• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-10 22:31:32    
Seminar sa CAFTA, nagtampok sa bagong pagkakataong pangkooperasyon

CRI
Nasa ilalim ng magkasamang pagtataguyod ng China-ASEAN Business Council (CABC) at Beijing Committee ng ASEAN, idinaos kaninang umaga sa Guangxi Hotel dito sa Beijing ang Ika-3 Seminar hinggil sa Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA.

May temang "Tsina at ASEAN, bagong pagkakataon para sa pagtutulungan", ito ay nilahukan ng 170 personahe na kinabibilangan ni Enrico Mariano, commercial attaché ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina at ng iba pang mga opisiyal, dalubahsa at mga mangangalakal ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Nangulo sa seremonya ng pagbubukas ng porum si Xu Ningning, pangalawang pangkalahatang kalihim ng CABC. Sa kaniyang talumpati, ipinahayag niyang ang konstruksyon ng CAFTA ay tiyak na magdudulot ng positibo at malalim na pagbabago sa rehiyong ito. Sa kasalukuyan, lumitaw na aniya ang isang mahigpit, aktibo at komprehensibong bagong kalagayan sa pagtutulungan ng dalawang panig. Kauganay ng isyu ng katuturan ng konstruksyon ng sonang ito, sinabi ni Xu na:

"Noong Hulyo ng taong ito, pormal na sinimulang isagawa ang kasunduaan ng kalakalan ng paninda ng CAFTA, at ito ay nagsisilbing hudyat na pumasok na sa yugto ng komprehensibo at malalim na pag-unlad ang pagtutulungan ng dalawang bansa. Ito ay hindi lamang isang mahalagang pangyayari para sa Tsina at ASEAN, kundi mahalagang pangyayari rin para sa integrasyon ng Silangang Asya at maging ng pagtutulungan sa kabuhayang panrehiyon ng buong daidgig."

Nitong ilang taong nakaliaps, kasunod ng walang humpay na pagpapasulong ng konstruksyon ng CAFTA, kapansin-pansin ang mga natamong bunga ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas at ito ay naging pangunahing puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ngunit, malaki pa rin ang nakatagong lakas ng dalawang bansa. Kaugnay ng isyung ito, sinabi ni Mariano na:

Kaugnay ng porum na ito, ipinalalagay ni Mariano na magkakaroon ito ng malalim na epekto sa pagtutulungan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Pilipinas at gayun din ng Tsina at ASEAN. Sinabi niyang:

Kugnay ng resulta ng porum na ito, kinapayanam din ng aming mamamahayag si Huang Guifang, dating embahador na Tsino sa Pilipinas, sinabi niyang:

"Ipinalalagay kong ang porum na ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng Tsina at Pilipinas para makahanap ng mga bagong pagkakataong komersiyal."

Ayon sa plano ng konstruksyon ng CAFTA, pabababain ng Tsina at Pilipinas sa zero ang taripa ng karamihan ng kanilang mga produkto. Sa panahong iyon, tiyak na tataas sa isang bagong lebel ang kalakalan ng dalawang bansa. Nakakanalig kaming magandang maganda ang prospekt ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas.