• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-13 14:53:10    
Green tea industry ng Tsina

CRI
Ang Tsina ay lupang-tibubuan ng tsaa, at mayroon itong mahabang kasaysayan ng tsaa. Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, pinag-uukulan nila ng mas malaking pansin ang kanilang kalusugan. Bilang isang green, hygienical beverage, nagugustuhan ng maraming tao ang tsa. Ngayon, halos lahat ng lunsod sa Tsina ay mayroong teahouse. Dito sa Beijing, mainam na mainam ang negosyo ng mga teahouse. Sinabi sa mamamahayag ni madam Guo Ling, maneger ng Wu Yutai teahouse na:

"Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na tumataas ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tsaa. Ayon sa pagtasa, lumalaki nang 10% bawat taon ang bahagdan ng kabuuang bolyum ng aming benta, at sa kasalukuyan, bumubuti nang bumubuti ang tunguhin ng pagbebenta ng tsaa."

Ang mga mamamayang Tsino na nagmamahal sa tsaa ay walang humpay na nagpapasulong sa pag-unlad ng tea industry ng Tsina. Ayon sa estatisdika, hanggang nakaraang taon, umabot sa mga 1.2 milyong hektarya ang saklaw ng tea garden sa Tsina na nasa unang puwesto sa daigdig, at lumilikha ito ng mahigit 700 libong toneladang tsaa bawat taon. Umabot sa 34 bilyong Yuan RMB ang kabuuang halaga ng tea industry.

Kasabay ng walang humpay na paglaki ng pangangailangan ng mga mamamayang Tsino sa tsaa, lumalaki rin ang pangangailangan nila sa kalidad ng tsaa. Pinag-uukulan nila ng pansin hindi lamang ang kalidad ng tsaa, kundi maging ang kurso ng paglikha at kapaligiran ng pinanggagalingan ng tsaa. Ang nasabing bagong tunguhin ng pangangailangan ay direktang nakapagpasulong sa pagtahak ng tea industry ng Tsina sa landas ng pangangalaga sa kapaligiran.

Sinabi sa mamamahayg ni madam Wang Xia, namamahalang tauhan ng kompanyang tagagawa ng Tsina mula sa lalawigang Yun Nan ng Tsina na upang mabigyan ng high quality tea ang mga mamimili, iginigiit nila ang pagtatatag ng tea base sa alps kung saan walang polusyon.

Upang maging istandard ang tea industry, nagsasagawa ang pamahalaang Tsino ng maraming hakbangin. Sa "clean production law", mayroong espesyal na probisyong pumipigil sa labis na paggamit ng mga tea-farmer ng pesticide. Itinatadhana rin ng may kinalamang departamento ng Tsina ang maraming proyektong may kinalaman sa pagsusuri sa digri ng polutant sa tsaa, at kung masusuri ang mga tsaa, mabebenta sila sa pamilihan. Upang maigarantiya ang kalidad ng tsaa, sa kasalukuyan, lahat ng mga kompanya ng tsaa sa Tsina ay gumagamit maraming sulong na teknolohiya.

Bukod dito, para sa ilang kilalang tsaa, nagsasagawa ang Tsina ng protectionism. Kaugnay nito, sinabi ni Ginoong Qi Guowei, presidente ng Long Jing Tea Limited Company na:

"Ang nilalaman ng protectionism au kinabibilangan ng: una, tiyakin ang saklaw ng Long Jing tea sa West Lake na ito ay 168 sq. km.; ikalawa, limitahan ang taunang ani ng Long Jing tea; ikatlo, magtatag ng specialized shop para makilala ng mga mamamayan ang tunay na Long Jing tea."

Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na tumataas din ang bilang ng pagbebenta ng tsa ng Tsina sa ibayong dagat. Sinabi ni Ginoong Yang Shengjun, pangalawang puno ng China Chamber of Commerce on Food Imports and Exports na noong nagdaang taon, umabot sa 260 libong tonelada ang pagluluwas ng Tsina ng tsa na nasa ikatlong puwesto sa daigdig. Sinabi niya:

"Kilalang kilala ang kalidad at lasa ng tsaa ng Tsina sa daigdig. Kasabay ng pagpapataas ng bilang ng tea industry, nagsisikap kami at ang aming industriya, bahay-kalakal at pamahalaan para mapataas ang kalidad nito, at nang sa gayo'y makabuti ang aming paninda sa kalusugan ng mga mamamayan ng ibang bansa."

Ipinahayag ni Ginoong Yang na sa hinaharap, sasamantalahin ng Tsina ang bentahe ng yaman para mapataas ang value added ng tea production, kasabay nito, patuloy na pauunlarin nito ang organic tea para masiyahan ang mga mamamayan ng ibang bansa.