• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-06 19:22:40    
Huanglong--Isang State Level Scenic Area sa Tsina

CRI
Ang Huanglong na isang State level scenic area sa lalawigang Sichuan sa gawing timog kanluran ng Tsina ay ipininid sa mga turista upang makumpuni ito na siyang kauna-unahang nangyari sa industriya ng turismo ng Tsina.

Ang Huanglong na tahanan ng karamihan sa mga natatanging bio-diversity sa daigdig ay tumatanggap ng 830,000 turista sa pagitan ng buwan ng Abril at Nobyembre ng bawat taon. Gayunman, nagbabala ang mga eksperto ng industriya ng turismo na ang ecological resources ng Huanglong ay marupok na at hindi na puwedeng buhaying muli. Kaya iminungkahi nilang ang naturang scenic site ay dapat ipnid sa taglamig para sa pagpapagaling nito nang mapabilis ang pangangalaga, matagalang pagpapasulong at mabisang paggamit ng local tourism. Tinanggap din ng organong administratibo ng scenic site ng Huanglong ang kanilang mungkahi.

Dahil sa biglang pagyabong ng winter tourism sa buong bansa, nalugi ng 5 milyong yuan ang Huanglong sa pagkakatigil ng apat na buwang negosyo nito hanggang noong katapusan ng Marso.

Gayunpaman, pinuri ng mga eksperto ang kanilang ginawa sa pagsasabing ito'y para sa mabuting layunin, dahil ang gayong mga hakbangin para sa malawakang konserbasyon ng kapaligiran ay makakabuti sa Huanglong sa katagalan ng panahon.

Nakatuon sa pagpapaunlad ng winter tourism, ang timog kanluran ng Tsina na dating kilala sa Summer at Autumn tourism nito ay nagpaplanong kalakalin nang husto ang masaganang tourism resources nito.

Ang Hilagang-lanluran ng Tsina, lalong lalo na ang mga lugar sa kahabaan ng Silk Road ay siyang kinaroroonan ng maraming cultural site na bukas sa mga turista sa buong taon. Kaya ang mga taong interesado sa kasaysayan at kultura ay nakakabisita at nakapag-eenjoy dito sa mga lugar na ito kahit na sa tag-lamig, ang wika ni Zhang Lintao, isang opisyal ng Departamento ng pagpapasulong ng Turismo at pandaigdig na Komunikasyon ng Panlalawigang Administrasyon ng turismo ng Gansu.

Ipinalalagay ni General Manager Bi Xiaoning na Sangay sa Gansu ng International Travel Service ng Tsina na malaki ang potensiyal ng pantaglamig ng turismo sa hilagang kanluran ng Tsina. Bukod sa mga cultural site, ang ilang espesiyal na tourism package dito ay kinabibilangan ng ekspidisyong pang-arkeologo sa Silk Road at ang malawak na disyerto, na hahamon sa mas maraming mapagsapalarang turista.

May ilang travel service na nakabase sa hilagang kanluran ng Tsina ang nagdedevelop ngayon ng mga pinakamabuting produkto at serbisyo para sa turismong pantaglamig. Halimbawa, pinalakas ng Sangay sa Gansu ng China Travel Service ang overseas promotion ng Grand Buddist Service na ginanap sa Lapuleng Monastery sa timog Gansu at umaasang makapagsasaayos ng paglalakbay sa Tibetan Sunning Festival sa panahon ng Pantagsibol na Kapistahan.

Ang Grand Valley ay isang dinarayong tourist spot sa Turpan ng Xinjiang. Gayunman, nagpupunta lamang doon ang mga turista tuwing dalawang buwang panahon ng pamimitas ng ubas. Upang makaakit ng mas maraming turista sa nalalabing buwan ng taon, nag-invest ang mga negosyante sa lokalidad ng mahigit 5 milyong yuan sa pagdedevelop ng ilang tourism package na may kinalaman sa Silk Road at Uygur custom, na mabisang nagpasigla sa local tourism ng nakaraang taglamig.