• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-13 14:54:09    
Nobyembre ika-6 hanggang ika-12

CRI
Ayon sa ulat ng media ng Pilipinas, dahil nagkaloob ang Pilipinas ng visa on arrival sa mga turistang Tsino, lumaki nang 50% ang mga turistang Tsino na naglalakbay sa Pilipinas at may pag-asang aabot sa mahigit 150 libo person time. Sinabi ng embahador ng Pilipinas sa Tsina na magtatangka ang kanyang bansa na humikayat ng 10% turistang Tsino, at sa kasalukuyan, umabot lamang 2%, malaki ang espasyo ng paglaki nito.

Kinatagpo kahapon5 sa pambansang asemblya ng Thailand ni Meechai Ruchuphan, tagapangulo ng National Legislative Assembly si Bai Lichen, dumadalaw na pangalawang tagapangulo ng pulitikal na konsultatibong kapulungan ng mga mamamayang Tsino, CPPCC. Sa kanilang pagtatagpo, ipinahayag ni Bai Lichen na ang Thailand ay pangkaibigang kapitbansa ng Tsina, nakahanda ang CPPCC kasama ng asembleyang Thai na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang antas para magbigay ng positibong ambag sa relasyong Sino-Thai. Ipinahayag ni Meechai na ang Tsina ay tunay na kaibigan ng Thailand, nagpapanatili ang asembleyang Thai ng mainam na pagpapalitan at pagpapalagayan sa pambansang kongresong bayan ng Tsina, CPC at CPPCC.

Ipininid kamakailan ang peryang pangkalakalan at panturismo ng hanggahan ng Tsina na magkasamang itinaguyod ng dalawang lunsod sa hanggahan- Dongxin ng Tsina at Awn Street ng Biyetnam. Ayon sa estadistika, umabot sa 1.1 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga kasunduan na nalagdaan sa nasabing perya. Ang tema ng perya ay "mutuwal na kapakinabangan, kooperasyon, komong pag-unlad". nakahikayat ito ng maraming delegasyon mula sa mainland ng Tsina, Biyetnam, Britanya at iba pang bansa at rehiyon. Ang Dongxin at Awn Street ay dalawang lunsod sa hanggahang Sino-Biyetnames. Nitong nakalipas na ilang taon, mabilis ang pag-unlad ng kabuhayang pangkalakalan at panturismo ng mga ito.

Nilagdaan kamakailan ng China National Machinery Industry Cooperation (CNMIC) at panig Pilipino ang balangkas ng kasunduuan para sa ika-2 yugto ng proyekto ng daambakal sa hilagang Luzon ng Pilipinas. Nauna rito, napasimulan na ang unang yugto ng proyektong ito. Napag-alamang ang daambakal na ito ang pinakamalaking construction project na tulong ng Tsina sa Pilipinas.

Para maisakatuparan ang komong palagay na narating noong Agosto ng taong ito ng mga lider ng Tsina at Biyetnam, itinakda ng dalawang pamahalaan na idaos ang kauna-unahang pulong ng lupong tagapatnubay ng bilateral na pagtutulungang Sino-Biyetnames sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam, sa ika-11 ng buwang ito. Ipinatalastas ang naturang balita dito sa Beijing ngayong araw17 ni Jiang Yu, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina. Sinabi niyang magkasamang pangunguluhan ang naturang pulong nina Tang Jiaxuan, kasangguni ng konseho ng estado ng Tsina, at Pham Gia Khiem, pangalawang punong ministro at ministrong panlabas ng Biyetnam.

Binuksan kahapon7 sa Shanghai ng Tsina ang ika-2 pulong ng konsultasyong mekanismong pandagat ng Tsina-ASEAN. Dumalo sa pulong ang mga puno ng mga departamentong namamahala usaping pandagat mula sa 10 bansang ASEAN, 23 opisyal ng Sekretaryat ng ASEAN at mga mataas na opisyal ng Tsina. Ang konsultasyong mekanismong pandagat ng Tsina-ASEAN ay plataporma ng kooperasyon at pagpapalitan ng impormasyon sa larangan ng seguridad na pandagat, katiwasayang pandagat at pangangalaga sa kapaligirang pandagat ng mga departamentong namamahala usaping pandagat mula sa Tsina at mga bansang ASEAN.

Dumating kahapon8 sa Phnom Penh, punong lunsod ng Cambodia ang delegasyon ng "China-ASEAN Friendship Tour", at nagdaos sila ng mga aktibidad na pangkaibigan sa ilang organisasyong lokal. Si Princess Norodom Bopha Devi, direktor ng samahang Kambodiyano sa pagkakaibigan ng Kambodia at Tsina, ang lumahok sa nasabing aktibidad, samantala, umaasa siyang ang aktibidad na ito ay magpapasulong ng turismo, pamumuhunan, at kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Kambodia.

Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon dito sa Beijing kay Pham Ehe Duyet, tagapangulo ng presidium ng sentral na lupong ng Vietnam Fatherland Front (VFF), ipinahayag ni Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino CPPCC, na sa kasalukuyan, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Biyetnam, ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig ay tuluy-tuloy na lumilikha ng rekord sa kasaysayan, nalutas na ang isyu ng hanggahang panlupa at Baibu Gulf, natamo ng magkasamang paggagalugad sa South Sea ang positibong progreso. Umaasa siyang lalo pang palalakasin ng CPPCC at VFF ang pagpapalitan at kooperasyon sa iba't ibang antas at larangan at magkasamang magsisikap para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Pham The Duyet na nakahanda ang VFF na lalo pang magsikap para palakasin ang pakikipagpalitan at pakikikooperasyon sa CPPCC at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Biyetnam sa mas mataas na lebel.

Sa kaniyang pakikipagtagpo kahapon9 sa Beijing sa delegasyon ng kabataang Biyetnames, ipinaabot ni Li Meng, pangalawang tagapangulo ng pulitikal na konsultatibong kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, unang una na ang kaniyang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng ika-7 pagtatagpong pangkaibigan ng mga kabataan ng Tsina at Biyetnam. Umaasa rin siyang aktibong makalalahok sila sa usaping pangkaibigan ng kanilang mga bansa para mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibong relasyong pangkooperasyon at pangkaibigan ng mga ito, at makapagbibigay ng mahalagang ambag sa realisasyon ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Biyetnam sa hene-henerasyon.