• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-09 19:14:05    
Tagapakinig: Beijing Olympics, Grandest and Greatest Meet

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa special edition ng Dear Seksiyong Filipino 2006.

Ang mga liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Vicky Santos ng Quipo, Manila at Diana Locsin ng Remagen, Germany.

Sabi ni Vicky sa kaniyang sulat...

Dear Filipino Service,

Kumusta sa inyong lahat at sa lahat ng kaibigan diyan sa Beijing.

Sa pamamagitan ng inyong serbisyo, ipinaaabot ko ang aking best wishes sa Beijing Organizing Committee sa kanilang preparation sa grandest and greatest athletic competition. Siguro ang competition na ito will go down in history bilang kauna-unahang palakasang pandaigdig na ginanap sa isang umuunlad na bansa at isang bansang Asyano kaya maraming bansa sa Asya ang lihim na nakangiti at lihim na nananalangin para sa success nito.

Pakipasa ang aking pagbati sa kuya ng lahat ng tagapakinig ng Serbisyo Filipino--si Kuya Ramon Jr.--sa kaniyang walang kapagurang pag-e-entertain sa mga tanong ng mga tagapakinig at sa walang sawang pagbibigay-daan sa kanilang opinyon sa pamamagitan ng inyong hotline Olympics. Alam ko na malaki ang gastos ng proyektong ito kaya walang tanung-tanong na nagkontribusyon ako dito.

Sa pamamagitan din ng inyong palatuntunan, nananawagan ako sa lahat ng "text addicts" na huwag sayangin ang kanilang loads. Gamitin nila itong pang-text sa Serbisyo Filipino para mapakinabangan ni Kuya Ramon Jr. ang kanilang mensahe. Narinig kong binabasa ni Kuya ang mga mensaheng SMS sa Dear Seksiyong Filipino at Gabi ng Musika.

Salamat sa pag-uukol ninyo ng time sa sulat na ito at sa lahat ng mga sulat ng mga katulad kong sumusubaybay at nakikinig sa mga kaganapan diyan sa China tuwing 7:30 ng gabi.

Pagpalain sana kayo ni Lord...

Always,
Vicky Santos
Quinta Market
Quiapo, Manila

Thank you so much, Vicky, sa iyong liham at sa mga oras na ginugugol mo dito sa amin sa Serbisyo Filipino, sa aming mga programa. Hindi namin makakalimutan ang malasakit na ipinakikita mo sa amin. Thank you uli at God Love You.

Bago tayo dumako sa ikalawang liham, tunghayan muna natin ang ilang SMS mula sa ating textmates.

Mula sa 915 807 5559:

"Kung wala kayong magawa sa buhay,

sa halip na magtsismisan, makinig

na lang kayo sa CRI Serbisyo Filipino.

Marami pa kayong matututuhan."

Mula sa 9104350941:

"Salamat. Pasensiya ka na kung minsan nagha-hanyu pin yin ako kasi iyan ang input system na ginagamit ko. Mas mabilis kaysa traditional phonetics BU PU MO... Mabagal."

Mula sa 9284156462:

"Love is sweet lalo na doon sa mga diabetic.

Calling all broken-hearted people,

Magpa-by-pass operation kayo."

Tingnan naman natin kung ano ang laman ng liham ni Diana.

Dear Kuya Ramon,

Greetings mula sa iyong on-line friend from Deutschland!

Congratulations sa success ng iyong programs na Dear Seksiyong Filipino, Alam Ba Ninyo at Gabi ng Musika. I admire you for your professionalism. Maganda ang pagkaka-format ng inyong programs at pati website. Sa website lang ninyo alis na ang pangungulila namin sa Pinas. It is truly great!

Salamat sa pagbubukas ninyo ng Olympic hotline. Nagkaroon kami ng chance na makapagtanong ng mga bagay na may kinalaman sa Olympics in general, at sa gaganaping 2008 Olympics in particular. Ngayon alam ko na kung paano pinaghahandaan ng Beijing ang 2008 Olympics at kung anu-ano ang requirements para sa volunteers. Magandang excuse din ito para makausap namin ang aming loving DJ.

Salamat din sa inyong special programs. Maraming lugar sa China ang nabibisita ko at maraming pagkaing Chinese ang natikman ko kahit hindi pa ako nakakarating ng China.

Ngayon talagang kailangang makapunta ako sa China at umaasa ako na kayo ang unang-uang sasalubong sa akin.

Sana sumikat pa ang lahat ng inyong mga programa. Nasa likod ninyo kami.

Mabuhay!

Diana Locsin,
Remagen, Germany

Thank you so much, Diana, sa iyong liham at sa pagpapahalaga mo sa aming mga programa at website. Walang problema. Kung pupunta ka dito sa China, ako mismo ang susundo sa iyo. Thank you uli at God Love You.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalala ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.