• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-11-30 19:33:48    
Tsina't Britanya, nagtulungan sa pagbibigay-tulong sa out of schools teen-age girls

CRI

Sa ilang mahihirap na lugar ng Tsina, may mga kaso ng ilang kabataang babaena hindi nakapag-aral sapul noong tumuntong sila sa school age hanggang sa magdalaga at ngayon lampas na sila sa gulang para magsimulang mag-aral. Talaga namang napakahirap kasi ng kalagayan ng kanilang pamumuhay. Ngunit, salamat sa isang proyekto ng pagtutulungan ng Tsina' Britanya, muling nagkaroon sila ng pag-asa at nagbago ang kanilang tadhana sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.

Ang nabanggit na proyektong tinatawag na Proyekto ng Pagtutulungan ng Tsina't Britanya hinggil sa pagkakaloob ng pagsasanay sa vocational skills para sa teen-age girls na nasa ilalim ng pagtataguyod ng ministri ng komersyo ng Tsina at Department for International Development ng Britanya at ng All-China Women's Federation ng Tsina ay siyang namamahala sa aktuwal na pagpapatupad ng proyektong ito. Isinalaysay ni Zhang Shiping, isang opisiyal ng nasabing pederasyon na:

"Sapul nang ipatupad ang proyektong ito, nakapagkalood na ito ng mga pagsasanay para sa livelihood, produksyon at iba pa sa mahigit 12 libong 15 hangang 18 taong gulang na kabataang babae na hindi nakapag-aral. Salamat sa proyektong ito, nagbago ang kanilang kaisipan at ideya at bumuti rin ang kalagayan ng pamumuhay ng kanilang pamilya."

Ang 16 na taong gulang na si Zhang Hui ay isa sa nasabing mga mapalad na kabataang babae na nabiyayaan ng nasabing proyekto. Noong una, waring napaka-kapos-palad niya. Namatay ang kaniyang inay dahil sa cancer noong 2004. Noong nagdaan taon, dahil baon sa utang ang pamilya, napilitan siyang tumigil ang pag-aaral. Ngunit, noong Hulyo ng taong ito, lumahok si Zhang sa pagsasanay na kaloob ng nasabing proyekto. Pagkaraan ng 40 araw na pagsasanay, natutuhan niya ang rabbit breeding. Matagumapay na nakapagparami siya ng mahigit 80 kuneho, maliwanag na bumuti ang kalagayang pinansiyal ng kaniyang pamilya.

Si Tony Voutas, isang dalubhasa ng British Council, ay kalahok rin sa prokyektong ito. Sinabi niyang:

"Walang duda, pinataas ng pagsasanay ang kahusayan ng mga kabataang babae at gayun din ang kanilang kakayahan sa komunikasyon. Nagkaroon sila ng mas maraming pangarap para sa hinaharap. Pag natapos ang pagsasanay at bumalik sa kanilang pamilya, nananalig akong maghahatid sila ng kanilang pagbabago sa kanilang mga pamilya."

Ang mga natamong progreso ng mga kabataang babae ay bunga ng nasabing pagsasanay. Bakit mabunga ang pagsasanay na ito? Napag-alamang sa proyektong ito, nagsagawa sila ng isang may katangiang paraan ng pagtuturo. Ang pagtuturo ay hindi lamang sa silid-aralan ginagawa, dinadala nila ang mga ito sa actual location. Halimbawa, ang pagsasanay hinggil sa pagtatanim ng punong-kahoy na nagbubunga ay dinadala sa taniman ng prutas, at sa barberya ang pagsasanay para sa paggupit ng buhok. Tanggap na tanggap ang paraang ito ng mga kabataang babae.

Ipinalalagay ni Xie Weiqiang, isang gurong kalahok sa proyektong ito, na bukod sa kahusayan, ang pagpapalakas ng kompiyansa ng kabtaan ay isa pa ring tungkulin ng pagsasanay at mahalagang mahalaga rin ang pagbabago ng kaisipan at ideya. Naalaala niyang mahiyaing-mahiyain ang teen-ager na si Zhang Fangfang, talagang hindi siya makaharap sa ibang tao. Ngunit, pagkaraan ng pagsasanay, nagkaroon siya ng bilib sa sarili. Sinbi ni Fangfang na:

"Bago lumahok sa pagsasanay, napakadungo ko. Maaring sabihin na wala akong pinapangarap sa buhay, dahil wala akong lakas-loob na isaalang-alang ang kinabukasan. Ngunit, pagkaraan ng pagsasanay, nagsimula akong mangarap. Pinanagrap kong mag-ari ng isang sariling parlor. Nananalig ako na sa pamamgitang ng sariling pagsisikap, magtatagumapay din ako."