• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-09 19:15:00    
"Red tour" sa Bundok ng Jinggangshan

CRI
Nitong ilang taong nakalipas, nanatiling mainit ang domestic tour sa Tsina. Hindi lamang mga kilalang bulubundukin ang nagugustuhang bisitahin ng mga lokal na manlalakbay, gustung-gusto rin nilang magtungo sa mga dating revolutionary area sa kasaysayan ng Tsina. Ang biyaheng ito ang tinatawag na "red tour". Ngayon, papasok tayo sa Bundok ng Jinggangshan, isang "red attraction".

Ang Kabundukan ng Jinggangshan ay nasa hanggahan sa pagitan ng Lalawigang Jiangxi at Hunan ng Tsina. Mahigit 200 kilometro kuwadrado ang kabuuang lawak ng Jinggangshan attraction at umaabot sa 80% ang saklaw ng kagubatan nito. Noong ika-2 dekada ng ika-20 siglo, dito itinatag ng Partido Kumunista ng Tsina ang unang "Revolutionary Red Base" sa kanayunan, at naisakatuparan ang tagumpay ng rebolusyon ng Tsina sa wakas, kaya, ang Kabundukan ng Jinggangshan ay tinatawag na "bayang-sinilangan" ng rebolusyong Tsino. Ang Bundok ng Jinggangshan ngayon, para sa mga manlalakbay, ay nagsisilbi hindi lamang bilang isang tourist attraction, higit sa lahat, ito ay nagsisilbing maliit na bahagi ng kasaysayan ng Tsina.

Ang Jinggangshan attraction, na binubuo ng mahigit 60 likas na tanawin, ay naging tanyag dahil sa kaniyang steepen peak,grand waterfall, magandang bulaklak ng azalea at iba pa. Mahigit 500 ituktok ang nagtitipun-tipon sa Jinggangshan attraction, at ang 7 pinakakilala rito ay ang Stone Monkey, Wangzhi, Gubai, Yangmei, Guandao, Peacock, at Stalagmite Peaks. Inilahad sa mga manlalakbay ni Madam Liu Xin, isang tourist guide ng International Travel Agency ng Tsina na,

"Sa ibabaw ng Stone Monkey Peak, makakakita kayo ng mga bato na hugis-matsing."

Bukod sa Stone Monkey Peak, meron ding sariling katangian ang iba't ibang bundok. Sa Ituktok ng Gubai ay maraming kahoy ng cypress, at ang gulang ng pinakamatanda rito ay umaabot sa 800 taon. Ang Ituktok ng Yangmei naman ay ang pinakamaginhawang lugar kung saan mapapagmasdan ang pagsikat ng araw at maraming makikitang azalea rito.

Ang mahigit 100 revolutionary former site ay nagsisilbing isa pang pangunahing tanawin sa Jinggangshan attraction. Sa isang dating ospital ng Red Army ng Tsina, si Madam Yin Qin, bisitang galing sa lunsod ng Zhuzhou sa lalawigang Hunan, ay nagsusukat ng isang damit ng sundalo ng Red Army. Sinabi niyang,

"Nagustuhan ko ang mga kasuotan ng Red Army, at gusto kong isukat ang mga ito."

Maliban sa mga batang turista na nagustuhang bumisita sa Kabundukan ng Jinggangshan, dumarami rin ang mga magulang at kanilang mga anak na pumaparito sa panahon ng bakasyon. Kasabay ng pagtamasa ng kasiyahan, umaasa rin ang mga magulang na maipaalam sa kanilang anak ang hinggil sa mahirap na proseso sa paglakas ng Partido Komunista ng Tsina at sa gayon, mahalin ng mga bata ang kani-kanilang masayang pamumuhay sa kasalukuyan. Sinabi ni Ginoong Gu Feng, isang turistang galing sa Beijing na,

"Sa pagparito ng mga pamilya sa panahon ng bakasyon, hindi lamang ang mga bata ang natututo ng mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan, kundi kanilang mga magulang din, at lubos na napapahalagahan nila ang kadakilaan ni Chairman Mao at nalalaman ang mga dinanas na kahirapan sa proseso ng pagtatatag ng bagong Tsina."

Alam niyo, ang klima sa Kabundukan ng Jinggangshan sa anumang season ay bagay sa paglalakbay. Pero mula Abril hanggang Oktubre ang pinakamagandang panahon para sa pagbisita dito, dahil, maraming azalea sa bundok at napakaganda ng tanawaing ito. Sa kasalukuyan, ang azalea ang itinuturing na city flower ng Jinggangshan. Bukod dito, matitikman din ninyo ang pagkain at pumpkin soup ng Red Army.