• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-16 18:15:30    
Oktubre ika-9 hanggang ika-15

CRI
Sa kanyang pakikipagtagpo noong Martes sa Beijing kay Antonio Santos, pangalawang kalihim ng tanggulang bansa ng Pilipinas na lumahok sa ika-2 pagsasangguniang pandepansa ng Tsina at Pilipinas, ipinahayag ni Cao Gangchuan, ministro ng tanggulang bansa ng Tsina, na umaasa siyang patuloy na mauunawaan at kakatigan ng Pilipinas ang Tsina sa isyu ng Taiwan. Sinabi ni Cao na pinapupurihan ng Tsina ang Pilipinas sa pananangan nito sa patakarang isang Tsina, at umaasa siyang patuloy na mauunawaan at kakatigan ng Pilipinas ang Tsina sa isyu ng Taiwan para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito. Ipinahayag din niyang nakahanda ang Tsina na palakasin ang aktuwal na pakikipagkooperasyon sa Pilipinas sa iba't ibang larangan. Ipinahayag naman ni Santos na nakahanda ang Pilipinas na magsikap kasama ng Tsina para mapangalagaan ang katatagan ng rehiyon at pasulungin ang magkasamang pag-unlad. Inulit ni Santos na buong tatag na nananangan ang kaniyang bansa sa patakarang isang Tsina.

Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si Premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Le Hong Anh, Ministro ng Seguridad ng Biyetnam. Sa pagtatagpo, lubos na pinapurihan ng Premyer Tsino ang mainam na pagtutulungan ng mga departamentong panseguridad ng Tsina at Biyetnam sa mga aspektong gaya ng pagbibigay-dagok sa krimeng transnasyonal. Sinabi naman ni Le Hong Anh na nakahanda ang kaniyang bansa na magsikap kasama ng panig Tsino para mabigyang-dagok ang mga krimeng kinabibilangan ng ilegal na paglabas-pasok sa hanggahan, drug smuggling at iba pa para mapangalagaan ang kaayusang panlipunan ng dalawang bansa.

Idinaos noong Martes sa Being ang ika-3 seminar ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Ang tema ng porum na ito ay "Tsina at ASEAN, bagong pagkakataon sa pagtutulungan". Mga 170 taong kinabibilangan ng mga opisiyal, talubhasa at mga mangangalakal ng Tsina at ASEAN ang lumahok sa porum, at tinalakay nila ang mga isyu ng kasaluluyang kalagayan ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN at iba pa. Sa kaniyang talumpati sa porum, ipinahayag ni Yin Zonghua, pangalawang direktor ng departamento hinggil sa mga suliranin sa pandaigdig na kalakalan at kabuhayan ng ministri ng komersyo ng Tsina, na ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't ASEAN ay hindi lamang magpapasulong sa kani-kanilang kabuhayan ng Tsina at ASEN at lalo pang magpapahigpit sa kanilang bilateral na relasyon, kundi magpapasulong din sa integrasyon ng kabuhayan ng silangang Asya, at magbibigay ng ambag para sa Asya at maging sa buong daigdig.

Nang kapanayamin ng mass media ng Tsina, ipinahayag noong Lunes ni Datuk Abdullah Haji Ahmad Badawi, punong ministro ng Malaysia na ang Tsina ay kaibigan ng ASEAN, hindi ito ay banta. Sinibi ni Badawi na nitong 15 na taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng Tsina at ASEAN, mabunga ang pagtutulungan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan at higit na masigla ang kabuhayan at kalakalan ng dalawang panig. Ipinahayag niya na naniniwala siya na ang pahalaga nang pahalagang papel ang Tsina sa daigdig, at ang pag-unlad ng Tsina ay makakabuti sa katatagan ng rehiyong ito.

Sa kanyang pakikipagtagpo noong isang linggo sa punong lunsod Nanning sa mga kinatawan ng 10 bansang ASEAN, ipinahayag ni Li Jinzao, pangalawang tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, na lilikha ang Guangxi ng mainam na kapaligiran para sa samit ng Tsina at ASEAN bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang relasyong pandiyalogo. Ipinahayag din ni Li na sa kasalukuyan, buong sikap na pinabubuti ng Nanning ang imprastruktura nito at gayun din ang mga pasilidad para sa mga pulong.

Sa isang news briefing na idinaos noong Biyernes sa Beijing, sinabi ni Tong Xiaoling, opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa Summit ng Tsina't Asean bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng dalawang panig, inaasahang makapagpapalabas ng magkakasanib na pahayag. Sinabi din ng opisyal na Tsino na sa naturang summit na gaganapin sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, sa ika-30 ng kasalukuyang buwan, babalik-tanawin at lalagumin ng mga kalahok ang hinggil sa kasaysayan ng pagkakaibigan ng Tsina't Asean at itatakda rin nila ang hinggil sa kanilang pagtutulungan sa hinaharap. Lalahok sa summit at lalagda sa magkakasanib na pahayag si Premyer Wen Jiabao ng Tsina at ang mga lider ng 10 bansang Asean.

Nilagdaan noong Martes sa Beijing ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Biyetnam at Laos ang kasunduan para matiyak ang hanggahan ng nasabing 3 bansa. Sinabi ng Ministring Panlabas ng Tsina na napakahalaga ng katuturan ng paglalagda ng kasunduang ito sa katatagan at kaunlaran ng mga purok-hanggahan ng 3 bansa.