• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-03 19:35:48    
Pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Aprika, walang humpay na sumusulong

CRI
Nitong 50 taong nakalipas sapul nang itatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Aprika, walang humpay nang sumulong ang pagpapalitang pangkultura ng dalawang panig at humigpit ang paguunawaan at pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan. Kamakailan lamang, idinaos dito sa Beijing ng mga grupong pansining at mga alagad ng sining na galing sa limang bansang Aprikano na gaya ng Ehipto at Timog Aprika ang isang espesyal na pagtitipon na pinamagatang "African Night".

Itinatanghal ng grupong pansining ng Umkhonto ng Timog Aprika ang Live Theatre na pinamagatang "Cultural Beauty". Sa pamamagitan ng makulay na musika at sayaw, ipinakita ng mga alagad ng sining ang iba't ibang katutubong kultura ng Timog Aprika. Ang marubdob na palabas ng mga alagad ng sining ay nagkatimo sa damdamin ng bawat manonood. Pagkaraan ng palabas, kinapanayam ng mamamahayag ang ilang manonood na Tsino.

"Sa palagay ko, ang kanilang palabas ay lubos na nakakaantig, dahil mayroon silang angking talino. Gulat na gulatt ako, nadama ko sa kauna-unahang pagkakataon, ang tulay na kasiglahan ng buhay."

Bukod sa mga palabas na ibinigay ng mga grupong pansining at mga alagad ng sining na galing sa limang bansang Aprikano na kinabibilangan ng Ehipto, Timog Aprika, Mauritius, Gabon at Congo, itinanghal din sa China National Museum ang eksbisyon hinggil sa sining ng Aprika na may pamagat na "Mula sa Aprika".

Ito ay isang maliit na climax lamang ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Aprika. Sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, madalas ang paglitaw ng mga climax sa ganitong pagpapalitan ng magkabilang panig. Sa mga aktibidad noong taong 2004, ang mahigit 200 alagad ng sining na galing sa siyam na bansang Aprikano ay magkakahiwalay na nagtanghal sa mga purok ng Tsina na gaya ng Changsha, Hengyang, Yueyang at Louyang ng Lalawigang Hunan. Samantala, nagpadala ang Tsina ng maraming grupong pansining sa mga bansang Aprikano para pagdaraos ng aktibidad na tinawag na "Chinese Culture's Tour to Africa". Ang naturang mga malalaking aktibidad na pangkultura ng Tsina at Aprika ay sumaklaw sa 27 bansa't rehiyon ng Aprika na nakatawag ng malaking pansin ng Tsina at iba't ibang bansang Aprikano.

Malapit ang Aprika sa Tsina pero hindi maginhawa ang komunikasyon. Ngunit nitong 50 taong nakalipas, sa ilalim ng magkakasamang pagsulong at pagkatig ng Tsina at iba't ibang bansang Aprikano, napanatili nang maganda ang tunguhin ng pag-unlad ng pagpapalitang pangkultura ng magkabilang panig. Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 156 ang bilang ng mga nalagdaang kasunduang pangkultura ng Tsina at mga bansang Aprikano, at umabot din sa halos 230 ang kanilang mga delegasyong pampamahalaan na dumalaw sa isa't isa.

Bukod sa mga opisyal na aktibidad, dumarami nang dumarami rin ang mga aktibidad ng di-pampamahalaang pagpapalitang pangkultura. Noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, ang mag-asawang sina Li Songshan at Han Rong, ay pumunta sa Tanzania at nagsikap sila para makakolekta at mapag-aralan ang local Makonde Woodcarving. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 10 libong Makonde Woodcarving na ang nakolekta at nakapagbukas sila ng Makonde Arts Museum sa lokalidad, at magkakasamang itinatag nila ng mga alagad ng sining ng bansang ito ang "Tanzania National Makonde Arts Association" para mapasulong ang pagpapalitang pansining ng Tsina at Aprika. Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi ni Ginoong Li Songshan na malakas ang pang-akit ng kulturang Aprikano. Sinabi niya na,

"Napakalakas ng pang-akit ng kulturang Aprikano. Ang Aprika ay rehiyong sinilangan ng sangkatauhan at nag-aangkin ito ng maraming espesyal na bagay na karamihan ay pinag-uugatan ng sining ng sangkatauhan."

Sapul nang pumasok ang bagong siglo, sa ilalim ng balangkas ng Porum Pagtutulungang Sino-Aprikano, napasulong na nang malaki ang relasyong pangkultura ng magkabilang panig. Sinabi ni Ginoong Xie Fei, isang opisyal ng Ministri ng Kultura ng Tsina na,

"Palagiang umuunlad ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Aprika. Nitong ilang taong nakalipas sapul nang itatag ang Porum ng Pagtutulungang Sino-Aprikano, lumitaw na ang maliwanag na pagbabago. Una, naging mas madalas ang kanilang pagpapalitan; Ikalawa, naging mas malawak ang saklaw at impluwensiya ng kanilang pagpapalitan."