Sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo sa Nanning ng Tsina ngayong araw30 si premiyer Wen Jiabao ng Tsina kay pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas punong ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore, pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya, punong ministrong Datuk Abdullah Haji Ahmad Badawi ng Malaysia at punong ministrong Hun Sen ng Cambodia. Ang naturang 5 lider ay nasa Nanning para lumahok sa summit bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Asean. Sa pagtatagpo, lubos na pinahahalagahan nina Wen at naturang 5 lider ang mainam na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Asean. Sinabi ng premiyer Tsino na nakahandang makipagpalitan sa mga lider ng iba't ibang bansa ng Asean ng mga palagay hinggil sa kongkretong isyu para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng relasyong pangkooperasyon ng Tsina at iba't ibang bansa ng Asean. Ipinahayag din ng 5 lider sa naturang pagtatagpo na ang naturang summit ay isang mahalagang pulong, mataas na pinahahalagahan ito ng iba't ibang panig at nakahandang magkakasamang magsikap para maigarantiya ang tagumpay ng summit na ito upang pasulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at Asean sa isang bagong yugto.
Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw30 sa Nanning kay pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na mahalaga ang magkakasanib na paggagalugad ng Tsina, Pilipinas at Vietnam sa South China Sea sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at pagtutulungan ng tatlong bansa.Sinabi rin ni Wen na natamo na ng paggagalugad ng tatlong bansa ang bunga sa isang yugto at dapat talakayin sa lalong madaling panahon ang plano ng kooperasyon sa susunod na yugto para matamo ang substansiyal na progreso. Ikinasisiya naman ni Arroyo ang natamong bunga ng tatlong panig at sinabi niya na nakahanda ang Pilipinas na talakayin, kasama ng mga may kinalamang panig, ang kooperasyon sa susunod na yugto.
Idinaos kaninang hapon30 sa Nanning ang China-Asean Commemorative Summit bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Pandiyalogo o dialogue relations ng dalawang panig. Lumahok dito sina Premyer Wen Jiabao ng Tsina at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas at gayundin ang iba pang mga lider Asean. Sa ngalan ng panig ng Asean at Pamahalaang Tsino, magkasunod na bumigkas ng talumpati sina Pangulong Arroyo at Premyer Wen. Kaugnay ng relasyong Sino-Asean, sinabi ni Pangulong Arroyo na: Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Premyer Wen na salamat sa magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, marami silang natamong bunga sa larangan ng pulitika, kabuhayan, kalakakan at seguridad na pampubliko at iba pa. Hinggil sa pag-unlad sa hinaharap ng dalawang panig, iminungkahi niya na: "Dapat pagyamanin pa ang pagtutulungang Sino-Asean, magkasamang pangalagaan ang seguridad, pahigpitin ang pagpapalitan para magkasamang makalikha ng magandang hinaharap". Sinimulan ang relasyong pandiyalogo ng Tsina't Asean noong 1991. Noong 2003, itinatag ng dalawang panig ang estratehikong partnership na nakatuon sa kapayapaan at kasaganaan. Nitong 15 taong nakalipas, malalim ang kanilang pagtutulungan sa larangan ng pulitika, kabuhayan, kalakalan, seguridad, kultura at iba pa.
Lumagda ngayong araw30 sa Nan'ning ang Tsina at ASEAN ng isang "Magkasanib na Pahayag". Ipinalalagay ng pahayag na ang pagpapaunlad ng estratehikong partnership na pangkapayapaan at pangkasaganaan ng Tsina at ASEAN ay hindi lamang malakas na nagpasulong sa kani-kanilang pag-unlad at nagdulot ng mga aktuwal na interes sa mga mamamayan ng dalawang panig, kundi nagbigay rin ng mahalagang ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito at maging ng buong daidig. Binigyang-diin ng pahayag na patuloy na palalakasin ng Tsina at ASEAN ang kanilang pagtutulungang panrehiyon at pandaigdig sa larangan ng pulitika, seguridad, kabuhayan, kultura at iba pa at lalo pang pahihigpitin ang kanilang pagtitiwalaan at pag-uunawaan para angkop sa target ng estratehikong partnership ng dalawang panig ang kalaliman at saklaw ng kanilang pagtutulungan at ibayo pang mapasulong ang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong ito.
Idinaos ngayong araw31 sa Nanning, kapital ng rehiyong autonomo ng Guangxi sa timog kanluran ng Tsina ang 4 na araw na ika-3 China-Asean Expo, Caexpo. Dumalo ng seremonya ng pagbubukas sina premyer Wen Jiabao ng Tsina at Gloria Macapagal Arroyo, pangulo ng Pilipinas, kasalukuyang bansang tagapagpangulo ng Asean at iba pang lider ng mga bansang Asean. Bumigkas si Wen ng talumpati sa seremonya na ang magkasamang paghohost ng mga pamahalaan ng Tsian at 10 bansang Asean ng Caexpo ay nagpakikita ng tapat na mithiin ng 2 panig na gamitin ang pagkakataon para palalimin ang kooperasyon at itinatag nito ang plataporma para sa komong kapakinabangan at win-win situation, kooperasyon at pag-unlad at pinasulong din nito ang aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Asean sa kalakalan, pamumuhunan, turismo at iba pang larangan. Umaasa rin si Wen na patuloy na magsisikap ang 2 panig para maisakatuparan ang target na lumampas sa 200 biliyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan sa 2010. Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Arroyo na walang humpay na lumalaki ang kalakalan ng Tsina at Asean, lumalaki rin ang pamumuhunan ng mga bansang Asean sa Tsina, umaasa ang Asean na mapapalaki ng Tsina ang pamumuhunan sa Asean.
Idinaos ngayong araw31 sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang ika-3 China ASEAN Business and Investment Summit. Lumahok sa seremonya ng pagbubukas sina premyer Wen Jiabao ng Tsina at pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas at ang mga lider ng iba pang bansang ASEAN. Sinabi ni Wen sa seremonya ng pagbubukas na nitong ilang taong nakalipas, napakabilis ng pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag niya na sa hinaharap, dapat ibayo pang palawakin ng dalawang panig ang saklaw ng kalakalan, palalimin ang kooperasyon sa pamumuhunan at tuluy-tuloy na pataasin ang lebel ng kooperasyon sa teknolohiyang pangkabuhayan para maitatag ang de-kalidad na malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Sinabi naman ni Arroyo na ang summit na ito ay isang mainam na plataporma kung saan maaaring magkaroon ang mga mamumuhunan ng mabungang pag-uusap at pagpapalitan. Ipinalalagay din niya na ang naturang summit ay magpapasulong sa estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN at sa pamamagitan nito, makakalahok nang mas mabuti ang mga bansa ng rehiyong ito sa kooperasyong pangkabuhayan ng buong daigdig.
Sa katatapos na ika-3 China ASEAN Expo, nakagawa ng malaking breakthrough ang Tsina at Pilipinas pagdating sa halaga ng narating na mga kasunduan. Dalawang proyekto ang narating ng mga bahay-kalakal na Tsino at Pilipino na nagkakahalaga ng 35 milyong Dolyares at 25 milyong Dolyares ayon sa pagkakasunod. Napag-alamang noong unang CAEXPO, kumita ang delegasyon ng Pilipinas ng 127 libong dolyares. Noong ikalawa naman, 1.71 milyong dolyares.
|