• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-12 18:18:36    
Ang kasalukuyan ng "Red Capital" – Yan'an

CRI

Sa kaniyang aklat na "Red Star Over China", maraming beses na nabanggit ni Edgar Snow, isang kilalang mamamahayag ng E.U. ang isang pulang lupa sa dakong hilaga ng lalawigang Shan'xi. Ang lupaing ito ay Yan'an. Dati, ang Yan'an ay isang di-kilalalang maliit na nayon sa Loess Plateau sa hilagang kanlurang Tsina. Ngunit, dahil matagumpay na nagtagpo roon ang mga tropa ng The Red Army pagkaraan ng kanilang Long March, naging kilalala sa buong daigdig ang Yan'an bilang Red Capital ng Tsina. Maraming taon na ang nakaraan. Ano na ang kasalukuyang kalagayan ng Yan'an?

Ang 82 taong gulang na si Xu Jinshan ay isang matandang residente ng Yan'an. Naranasan niya ang maraming mahahalagang pangyayaring pangkasaysayan ng Yan'an.

Naalaala niyang noong 1936, matagumpay na nagtagpo sa Yan'an ang mga tropa ng the Red Army pagkatagpos ng kanilang walang kasinghirap na long march. Noong panahong iyon, 10 taon pa lamang siya, ngunit, nag-iwan ng malalim ng impresyon sa kaniya ang tropang ito. Sinabi niya: "Noong panahong iyon, isang gabi, ilang sundalo ng Red Army ang nakiusap pansamantalang tumigil muna sa bahay namin. Biinalok sila ng tatay ko ng isang tupa pero tumanggi sila. Sinabi ng mga sundalo na hindi nila ito matatanggap at dapat itong bayaran, dahil mahigpit ang disiplina ng Red Army. Naglinis din sila sa bahay namin bago."

Naalaala pa ni Xu na ni minsan ay hindi ginulo ng Red Army ang mga residente sa kanilang lugar, bagkus, sa ilalim ng pamumuno ng partido komunista ng Tsina, buosng sikap na pinaunlad ng mga ito ang kabuhayan ng Yan'an at tinulungan rin ang mga taga-Yan'an para mapaganda ang kanilang pamumuhay.

Nitong mahigit 10 taon pagkaraan ng tagumpay ng Long March, dahil ang komite sentral ng Partido Komunita ng Tsina ay nasa Yan'an, ang lunsod na ito ay naging sentro ng buong Tsina. Ang mga patakaran hinggil sa paglaban sa pananalakay ng Hapon at digamaang mapagpalaya at iba pa ay panlahatang itinakda doon ng komite sentral ng partido.

Noong 1949, itinatag na ang bagong Tsina. Lumahok si Xu sa mga gawain ng rekonstrksyon sa Yan'an. Maraming lansangan at gusali ang itinayo sa lunsod na ito na maraming beses na binomba ng tropang Hapones. Umuunlad din ang industriya ng Yan'an, at marami ring itinayong pabrika doon. Noong katapusan ng ika-7 dekada ng nagdaang siglo, naglagay ng daam-bakal mula sa Yan'an sa Xi'an, punong lunsod ng lalawigan Shanxi at mga lansangan sa pagitan ng mga nayon ng Yan'an. Naging napakaginhawa ng komunikasyon.

Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, bumilis na ang pag-unlad ng kabuhayan sa Yan'an. Para mapangalagaan ang kapaligirang ekolohikal, buong sikap na pinaunlad nito ang kabuhayan ng prutas at maraming punong kahoy na mamumunga ang itinanim. Popular na popular ang mga prutas ng Yan'an sa buong bansa at maging sa daigdig. Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad din ang industriya ng langis ng Yan'an. Dahil sa mga ito, malaki ang inilaking kitang salapi ng Yan'an at tumaas din ang lebel ng pamumuhay ng mga residente nito.

Si Xu ay nagtrabaho sa pamahalaan pagkaraan ng liberasyon ng bansa, at nagretiro noong ika-9 dekada ng nagdaang taon. Sa kasaluluyan, kinasisisyahan niya ang kaniyang malayang retiradong pamumuhay. Napakaganda rin ng kalagayan ng kaniyang mga anak, sa kalahatan meron silang matatag na trabaho at masayang pamilya. Si Xu Xiaoli, busong anak na babae ni Xu, ay bumili ng isang bagong bahay. Sinabi niya: "bumili ako kamakailan ng bagong bahay na may mahigit 100 metro kuwadrado ang laki. Naghahanda na rin ako para simulan ang interior nito"

Sa kasalukuyan, pagkaraan ng kung ilampung taong pag-unlad, nasa unang GDP per capita ng Yan'an sa lalawigang Shanxi. Napakaganda ng mga lansangan ng lunsod na ito at marami rin ditong pamilihan at restawran.

Kauganay ng ika-3 henerasyon ng pamilya ni Xu, isinlaysay niya sa mamahayag na ang mga apo niyang lalaki o babae, kung hindi nagtatrabho ay nag-aaral sa Xi'an. Si Xu Zheng ay isa sa kanila. Nagtatrabaho siya sa isang organong pambatas. Sinabi niya: "Datapuwat umalis ako mula sa Yan'an, naiwan sa puso ko ang pulang lupa ng Yan'an. Para sa akin, Yan'an ay isang simbolo ng ari-ariang pandiwa."