• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-05 19:30:53    
Mid-Autumn Festival, lumalapit na lumalapit

CRI

Sa mga trandisyonal na pestibal ng Tsina, napakahalaga ng Mid-Autumn Festival para sa mga mamamayang Tsino. Ang pestibal na ito ay napataon sa ika-15 ng Agosto sa Chinese Lunar Calendar. Sa araw na ito, kung maaraw, ma-enjoy sa gabi ang mga tao sa bilog na buwan sa langit. Ayon sa tradisyon ng mamamayang Tsino, dapat magkakasamang mag-enjoy sa buwan at kumain ng moon cake ang buong pamilya sa pestibal na ito. Ang ika-6 ng Oktubre sa Gregorian Calendar sa taong ito ay tamang ika-15 ng Agosto sa Chinese Lunar Calendar at ang National Day Vacation at Mid-Autumn ay nagkakapanabay. Habang palapit ang pestibal na ito, abalang-abala na ang mga tao sa iba't ibang lugar ng Tsina sa paghahanda para ipagdiwang ito.

Si Yang Bian ay isang government employee sa Chengdu, isang lunsod ng lalawigang Sichuan sa timog-kanlurang Tsina. Sinabi niyang noon sa panahon ng pestibal, halos para-pareho ang ginagawa nila na gaya ng pagkakain ng moon cake, panonood sa paligsahan ng dragon boat. Sa taong ito, gustong niyang magkaroon ng pagbabago, ibig sabihi'y maglakbay sila ng kaniyang kaibigang babae sa Xi Chang, isang lunsod na 1000 kilometro ang layo sa timog ng Chengdu para doon ipagdiwang ang moon festival. Sinabi niyang:

" Dahil sa klima ng Chengdu, hindi maliwanag ang buwan sa Mid-Autumn Festival bawat taon. Ang Xichang ay tinatawagang lunsod ng buwan, dahil, mataas ang patay-dagat nito at may iba pang elemento, malaki at bilog na bilog ang buwan doon sa ika-15 ng Agosto, nangangahulugan ito ng reunion at suwerte."

Bukod sa buwan, ang moon cake ay isa pang mahalagang nilalaman ng pestibal na ito. Ang moon cake ay isang bilog na hopya na may iba't ibang palaman na gaya ng nuts, meals, fruit, egg at iba pa. Nangangahulugan ang bilog na bilog na hopya ng pagkakabuklod at harmorya, at mga magandang hangad ng mga mamamayang Tsino sa pamilya at pamumuhay noong ilang libong taong nakalipas. Kauganay ng isyung ito, sinabi ni Luo Junwei, isang residente ng Guangzhou, isang lunsod sa timog Tsina, na:

"Sa Mid-Autumn Festival, kailangang kailangan ang moon cake. Pagkaraan ng hapunan sa araw na iyon, pumunta ang buong pamilya ko sa balkonahe para manood ng buwan. Kasunod nito, kumain rin kami ng mga pagkain na gaya ng moon cake, prutas at iba pa, at ang moon cake ay pinakamahalaga sa mga ito. Nanonood sa buwan, kumakain ng masarap na moon cake, magandang maganda ang pakikiramdam sa sandaling iyon."

Ang panonood sa buwan at pagkain ng moon cake ay kapuwa nangangahulugan ng hangad ng reunion ng mga kamay-anak. Si Guo Junli ay isang babaeng propesor ng unibersidad sa Beijing, at palagiang nakikisama sa kaniyang mga magulang bawat Mid-Autumn Festival. Sinabi niyang:

"Ipinalalagay kong mahalagang mahalaga ang family reunion sa pestibal na ito. Nang nagkasama ang buong pamilya, maligayang maligaya ang mga magulang, ipinalalagay kong ito ang pinakamahalaga."

Ngayong taon, binabalak ni ginang Guo na kasama ng kaniyang buong pamilya, pumunta sa isang courtyard na binili niya noong 2 taong nakaraan sa karugnog ng Beijing para sa pestibal na ito, sinabi niyang:

"Sa karugnog ng Beijing, napakaringal ng atmospera ng pestibal, maganda ang pakikiramdam na makipagsama sa mga magsasaka. Nakahanda rin ang mga magulang ko na pumunta sa kanayunan, relax na relax ang kapaligirang doon."

Ang Mid-Autumn Festival ay isang mainam na pagkakataon din para sa family reunion ng mga mangangalakal ng Taiwan sa mainland. Si Zhong Haotian ay puno ng branch sa Xia'men ng isang malaking bahay-kalakal ng transportasyon ng Taiwan at nakatira siya sa mainland nang 11 taon. Dahil abalang-abala siya sa negosyo, nasa Taiwan pa rin ang kaniyang asawa at 2 anak. Sa kasalukuyan, katulad ng karamihan ng mga mangangalakal na Taiwanese, abalang-abala siya sa paghahanda para umuwi, bumili siya ng maraming produktong espesiyal sa mainland para sa kaniyang pamilya. Sinai niya sa mamahayag na: 

"Popular na popular rin sa Taiwan ang panonood sa buwan at pagkain ng moon cake, walang pagkakaiba ang ugali ng dalawang lugar."

Para magbigay-ginhawa sa mga mangangalakal na Taiwanese pauwi, espesiyal na inihanda ng Xia'men Airlines ang chartered flights para sa kanila sa taong ito. Dahil dito, maagang iniorder ni Zhong ang kaniyang ticket para bumalik sa Taipei sa ika-1 ng Oktubre.