• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-12-04 11:01:58    
Sagot sa tawag ng Shangri-La

CRI
Ang Meili snow-capped mountain na isa sa itinuturing na bahagi ng paraiso ng Shangri-La ay nasa Deqing country na 184 km. Ang layo sa country seat ng Zhongdian. Sa pagtungo rito, maari kayong dumaan sa Bengzilan para sa tanghalian.Ito ay bantog na tawiran sa ilog noong unang panahon at dito nagtatagpo ang mga ilog Jinsha, Nujiang at Lanchang.

Ang saligang kulay ng Bengzilan ay madilaw-dilaw na berde, isang matingkad na kulay na nakapagpapagunita sa panahon ng pag-aani. Ang klima nito'y maginhawa sa buong taon. Naniniwala ang mga mamamayan dito na ang bundok na ito ang hari ng mga bundok na may putong na niyebe.

Ayon sa paglalarawan ng mga travel book, ang Meili snow-capped mountain daw ay kumikinang sa sinag ng araw.

Isa pa ring kagila-gilalas na tanawin sa Zhongdian ang Shudu Lake. Habang naglalakad sa kahabaan ng pampang ng Lawa, makikita ninyo ang lawa at himpapawid na nagpapatingkad sa kariktan ng isa't isa.

Sa malayo, ang tubig ng Lawa ay matingkad na bughaw, bagamat kulay kape ito kung titingan sa malapit.

Sabi ng mga tagarito, nagbabago raw ang kulay ng tubig habang umaagos pababa mula sa kalapit na mga bundok dahil sa mga halamang-tubig at maitim na lupa sa malalim na lawa. Ang Shudu Lake ay 3,700 metro mula sa lebel ng dagat at may lalim na 24 metro att gulang na mahigit sa 20,000 taon.

Ang Shudu Gang ang pinakamalawak na pastulan sa rehiyong Zhongdian. Sa wikang Tibetano ang "shu" ay nangangahulugang "keso", samantalang ang "du" ay nangangahulugang "bato".

Sinasabing may isang monghe raw na minsa'y naglakbay rito ang nagbigay ng pangalang Shudu. Lubos siyang nasiyahan sa kesong inihandog sa kanya ng mga taumbayan kaya't nagkaroon siya ng mabuting hangaring ang keso rito'y nanatiling sintigas ng bato.

May espesyal na bagay na nananahan sa Lake Shudu, ito'y ang "isdang may bitak". Mula sa tawag dito malalaman ninyo na ang naturang isda'y may ginintuang katawan at isang bitak sa tiyan. Pero sa totoo lang, napakasarap itong kanin. Ang mga bahay na tabla malapit sa pampang ay mga lugar na dapat puntahan pata sa barbekyu. Ang mga bisita'y maaaring mag-ihaw ng kanilang pagkain mula sa karneng-baka, baboy hanggang sa patatas at isda.Kung titingin kayo nang pahilaga mula sa Shangri-La, makikita ninyo ang isang matandang estrukturang arkitektural. Nasa paanan ng Bundok Foping, mga 5 kilometro mula sa Zhongdian Country, ang Guihua Si (Gedan Songzan Ling Temple) ang siyang pinakamalaking templo sa Lalawigang Yunnan. Makakarating kayo rito nang deretso sa pamamagitan ng bus mula sa bayan ng Shangri-La, o kaya sa bus No.3. Ang Bayan ng Shangri-La ay ang country seat ng Zhongdian at Diqing Tibetan autonomous region.

Ang Baishui Tai (White Water Terrace) ay napakalayo mula sa Zhongdian. Makakarating kayo rito pagkaraan ng apat na oras na biyahe sa bus. Mula sa malayo, ang baytang-baytang na lupa ay nagkukulay kristal sa sikat ng araw.

Ang bahagi sea naman ay nasa dakong silangan ng Shangri-La. Ang lalim ng dagat ay umaabot sa 40 metro at malinaw sa buong taon. Maaari itong marating sa pamamagitan ng kabayo.

Ang kulay berdeng tubig ay umandap-andap sa masarap na simoy ng hangin at init ng sinag ng araw. Ang tubig sa Bita Sea ay higit na bughaw kaysa Shudu Lake at mas maraming bumibisita rito.

Sasamantalahin ng sinumang nakarinig na sa kuwentong "ang isda'y nalasing sa pagkain ng bulaklak na azalea" ang pagkakataong makita ng sarili nilang mga mata ang gayong tanawin.

Sinasabing habang namumulaklak ang pulang-pulang azalea sa mga buwan ng Mayo at Hunyo ng bawa't taon, kapag nalamon ng isda ang mga talulot ng bulaklak at malalasing ang mga ito at lulutang sa lawa. Alam niyo kung bakit? May lason ang mga talulot ng bulaklak.