• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-13 09:51:25    
Mga eksperto, lubos na pinapurihan ang pagtatanghal na pansining at pangkultura ng pambansang minoriya ng Tsina

CRI
Ipininid kamakailan dito sa Beijing ang 20 araw na ika-3 Pagtatanghal na Pansining at Pangkultura ng Pambansang Minoriya ng Tsina. 33 bilang ang itinanghal ng mahigit apat na libong alagad ng sining mula sa 56 na nasyonalidad ng Tsina sa mga manonood na Beijinger at ang lahat ng mga ito lubos na nagpapakita ng espesyal na katangian ng kultura at sining ng iba't ibang nasyonalidad.

Ang "Heaven Grassland" ay isang katutubong musika, awit at sayaw na itinanghal ng Song and Dance Group of Inner Mongolia. Ang Inner Mongolia ay nasa kahilagaan ng Tsina. Sa porma ng awit at sayaw, ipinakita ng "Heaven Grassland" ang espesyal na katangian ng mga minoriya na namumuhay sa Inner Mongolia. Kaugnay ng programang ito, sinabi ni Ginoong Ma Shengde, Pangalawang Puno ng Samahan para sa mga Sayaw ng Pambansang Minoriya ng Tsina na:

"Naipakita nang maganda ng pagtatanghal ang ilang uri ng awit at sayaw na nagmumula sa rehiyon ng Mongolia. Pagkaraang mapanood ko ang mga sayaw na ito, nakaramdam ako ng kasiglahan ng damdamin."

Nakaraan na si Ma Shengde sa tatlong pagtatanghal na pansining at pangkultura ng pambansang minoriya. Malalimang nakadama siya ng pagbabago sa bawat pagtatanghal. Noong unang pagtatanghal sa taong 1980, ipinakita pangunahin na, ang katangian ng sayaw; noong ikalawang pagtatanghal sa 2001, sinimulang ipakitay ang kasaysayan ng iba't ibang nasyonalidad ayon sa paksa ng mga pambansang minoriya; at noong ika-3 pagtatanghal, ang pagbabalik sa tradisyon ay nag-iwan sa kaniya ng malalim na impresyon. Sinabi niya:

"Karamihan sa mga bilang sa pagtatanghal na ito ay nag-ukol ng pansin sa katutubong kultura ng nasyonalidad, at ito ang pinakamabigat at pinakanangingibabaw na katangian ng pagtatanghal na ito."

Ang "Dance with Colorful Cloud" ng Yunnan Delegation ay lubos ding pinapurihan ng mga eksperto at manonood. Maraming nasyonalidad ay namumuhay sa Lalawigang Yunnan, at ang "Dance with Colorful Cloud" ay bilang ng nakakaraming nasyonalidad ng Yunnan. Naging mayaman at makulay ang nasabing pagtatanghal dahil sa iba't ibang katangian ng awit at sayaw ng iba't ibang nasyonalidad.

Ang "Peacock" ay isang sayaw ng nasyonalidad na Dai. Si Yang Zhou ay direktor at mananayaw ng sayaw na ito. Nang mabanggit ang kurso ng pagkatha, sinabi niya:

"Laging naghahanap ako ng paraan kung paanong mapangangalagaan at mapapaunlad ang aming katutubong kultura para maunawaan ng mga manonood ang kulturang ito. Kaya sa pagsasaayos sa programang ito, pinag-sama ko ang tradisyon at pagkamakabago."

Sa naturang pagtatanghal, ang disenyo ng damit ay nagsilbi ring isang pokus na pinag-uukulan ng pansin ng mga eksperto. Ipinalalagaya ni Ginoong Li Zhiliang, isang dalubhasa sa stage design ng Tsina na ang mga damit sa 33 bilang ay nagpapakita ng katangian ng nasyonalidad, rehiyon at siglo, at nakapagpasigla ito sa imahinasyong pansining ng mga alagad ng sining.