• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-27 16:12:41    
Beijing Duck

CRI
Marahil ay napagtanto na mga nakapamasyal sa Beijing ang kasabihang "Ang hindi nakaakyat sa Great Wall ay hindi isang tunay na lalaki at ang hindi nakakain ng Beijing duck ay tiyak na manghihinayang." Ikukuwento namin sa inyo ang tungkol sa letsyong pato ng Beijing na sa karaniwa'y tinatawag na Beijing Duck. Kilala na ito sa loob at labas ng Tsina.

Noon pa mang may 700 taon na ang nakalilipas, ang Beijing duck ay isa nang mahalagang putahe sa hapag kainan ng mga imperyal na opisyal sa Beijing. May dalawang paraan ang pag-ihaw ng Letsyong pato sa Beijing. Ang isa'y tinatawag na ming lu o gualukawya, ibig sabihin ay ibinititin ang pato sa ibabaw ng hurnong nakikita ang ningas ng apoy na ang panggatong aypuno ng Chinese date o ng peach. Ang paraang ito'y ginaya mula sa pag-ihaw ng letsong baboy sa imperyal na kusina. Ang isa pang paraan ay tinatawag na menlukawya Ibig sabihin ay hindi nakikita ang ningas ng apoy sa hurno Sa paraang ito, iniihaw ng pato sa init ng hurno. Sa umpisa'y napakainit ng hurno, pagkatapos ay unti-unting luma; anig ng hurno hanggang sa maluto na ang pato. Malutong ang balat ng inihaw na pato' mataba man ay hindi nakasaswang kainin.

Ang Restuarang Baiyifang sa Beijing ay may mahigit sa 600 taon nang kasaysayan sa pag-ihaw ng Letsyong pato.

Sa pagpasok sa restuaran, damang-dama ang katangian ng kulturang silanganin. Nakasabit sa gitna ng restuaran ang itim na karatulang kinasusulatan ng malagintong titik Tsino, Baiyifang. Ang restuaran ay napalalamutian ng magagandang parol Tsino. Ang mga barakilan ay ginuhitan ng mga makukulay na larawan. Ang apat na sumusuhay na pulang haligi ay inukitan ng mga bulaklak. Talagang maringal.

Ayon sa manidyer ng restuaran, na si Mr. Song Yan, ang katngian ng kanilang restuaran ay ang menlukawya. Sinabi niyang,

"Ang katangian ng menlu ay hindi nakikita ang ningas ng apoy ng hurno. Iniihaw ang pato sa pamamagitan ng init ng hurno. Pinababayaang bumama ang temperatura ng hurno hanggang sa maluto na ang pato. Mas mahirap ito kaysa sa pag-ihaw sa ibabaw ng ningas ng apoy. Ang naihaw na pato sa paraang ito'y malutong ang balat at malambot ang laman ng pato. Masarap ang lasa.makintap at medyo pula ang kulay. Pinipiling maigi ang ileletsong pato."

Liban dito, may isa pang restuaran ng letsong pato sa Beijing yaon ay ang Quanjude. Ngayo'y isa na itong group company, May marami itong restuaran sa iba't isang lugar ng daigdig. Ilalahad namin ngayon ang tungkol sa restauran ng Quanjude sa Qianmen na wala pang 2 kilometro ang layo mula sa Liwasang Tiananmen.

Ang Beijing duck dito ay kaiba sa Bianyifang. Iniihaw dito ang pato sa ibabaw ng hurnong may ningas ng apoy. Bago ihawin ang pato sa Quanjude, pinapahiran mula ang pato ng mga panlasang sangkap na sila lamang ay mayroon. Dapat gawing tamang-tama ang apoy.pag luto na ang pato, medyo kasingpula ng Chinese date ang kulay ng balat na makintab at malutong at malambot ang laman.

Talagang nagugustuhan ng mga tao ang Beijing duck sa Quanjude dahil mahusay ang pagkakahiwa at masarap ang lasa. Ayon sa manedyer ng restuaran na si Mr. Ma Jie. Sinabi niyang,

"Sa karaniwan, mahihiwa ang isang pato sa l08 piraso. May sawsawan ito, na ang lasa'y medyo matamis para hindi nakasasawang kainin."

Hindi lamang nagugustuhan ng mga Tsino ang Beijing Duck, gayon din ng mga dayuhan. Pinurihang husto ng taga-Switzerland na si Mr. Peter Kutel ang kasarapan ng Beijing. Sinabi niyang,

"Masarap ang Beijing Duck. Takang-taka ako na gayon pala karaming trabaho ang pag-ihaw ng pato. Nasaksihan ko sa ewatuaran ang pag-ihaw ng pato sa hurno, nilalagyan pa ang mga iihawing pato ng mga mumunting sangkap. Masarap ang lasa ang lasa at katangi-tangi. Kaya nagustuhan ko."