• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-19 18:05:06    
Zhang Heshan, pangkaraniwang magsasakang boluntaryong nangangalaga sa Great Wall

CRI
Ang Great Wall ay isang wlaang katumbas na halagang mana ng Tsina at maging ng buong daigdig. Nitong ilang libong taong nakalipas, dahil sa paninira ng digmaan, ulan at hangin, nagtamo ng grabeng pinsala ang Great Wall. Pero sa kabutihang-palad, marami namang mamamayang Tsino ang kusang-loob na nangangalaga dito. Sa artikulong ito, isasalaysay ko sa inyo ang kuwento hinggil sa isang pangkaraniwang magsasakang mahigit 20 taon nang nangangalag sa Great Wall --- si Zhang Heshan.

Si Zhang Heshan ay isang pangkaraniwang magsasaka sa Cheng Ziyu, isang maliit na nayon sa lalawigang Hebei ng Tsina. Ang sinaunang Great Wall ay malapit na malapit sa nayong ito. Isinalaysay ni Zhang na ang kanunununuan ng lahat ng taga-nayon ay mga sundalong kabilang sa tropang pandepensa na nakatalaga sa Great Wall. Pagkaraan ng digmaan, tumira sila malapit sa Great Wall, kaya unti-unting nabuo ang nayong ito. Si Zhang ay isinilang at lumaki sa nayong ito, at nag-iwan ng malalim na bakas sa kaniyang buhay ang Great Wall. Sinabi ni Zhang na:

"Noong bata pa ako, lagi akong kinikuwentuhan ng tatay ko ng mga kuwento hinggil sa Great Wall. Maaring sabihing ako ay lumaki kasabay ng mga kuwento hinggil sa Great Wall, nag-iwan ito ng magandang alaala ng aking pagkabata."

Naalaala ni Zhang na noong panahong iyon, maganda ang kalagayan ng Great Wall sa kaniyang lupang tinubuan. Ngunit, dahil hindi lubos na nauunawaan ng mga taga-nayon ang kahalagahan ng pangangalaga sa Great Wall, unti-unting nasira ang mamahaling relikya. Nang makita niya ito, labis na nabahala si Zhang. Ipinalalagay ni Zhang na kailangang kailangang mpangalagaan ang Great Wall. Kaya, mula noong ika-8 dekada ng nagdang siglo, kusang-loob na sinimulan niyang pangalagaan ang Great Wall, at ipinagpatuloy niya ito sa loob ng mahigit 20 taon hanggang sa kasalukuyan.

Nitong 20 taong nakalipas, kailangang maglakad si Zhang araw-araw nang mahigit 10 kilometro para lamang masuri ang Great Wall. Lagi niyang pinaaalalahanan ang mga taga-nayon na huwag magkakawan ng tupa sa Great Wall o magsagawa ng iba pang aktibidad na posibleng makakaapekto rito. Bukod dito, pinagtutuunan din niya ng pansin ang bawat maliit na bagay na gaya ng pagpulot ng mga basura na naiwan ng mga turista sa Great Wall, pag-aalis ng mga palumpong sa Great Wall, paglilinis sa mga nabarahang labasan ng tubig at iba pa.

Sa proseso ng pangangalaga sa Great Wall, nagkaroon din si Zhang ng malaking pagkahilig sa kasaysayan at arkeolohiya ng Great Wall. Para makakuha ng first-hand data hinggil sa Great Wall, sinukat niya, kasama ng anak na lalaki, ang lahat ng mga bahagi ng Great Wall sa kaniyang lupang tinubuan metro por metro. Sumulat din siya ng ilang artikulo hinggil sa Great Wall. Nakatawag ito ng pansin ng sirkulo ng mga dalubhasang nag-aaral sa Great Wall. Noong 2002, natanggap siya bilang kasapi ng The Great Wall Society ng Tsina at naging kauna-unahang magsasakang kasapi ng samahang ito.

Lubos na pinapurihan si Zhang ni Dong Yaohui, pangkalahatang kalihim ng nasabing samahahan. Sinabi niya:

"Nitong mahabang panahong nakalipas, gaya rin ni Zhang, walang sawang pinangangalagaan ang Great Wall ng iba pang mamamayang Tsino na nakatira sa mga nayong malapit sa Great Wall. Sila ay tunay na pangunahing puwersang tagapangalaga nito, at ang kanilang aksyon ay nagpapakita ng kanilang komong pagmamahal sa kanilang lupang tinubuan, inang bayan at lahi."

Ang aksyon ni Zhang ay nakatawag din ng pansin ng mga kaibigang dayuhan. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 1000 kaibigang dayuhan na galing sa E.U., Norway, Sweden at iba pang bansa ang nakapunta na sa bahay ni Zhang para makinig sa kuwento niya hinggil sa Great Wall. Pagkaraang mapakinggan ang kuwento ni Zhang, sinabi ni Sebashan Winnen, isang turistang galing sa Alemanya na:

"Buong pagmamalaking isinalaysay ni Zhang sa akin kung papaano niya pinangangalagaan ang Great Wall. Lubos na ikinasindak ko ang mga ito. Pinagtutuunan niya ng pansin, ultimo iyong maliliit na bagay. Lubos na naantig ang aking damdamin nang malamang kong maraming pangkaraniwang mamamayang Tsino ang nangangalaga sa Great Wall."

Hanggang ngayon, naglakad pa rin si Zhang patungo sa Great Wall araw-araw at sumama na rin sa kaniyang Gawain ang anak niyang lalaking si Zhang Xiaoguang. Ang kanilang pianakamalaking komong hangarin ay mahimok ang mas marami pang mamamayang Tsino na pag-aralan at pangalagaan ang Great Wall.