|
Nahukay ng mga aekeologong Tsino ang kinatatayuan ng dalawang altar at isang grupo ng mga kadikit na gusali sa Zhongshan Hill ng Lunsod ng Nanjing. Sumasaklaw sa lawak na 20,000 metro kuwadrado at may north-south axis na umaabot sa mahigit tatlong daang metro, ang naturang lugar ay nanatili sa pagitan ng huling panahon ng silangang dinastiyang Jin (AD 317- 420) at sa panahon ng Song (AD 420- 479) ng katimugang dinastiyang Song (AD 420- 589). Ito ay kumpirmadong siyang pinakamaagang lugar ng sinaunang altar building na natagpuan sa Tsina.
Ang ikalawa ay ang lugar ng Lin'an City Hall ng Katimugang Dinastiyang Song (1127- 1279) sa Lunsod ng Hangzhou, Lalawigang Zhejiang.
Ang Lin'an ay isa sa mga matandang katawagan sa kasalukuyang Hangzhou, kabisera ng Lalawigang Zhejiang sa Silangang Tsina. Ito ang kabisera ng Katimugang Dinastiyang Song.
Ayon sa mga dokumentong pangkasaysayan, ang Lin'an City Hall ay itinayo noong taong 1130 at naging sentrong pampulitika ng lunsod sa loob ng 780 taon.
Noong Mayo at Hunyo ng taong 2000, natagpuan ng mga arkelogo ang kinatatayuan ng mansiyon. Nakahukay sila ng lawak na mahigit 1070 metro kuwadrado at natagpuan ang mga labi ng kaugnay na mga gusali na kinabibilangan ng isang bulwagan, isang patyo, isang hardin, isang side hall at mga makipot na daanan o alleyways. Nakahukay sila ng malaking bilang ng mga bahagi ng mga gusali, mga pang-araw-araw na gamit na kasangkapan at mga kagamitan para sa pagsasanay ng mga sundalo.
Ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang mga natuklasan ay isang mahalagang breakthrough para sa arkeolohiya ng sinaunang Lunsod ng Lin'an.
Ang ikatlo nangungunang tuklas ay ang mga guho ng Ruguan porcelain kiln (isang hurno pag-aari ng estado na tanging gumagawa ng mga bagay na porselana para sa pamilya ng hari) sa Qingliangsi, Baofeng ng Lalawigang Henan.
Ang mga arkeologong lokal ay nakahukay ng apat na raa't pitumpu't limang metro kuwadradong lawak sa mga guho ng hurno ng gobyerno at natagpuan ang purok na pamproduksiyon ng bantog na hurno. Nilinis ng mga arkeologo ang labinlimang hurno, dalawang gawaan, dalawampu't dalawang clay pits, isang balon at malaking bilang ng mga bahagi ng mga bagay na porselana. Karamihan sa mga ito ay bago at may pambihirang hugis na porselana.
Ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang pagkatuklas ay may mahalagang kahulugan sa pananaliksik na may kinalaman sa porselana.
|