumalo sa Buddha statue enshrining ceremony na magkakasamang pinanguluhan ng 108 kilalang dharmacarya na galing sa interyur ng Tsina at mga bansa ng Timog Silangang Asya at Timog Asya. Pagdating ng templo, sa daan patungo sa palasyo ni Sakyamuni, ang Son of Heaven Palace (Palasyo ng Emperador), Laughing Buddha Palace at Avalokitesvara Palace (Palasyo ni Guanyin) ay natunghayan ng mga reporter. Ang kanilang nilalakaran ay natatakpan ng red carpet, at maraming mananampalataya sa magkabilang tabi ng daan. Si Madam Zhang Furu, isang mananampalataya mula sa Dali, ay naghihintay sa bakuran ng Palasyo ni Sakyamuni para lumahok sa seremonya ng Buddha statue enshrining. Tuwang-tuwang sinabi niya sa reporter na,

"Para makalahok sa seremonya ng Buddha statue enshrining, maaga akong bumangon. Alas-seis palang gising na ako. Masayang-masaya ako."

Ang Chongsheng Temple na kilala din sa tawag na "Templo ng Tatlong Tore", ay pag-aasa sa mga kabundukan na natatakpan ng makapal na niyebe at nakaharap sa magandang Erhai Lake. Dahil sa kalamidad ng lindol at digmaan, 3 tore lamang ang naiwan. Pagkatapos ng reskonstruksyon ng templo, hindi lamang napangalagaan ang umiiral na pormang arkitektural nito, kundi naibalik din sa templo ang mga historikal na relikya na ari nito.

Si Ginoong Wang Hai at kaniyang may-bahay ay pumunta sa Dali mula sa lunsod ng Kunming, kabisera ng Lalawigang Yunnan, para mapanood ang nabanggit na seremonyang Budismo. Sa harap ng bagong tayong templo, masayang-masaya silang dalawa. Sinabi ni Ginoong Wang na,

"Talagang ipinakikita nito ang katangian ng mga templong imperial. Ito ay isang napakarikit na gusali na nakatayo sa pagitan ng mga kabundukan at katubigan. Ito ang unang pagkakataong nabisita ko ang templong ito. Tuwang-tuwa ako at talagang hindi masasayang ang biyaheng ito."

Ang Chongsheng Temple ay dating sentro ng mga aktibidad na Budismo sa mga rehiyon sa katimugan ng Tsina at mga bansang Timog Silangang Asya na tinatawag na "Kapital ng Budismo" ng Timog Silangang Asya. Sa nabanggit na seremonya ng Buddha statue enshrining sa Chongsheng Temple, nagsagawa ng Buddhist service ang 108 dharmacarya na galing sa Tsina, Singapore, Indonesia, Hapon, Thailand, Myanmar, Vietnam, Laos, Cambodia at iba pa.

Ang 65 taong gulang na si Madam Li Ying ay isang Budista. Tuwang-tuwang sinabi niyang,

"Nakita ko ang maraming kilalang Buddha at pinuno ng samahang Budismo ng Tsina at ito ay isang marangal na pangyayari para sa akin."

Napuno ang templo ng mga turista. Makikita ang iba't ibang mukha at maririnig ang iba't ibang wikang lokal. Sa gitna na walang hintong daloy ng mga manlalakbay, nakipag-usap ang reporter sa isang turistang galing sa Cyprus na si Ginoong Mike Jackson.

Sinabi ni Mike Jackson na naglalakbay ang kaniyang pamilya sa Dali at paminsan-minsan na pinanonood ang seremonya ng Buddha statue enshrining. Sinabi niyang ang rekonstruksyon ng Chongsheng Temple ay nagsisilbing isang mabuting gawa ng pamahalaang Tsino para sa malawak na pananampalatayang Budismo. Nanananalig siyang tiyak na mapapanumbalik ng templong ito ang kaniyang dating kaningningan.