• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-10 22:32:48    
Eksbisyon ng mga buto sa stone stockade village sa Guizhou

CRI
Ang Stone Stockade Village ay matatagpuan sa isang stockade village ng lahing Bu Yi sa Lalawigang Guizhou ng Tsina. Sa nakaraan, dahil sa kakulangan sa plantasyon at di-mainam na purok, ang nayong ito ay namalaging isang mahirap na mahirap na stockade village. Nitong 10 taong nakalipas, sa pamamagitan ng espesyal na bentahe ng natural environment at yaman sa lokalidad, aktibong pinaunlad ng naturang stone stockade village at ng mga village sa paligid nito ang industriya ng turismo, at sa gayo'y nagbago nang malaki ang kalagayan ng nayon at pamumuhay ng mga taganayon.

Sa pagpasok ninyo sa nayong ito, makikita ninyo ang mga civilian housing na likha sa mga bato, at ang buong nayon ay nagmimistulang isang stone kingdom.

Si Li Qiansheng, 66 taong gulang na, ay host ng "cultural relic garden ni Lao Li o older Li" sa nayong ito. Si Li Qiansheng ay isang mamamayan ng lahing Bu Yi, at mahilig siya sa pag-aaral ng folk-customs at cultures. Ipinalalagay niyang mayroong sariling espesyal na katangian ang mga mamamayan ng lahing Bu Yi sa aspekto ng produskyon at pamumuhay, at nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagiging parami nang parami ng mga manlalakbay sa naturang nayon, ipinasiya niyang buksan ang isang cultural relic garden ng lahing Bu Yi para idispley sa mga manlalakbay ang masaganang folk-customs and culture ng lahing ito.

Tatlong taon na ang nakararaan, nakumpleto ang naturang garden ni Li. Ang garden na ito ay may kabuuang saklaw na mahigit isang daang metro kuwadrado, at idinidispley ang lahat-lahat mahigit sa 400 cultural relics. Isinalaysay ni Li na:

"Dito, ang lahat ng idinidispley na cultural relic ay kultura ng lahing Bu Yi sa iba't ibang aspekto na kinabibilangan pangunahin na, ng mga tradisyonal na kagamitan, produksyon ng kagamitan, tradisyonal na kasuotan at iba pa."

Si Pan Youquan ay isa pa ring residente ng naturang nayon, at pagkatapos na maikasal, namumuhay pa rin niya kasama ng kanyang ama, ina at kapatid na lalaki. Sinabi ni Ginoong Pan sa reporter na noong nakaraan, dahil sa masamang kondisyon, nagsisikap ang kanyang buong pamilya para malutas lamang ang isyu ng pagkakaroon ng sapat na pagkain at pananamit. Noong unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, nagsimulang paunlarin ng nayong ito ang industriya ng turismo at pinabuti ang daam-bakal. Dahil ang pabahay niya ay nasa isang mainam na purok, sinimulan muna ni Ginoong Pan at ng kanyang pamilya ang pagpapatakbo ng isang restaurant sa nayong ito. Tuwing weekend, maraming manlalakbay ang kumakain sa restaurant ni Pan.

Sinabi ng naturang mga manlalakbay sa reporter na nandito sila para makita ang village landscape. Gustong gusto nila ang natural landscape dito, samantala, nais nilang malaman ang espesyal na katangian ng lahing namamalagi dito.

Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng masaganang proyektong may kinalaman sa turismo, ang pamumuhay ng mga taganayon ng nasabing stone stockade village ay bumubuti nang bumubuti. Isinalaysay ni Ginoong Li Liangping, namamahalang tauhan ng Zhen Shan village na:

"Bago ang taong 1993, ang kabuhayan at pamumuhay ng mga taganayon ng Zhen Shan village ay mahirap na mahirap. Sa panahong iyon, ang taunang kita ng bawat taganayon ay hindi umabot sa 300 Yuan, RMB. Sa kasalukuyan, umabot sa halos 3000 Yuan ang taunang kita ng bawat taganayon. Umabot sa 100 libong person-time taun-taon ang bilang ng mga manlalakbay sa loob at labas ng lalawigang Guizhou, at umabot sa mahigit 2 milyong Yuan, RMB ang tourism revenue sa bawat taon. Ang pag-unlad ng industriya ng turismo ay nagpapasigla rin sa pag-unlad ng ikatlong industriya sa nayon, at nagkaloob ito ng mahigit 200 pagkakataon sa hanapbuhay para sa nayon ng Zhen Shan."

Sinabi rin ni Ginoong Li na ang turismo ay hindi lamang nakadaragdag sa kita ng mga taganayon, kundi nagpapataas pa nang malaki sa lebel ng pamumuhay ng mga residente dito. Sa kasalukuyan, nakakaraming residente ng nayong ito ang nakakabili ng telebisyon at nakakagamit ng tubig sa gripo, at ang mobile phone ay nagsisilbing di-puwedeng-mawalang kagamitang pangkomunikasyon ng mga taganayon. Samantala, bumubuti nang malaki ang kalagayang pangkalusugan sa nayong ito kung ihahambing sa dati.