• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-12 16:22:49    
Biyahe ni Zheng He sa Pacific and Indian Ocean

CRI

Noong ika-18 ng Hulyo ng 1433, dumalaw sa ika-pitong ulit si Zheng He sa Pacific and Indian Ocean at bumalik sa Beijing. Magkakasunod na dumating siya ng mahigit 30 rehiyon't bansa na gumamit ng 28 taon. Ang saklaw at panahong ito ay naging isang kilalang aksiyon ng world navigation histroy.

Si Zheng He, isang taga-Kunyang, Lalawigan ng Yunnan, Hui nationality, ang dating pangalan niya ay Ma He. Sa kanyang pagkabata, sumapi siya sa Ming Troop bilang isang eunuch ni Zhu Di. Dahil sa kanyang talino at pagsisikap, kinuha niya ang tiwala ni Zhu Di, emperador ng Ming Dynasty, at pinataas ang posisyon niya. Noong 1404, ginawaran ng emperador ng surname Zheng si Ma He, mula sa panahong iyon, ang pangalan ni Ma He ay ibinago sa Zheng He.

Noong ika-15 ng Hunyo ng 1405, nagpadala si Mingchengzu kay Zheng He sa pagdalaw sa Pacific and Indian Ocean na nagpasimula ng pitong ulit na biyahe ni Zheng He sa Pacific and Indian Ocean. Ang grupo ni Zheng He ay binuo ang mahigit 27800 tao na kinabibilangan pangunahin na, ng mga marino, opisyal at sundalo, doktor, tagasalin at iba pa. Ang kakayahan, arms at lawak ng fleet ni Zheng He ay nasa unang puwesto sa daigdig sa panahong iyon. Ang mga napakalaking bapor sa fleet ay tinawag na treasure ship.

May 62 treasure ships ang fleet ni Zheng He na sakay ng mga silk, gold and silver, china, bronze at iba pa. Lumisan ng Jiangsu ang fleet, at dumaan ito sa Fujian-Guangdong-Zhan city (kasalukuyang gitnang bahagi ng Biyetnam)-Java-Old Port (kasalukuyang malaking puwerto sa dakong timog silangan ng Sumatra)-Nanwuli-Xilan (kasalukuyang Sri Lanka) at iba pa. Ang mga dumating ni Zheng He noong unang tatlong biyahe niya ay kinabibilangan, pangunahin na ng Biyetnam, Cambodia, Pilipinas, Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, Myanmar at mga bansa sa Timog Asya. Kung dumating ng isang bansa, bilang espesyal na sugong Tsino, dumalaw doon si Zheng He, at nagbigay siya ng mga handog sa mga opisyal at mga mamamayan sa lokalidad.

Kapag dumting ng Xilan ang fleet ni Zheng He, ang kasalukuyang Colombo ay isang maliit na puwerto sa panahong iyon. Sa panahong iyon, ang kapital ng Xilanketi Kingdom ay nasa doon. Nang dumating ng Xilan Seashore, sinalubong ng mga opisyal at mangangalakal (kinabibilangan ng mga mangangalakal na Tsino) ang pagdalaw ng Chinese fleet. Nagbigay si Zheng He ng ambag sa Xilan Temple, at itinayo ang tablet. Halos 500 taon pagkaraang nito, natuklasan ang naturang tablet sa Jiali Town sa Xilan Island na kasalukuyang iniimbak sa Museum of Sri Lanka. Ito ay hindi lamang isang precious relic ng pagpapalitang pangkaibigan ng Tsina at Sri Lanka, kundi naging isang batayan ng pagsadya ni Zheng He sa Xilan Seashore at pagbibigay-ambag sa Xilan Temple.

Sa ika-apat hanggang ika-pitong biyahe ni Zheng He sa Pacific and Indian Ocean, ang kanyang pinakamalayong paglalakbay-dagat ay pagsadya sa African East Seashore. Nagdanas si Zheng He ng maraming kahirapan, sa kanyang 28-taong-paglalakbay-dagat, dumating siya ng mahigit 30 rehiyon't bansa na kinabibilangan ng Timog Silangang Asya, Timog Asya, Iran, Arabia at iba pa. Noong ika-anim na biyahe ni Zheng He, dumalaw minsan si Zheng He sa Bangladesh.

Ang pagdalaw ng fleet ni Zheng He ay nagdulot ng malawak na impluwensiya sa mga bansang Asyano at African inshore countries, at nais silang pumunta sa Ming Dynasty para makita ang Tsina.

Ang pitong ulit na biyahe ni Zheng He sa Pacific and Indian Ocean ay nagpalakas ng paguugnayan at pagpapalitan ng Tsina at ng iba't ibang bansang Asyano at Aprikano, at naawa ng mga mamamayan ng maraming bansang Asyano at Aprikano si Zheng He, mapagkaibigang sugong Tsino. Hanggang sa kasalukuyan, pinananatili ng ilang bansang Asyano at Aprikano ang maraming pamana na may kinalaman kay Zheng He.

Mula noong 1405 hanggang 1433, ang pitong ulit na pagdalaw ni Zheng He sa mahigit 30 bansa ay nagpalakas ng relasyong pangkaibigan ng mga mamamayang Tsino at ng mga mamamayang Asyano at Aprikano, at ipinakita nito ang mataas na teknika ng mga mamamayang Tsino sa mga aspektong kinabibilangan ng pagyari ng bapor, paglalakbay-dagat at iba pa, at nagpatunayan itong sa panahong iyon, ang paglalakbay-dagat ng Tsina ay nasa unang puwesto sa daigdig. Samantala, ipinakita nito ang mga tagumpay na nagtamo ang Tsina sa pulitika, kabuhayan at kultura bilang isang malakas na feudalistic country sa panahong iyon.